Chapter two

0 1 0
                                    

Months had past, next month na ang graduation namin kaya busy ang lahat.

Ilang araw narin kaming hindi nakakapag-sabay ni kael since busy kami pareho at magkaiba ang schedule namin.

"Amm, aira?" Nagulat ako nong tinawag ako ni drey, he's my classmate since high school pero nakakapagtaka dahil sa tagal naming mag classmate, ngayon niya lang ako kinausap.

Si drey kasi ay isang nerd, wala siyang kinakausap kahit isa sa'min dahil puro libro lang ang kaharap niya, kaya nga siya ang top 1 namin ei.

Kaya laking gulat ko na tinawag niya ako ngayon.

"Ako?" Turo ko sa sarili ko, mahirap na noe, malay mo iba pala ang tinatawag niya kahit ako lang ang aira dito.

"Ahhh, ano kasi. Pwede sumabay mag lunch sayo? Kung okay lang" parang nahihiya niyang sambit at ngumiti nang kaunti.

Woahh, anong nakain niya at gusto niya akong kasabay, sa pagkaka alala ko kasi ay lagi siyang mag-isa kumain.

"Yeah sure, pero kasama ko boyfriend ko. Ayus lang ba sayo?"

Sa sobrang busy namin ni kael at iba ang sched namin, ngayon lang kami ulit kumain ng sabay. Ayus lang naman kahit isama ko si drey kasi kilala naman siya ni kael since classmate nga namin siya pag high school.

Tsaka hindi naman seloso si kael lalo na't alam niyang hindi gaya ni drey ang mga tipo ko, and also binibigyan ko rin siya ng assurance na siya Lang talaga kasi dzuh! Sino ba namang matinong tao ang hahanap pa kung isang kael na ang ibigay sa kanya, diba?

"Okay, thanks" kinuha niya ang bag niya at sumunod lang sa'kin.

Hanggang ngayon hindi parin ako maka get over na kinausap niya ako and may pasobra pa kasi sumabay siya mag lunch ha, ano kayang nakain niya? May sakit kaya siya?

Pagdating namin ay canteen ay naabutan na namin si kael doon and as usual naglalaro nanaman siya, pero nang maramdaman niya ang presensya namin at agad siyang tumingin.

Nagulat pa siya nang kaunti ng makitang may kasama ako at si drey pa. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Ahh, si drey. 'yong classmate natin pag high school, sasabay daw siya mag lunch, ayus lang naman sayo diba?" Paliwanag ko agad sa kaniya

Parang hindi niya pa ito nakilala dahil nakakunot pa ang noo nito.

"Ahhh, yeah! Drey of course. 'yong top one natin dati diba?" Mukhang nakilala niya na nga ito.

"Oo" tanging sagot ko lang.

Nagkamayan pa sila bago namin mapagpasyahan na mag order, well, sila lang pala. Si kael narin kasi ang nag order sa'kin.

Pagdating nila ay nilagay na ni kael ang order niya at umupo sa tabi ko. Ganun din ang ginawa ni drey at umupo naman sa harapan namin.

Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magtanong si kael.

"Hindi mo naman ako in-inform na magkaibigan na pala kayo ni drey, ira. Parang dati lang ei ang tahimik nito ah, wala ngang kinakausap sa room natin" medyo natawang sabi ni kael na parang naalala ang high school life namin.

"Ahh, actually we're not friends. Ngayon niya lang ako kinausap and ayon hihi" napatigil sa pagkain si drey at tumingin sa akin.

"I want you to be my friend" straightforward na tanong ni drey at pinagpatuloy ang pagkain.

Tumingin ako kay kael dahil baka mamaya ay magselos siya, mahirap na noe.

"Goods 'yan pre. Atleast finally may kaibigan narin si ira aside sa'kin, tsaka para may makasama naman siya lalo na ngayon na busy ako" parang mas natuwa pa si kael sa narinig.

Ngumiti nalang ako bilang tugon, parang ambilis kasi ei. Bigla-bigla nalang ako kakausapin tapos maya-maya magsasabi na gusto akong maging kaibigan, hindi pa 'yon question ah. Literal na sentence na para bang wala akong choice kundi maging kaibigan siya.

Hayst, hindi rin naman kasi ako sanay na may ibang kaibigan, kasi since elementary si kael na talaga ang kaibigan ko, ayoko narin sana humanap nang ibang kaibigan since kuntinto na'ko sa kanya.

Pero wala namang masama kung mag try ako ngayon, mukhang kampante naman si kael sa kanya kaya wala naring masama.

After lunch ay nagpaalam na kami kay kael at sabay na kaming bumalik sa room ni drey.

Pinagtinginan pa kami ng mga classmates namin mukhang hindi dahil sa malapit na kami malate kundi dahil sa kasama ko si drey. Well, sino ba naman ang 'di magugulat diba?

May mga iba pang nagbubulongan na sa hula ko ay ginagawan nila kami nang isyu ni drey.

Hayst, kaya ayoko rin ng ibang kaibigan lalo na pag lalaki ei, kasi iisipin agad ng mga tao na malandi ako lalo na't may kael na'ko, na para bang dapat kapag may boyfriend ka ay hindi kana pwede magkaroon ng kaibigang lalake.

Pero hindi ko narin sila inintindi at umupo na'ko sa upuan ko, hindi lumipas ang isang minuto ay dumating na ang teacher namin sa
GenChem.

"Okay class, i want you to group yourselves into two. Kayo na bahala pumili basta by pair lang, we have an activity today" unang bungad ni ma'am sa'min.

"Partner tayo?" Nagulat pa'ko nong magsalita si drey sa tabi ko.

Naku! Lagi nalang ako ginugulat nang lalaking 'to, hindi parin talaga ako sanay sa presensya niya.

"Sige" ngumiti nalang ako sa kanya.

"Nakahanap naba ng partner lahat?" Tanong ni ma'am makalipag ang ilang minuto.

"Yes, ma'am/ opo, ma'am/ meron na po ata lahat, ma'am." Sagot ng lahat.

Inexplain na ni ma'am kung anong gagawin, kailangan daw namin gumawa ng report.

Mukha nasa akin ang swerte ngayon, akalain mo ka pair ko ang top one, hindi naman sa bobo ako, ako ang top two dito ei pero ang sarap parin maka pair ang top one, atleast hindi na pabigat gaya ng lagi kong nakaka grupo dati.

Nagsimula na kami gumawa ni drey, siya na ang umisip ng gagawin at ako ang magsusulat at mag re-report.

While nagsu-sulat ay naiilang ako kasi tumitingin si drey, nakatitig to be exact.

"Amm, may dumi ba mukha ko?" Parang nagising naman sa diwa si drey at nahihiya pa siyang umiling

"Sorry" ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at nag umpisa nang mag sulat ulit

After an hour ay sa wakas tapos narin ako mag sulat, binasa ko nalang ulit ang sinulat ko para narin maging ready sa report and in case na may maging tanong si ma'am sa akin ay atleast ready ako.

Since kami palang ang natapos ay kami nalang ang naunang mag report.

While nag re-report ako ay ramdam ko parin ang titig ni drey sa'kin kaya humarap ako sa kanya while nag di-discuss.

Nang napansin niyang tumingin ako ay bumaling siya agad nang tingin at parang nahiya pa ito.

That time i feel something weird kay drey, mula sa lagi nitong pagtitig sa'kin. It feels strange but i kept on not minding it couz maybe nag o-overthink lang ako.

Imposibleng magustohan ako ni drey, ngayon pa nga lang niya ako kinausap ei.

__________________________________________________

See you sa next update ( ◜‿◝ )♡



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Holding Back For Your Promises Where stories live. Discover now