Tagalog Love Quotes For Him

1.8K 20 0
                                    


Kapag naguguluhan ka na, kapag lahat sila iniwanan ka at wala ka ng taong malapitan. Sana maalala mo akong puntahan at di ako magdadalawang isip na damayan ka hanggang sa maging ok ang lahat.


Ang love parang Basketball, jumpball sa umpisa, time-out kapag pagod na, foul kapag nasasaktan kana. Pero ang pinakamasakit dun ay yung malamang GAME OVER na nga...tapos uuwi ka pang TALUNAN!

Nakakabadtrip kapag yung close friend mo crush mo...mahirap itago, dedma ka lang kapag kinukulit ka niya. Tablado kapag lumalapit, pero minsan kapag naglalambing , kulang na lang na sabihin mong "tama na please! Tumigil ka na kung pwede lang...na-iinlove na kasi ako sa'yo!"


Madaming nagsasabi sa'kin na sana matauhan na ako dahil hindi mo naman ako mahal at kailanman hinding hindi mangyayari yon. Alam mo ang sagot ko? "Ok lang, hindi naman ako umaasa na masusuklian niya lahat ng ginagawa ko. MAHAL KO LANG TALAGA."


Pwede naman tayong magsama kahit kailan natin gustuhin, Sabi nga ng iba, lahat ng bagay pwedeng gawin kung gugustuhin lang. Pero ang problema, di lahat ng "pwede" ay "dapat". Parang tayong dalawa, PWEDE PERO DI DAPAT...

Bakit ganon? Mahal mo yung tao pero di ka naman mahal. Tapos may taong nagmamahal sa'yo pero di mo naman gustong mahalin. Sadyang ganoon lang talaga ang pag-ibig, madalas "UNFAIR"

Alam mo yung feeling na akala mo nakalimutan mo na siya. Ready ka ng mag-move on at magbagong buhay. Pero one day paggising mo, narealize mong parang may kulang. Naalala mo siya bigla at nasabi mong, "Ouch! Hindi ko pa rin kayang mawala siya sa buhay ko."


At some point, alam kong malilimutan mo rin ako. Ano lang ba naman ako sa'yo?Isang taong paulit-ulit na gumugulo sa buhay mo. Pero sana kapag naghiwalay na tayo, tandaan mo na hinding hindi kita malilimutan dahil, ikaw yung natatanging umayos sa lahat ng gusot sa buhay ko.

Sa tuwing naiisip kong malungkot ka, gusto kitang lapitan at yakapin ng mahigpit sabay sabing "Ok lang yan, nandito lang ako kung kailangan mo ng karamay." Kaso hindi ko kayang gawin. Kasi alam ko hindi naman ako ang kailangan mo. :(


Tagalog And English QoutesWhere stories live. Discover now