Chapter one

0 1 0
                                    

Imheaira

Nakatulala ako sa bintana habang hinihintay ang bell. Hayst, kanina pa kumukulo ang tiyan ko pero antagal pa matapos ang klase.

" Ms. Santos, are you listening? Wala sa bintana ang teacher mo" mahinhin ngunit bakas ang galit na sabi nang aming terror teacher sa pre calculus.

Bumalik sa diwa ang aking pag iisap at nahihiyang ngumiti ako kay Ma'am " sorry po, ma'am"

Nakinig nalang ako kunwari sa klase, habang nag di-discuss si ma'am ay ang aking isip ay lumulutang parin dahil sa sobrang gutom.

Trrrrrrrrrrrrrngggggggggg. Wahhhhhh, sa wakas! After how many years tapos narin ang klaseeeeeeeeee! Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas.

Pagdating ko sa canteen ay nakita ko agad si kael, ang tatlong taon ko nang kasintahan. Yes, grade 12 ako and grade 9 naging kami, we know that we're both young back then pero alam namin at sigurado kami sa isa't isa.

"Ang aga ata natapos klase niyo?" Bungad na tanong ko sa kanya.

" Wala 'yung teacher namin sa practical, may important meeting daw" walang gana niyang sagot habang naglalaro.

Kael is grade 12 HUMSS student, habang ako naman ay STEM. Classmate kami since elementary and high school, ngayon lang kami naghiwalay nitong senior high na, pero lagi naman kaming sabay mag lunch at umuwi.

" Mag o-order na'ko, anong sa'yo?" Tanong ko habang hinahalungkat ko ang wallet ko sa bag.

"Nope, nag order na'ko kanina pa pero 'di ko muna kinuha kasi wala kapa. Wait kukunin ko lang" sabi niya sabay patay sa cellphone niya at nagmadaling tumakbo papunta sa counter.

3 years of being together with him, so far wala pa kaming naging malalang away, may mga sagutan kami pero hindi dumadaan ang buong araw na 'di namin naayos 'yun.

May mom is a business woman, while may dad is an engineer. Pareho silang nasa ibang bansa ngayon because of work, nong una nalulungkot at kapag wala sila pero ngayon nasanay na'ko and also lagi rin naman akong sinasamahan ni kael kaya 'di ko ramdam na mag isa ako.

Kael's mom is a doctor also his dad, parehong busy ang parents namin pero hindi kami nalulungkot because we have each other naman.

Hindi maipagkakailang may kaya ang mga magulang namin pero hindi kami maluho, ang mga allowance nga namin ay 'di namin nauubos kaya ang mga natitira ay nilagay namin sa savings namin.

We both spoiled by our parents but with discipline, napag desisyonan namin na mag ipon for our future, because we don't know kung kailan darating ang mga problema.

Hindi sa lahat ng oras ay may pera ang mga magulang namin at Hindi sa lahat ng oras ay aasa kami sa kanila. Sigurado kami na kami na talaga ni kael hanggang dulo kaya nag iipon narin kami.

"So, kamusta ang klase" he asked, he always like this, lagi siyang interesado sa'kin kaya rin siguro sobrang mahal na mahal ko siya.

"Ayus lang although hindi naman ako nakinig" with matching giggle pa 'yan ah, idunno pero kapag siya ang kasama ko parang nagiging isip bata ako, maybe because sobrang komportable na'ko sa kanya.

"At bakit hindi ka nakinig" nakataas ang isang kilay niya habang nagtatanong. Arghh, serious side of kael. Seryosong tao si kael pero pagdating sa'kin para rin siyang bata kahit minsan ganito siya.

"Syempre kumukulo tiyan ko kaya atat akong matapos ang klase" nakanguso kong sabi habang dinadak-dak ang pagkain ko.

" Stop being cute, ira. sobrang lalim na ng pagkaka inlove ko sayo, 'wag mo na dagdagan baka mabaliw na'ko" nakangisi niyang sagot sabay kurot sa pisngi ko.

See? Kahit halos magka edad lang kami ay parang sobrang bata ako sa kanya kapag siya ang kasama ko.

"Well, it's not my fault na pinanganak ako nila mommy at daddy na cute and maganda at the same time" nagpa cute pa'ko habang sinasabi ko 'yon. tumawa lang siya bilang tugon

" Stop playing with your food, baka malate ka sa klase" napansin niya sigurong kanina ko pa pinaglalaruan ang pagkain ko.

" Ammm btw, darating pala sila mama mamayang gabi and gusto nilang sunduin natin sila sa airport kasi mag di-dinner din daw tayo" sabi ko sa kanya habang ang mata ay sa pagkain parin.

"Okay, anong oras sila darating?" Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago sumagot.

" 8:00 pm daw pero magpapasama rin ako sayo after class sa mall, bibili lang akong bagong libro" pinunasan niya pa ang kalat sa bibig ko gamit ang tissue.

Hindi ako bookworm pero mahilig ako magbasa, ah basta ganun HAHAHA.

"Sige, hintayin nalang kita labas ng room niyo kapag mauna kami lumabas, kapag kayo naman ang mauna, hintayin mo nalang ako sa gate as usual" ganun talaga ang arrangement namin bago umuwi.

After namin kumain ay bumalik na'ko sa room.

                      ***************

Matapos ang klase ay dali-dali akong lumabas para kitain si kael, gaya ng napag usapan ay hinintay ko siya sa gate, 5 minutes had past nong dumatin siya.

"Sorry ngayon lang, kanina ka pa?" Hinihingal na tanong niya, halatang tumakbo pa siya papunta rito.

"Nope, 5 minutes ago lang ako dumating" sagot ko sabay tayo.

Pumunta na kaming parking lot kung saan andun ang sasakyan niya.

Nag sound trip lang ako habang papunta kami sa mall.

Pagdating namin ay pumunta agad ako sa national book store para maghanap ng bagong libro.

Tatlong libro ang nabili ko. After kung mamili ay dumiretso na kami papunta sa airport, naghintay pa kami ng 30 minutes bago dumating sila mommy.

"Hi, darling. Imissyou!" Bungad ni mommy sabay hug sa'kin.

"Imissyoutoo, mom" yumakap rin ako kay daddy. Nagtanguan lang si daddy at kael .

"Oh, iho. How have you been? Kamusta ang mommy mo?" Lumapit si kael kay mommy at bumeso rito.

" I'm doing good naman po, tita. Ganun rin po sa mommy" magalang na sagot ni kael.

After namin magkamustahan ay dumiretso na kami sa hotel na pagmamay-ari ng parents ko, si dad pa ang nag design nito.

After namin kumain ay hinatid na kami ni kael sa bahay bago siya umuwi.

"Ingat, 'wag masyadong mag drive nang mabilis ha?" Humalik pa'ko sa pisngi niya bago siya pumasok sa sasakyan niya.

"Yes, love. I gotta go" nag wave pa siya sa'kin bago niya sinara ang window niya at umalis.

Pumasok ako sa bahay at nadatnan ko sila mommy at daddy sa sala

" We have pasalubongs for you, love. I'm sure magugustohan mo 'to" sabi ni mommy at binigay sa'kin ang dalawang naka gift wrap pa na cartoon.

Pag open ko ay isang chanel bag and chanel dress ang laman.

"Wow, this is so nice. Thank you mommy, thank you daddy" sincere kong sabi sa kanila at niyakap sila.

"Anything for my baby, it's a small thing. Atleast jan manlang nakakabawi kasi couz we can't give you our whole time. I'm so-sorryy dear" bakas ang lungkot sa boses ni mommy.

"It's okay, mom and dad. I know you're doing this for me, for my future. I appreciate all your efforts"

Sometimes nalulungkot rin ako na wala silang time for me, but i understand, kasi kung hindi sila mag tatrabaho ay wala kaming makakain at hindi ako makakapag aral.

After namin mag dramahan ay mapagpasyahan na naming matulog.

__________________________________________________

See you sa next update ( ◜‿◝ )♡

Holding Back For Your Promises Where stories live. Discover now