Filipino Quotes and Love Sayings

2K 20 1
                                    

Sabi nila nakakapagod daw ang magmahal, sabi nila sa umpisa lang masaya ang pag-ibig. Sabi nila magsasawa din tayo sa isa't isa. Sabi ko naman..."Isang malaking kasinungalingan yon." Alam mo kung bakit? Dahil ang taong nagmamahal ng totoo kailanman hinding hindi magsasawang magmahal.




Dati masaya tayo kahit madaming problema. Madalas akong nakangiti dahil alam ko paggising, ikaw ang makikita ko. Pero isang araw nagising na lang akong wala ka na, kasama siya habang ako iniwan mong nag-iisa.



Mahalin mo ang isang taong proud na proud sa'yo hindi dahil sa maganda o guwapo ka kundi dahil sa kanya kana! :)



Alam kong matagal ng tapos ang lahat lahat sa atin. Pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin kita kayang kalimutan? Mahal pa rin ba kita o sadyang nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita kong may kasama kang iba?



Yung feeling na akala mo nakalimutan na kita pero bigla kitang nakasalubong, ngumiti ka sakin, sabay nag "Hi" at lahat ng bagay tungkol sa atin bigla na lang bumalik! Deads!




Gaano ba ka importante ang salitang "I love you"? Hindi ko din alam. Pero para sakin, mas importante ka. Ikaw kasi ang dahilan kung bakit ko nasasabi ang mga salitang yan! :D



"Wag mong biruin ang PAG -IBIG dahil kapag PAG-IBIG na ang

bumiro sayo siguradong hindi ka matatawa iiyak kapa."



Malayo ka man sa akin, hindi ko man maipakita kung gaano ka kahalaga. Basta magtiwala ka, kasi hindi mo man abot ang yakap ko, ang importante hawak mo ang mundo ko at nasa iyo ang puso ko.



Hinding hindi mapipilit ang isang tao sa mga bagay na hindi niya gusto. Kung sakali mang pumayag siya. Tandaan mo na hindi niya kayang maging masaya.



Huwag kang mag-alala kung minsan naikukumpara mo ang sarili mo sa ibang tao. Tandaan mo na hindi yon dahil sa insicurities kundi para malaman mo kung bakit siya ang pinili ng taong mahal mo at hindi ikaw.



Mas ok nang alam mong wala kang lugar para sa isang tao. Kesa sa binigyan ka nga niya ng lugar hindi mo naman alam kung saan..



Maswerte ang taong nasa kanya na ang lahat. Pero mas mapalad ang taong tulad ko. Alam mo kung bakit? Dahil kahit ang lahat ay wala sa akin. Andyan ka naman na kayang punan ang lahat ng bagay na wala ako.


*******

Comment lang po kung anung qoutes ang gusto nyo, at kung sino po mag-papadedicate <3 THANKYOU :* HAPPY READING :*

Tagalog And English QoutesWhere stories live. Discover now