Chapter 09

1.4K 21 8
                                    


Natapos ang halik na 'yon dahil sa isang kalabog na nang galing mula sa may likuran namin. Sabay kaming lumingon at ang gulat na mukha ni Itay ang siyang gumulat sa amin.

"Tay!" gulat kong sigaw.

Agad itong lumapit sa aming dalawa ni Armani . Unti-unting umangat ang kamay nito at isang malakas na lagapak sa aking mukha ang binigay.

Isang luha ang kumawala sa aking mata, kasunod non ay isang malakas na hikbi na nang-gagaling sa akin.

"Hindi kita pinalaki para lang makipag-halikan dito sa labas ng bahay, Liara! Ganyan kana ba k*l*ndi para payagan ang isang gagong ito na halikan ka dito?!" galit na sigaw ni Tatay sa akin.

Agad akong umiling sa kanya.

"Nagawa mo pang magpahalik sa gagong ito, nang una kayong magkita ay hindi ka nga nirespeto. Kung anu-ano ang sinabi sayo tapos nagawa mong patawarin!?"

"Tay, pasensya na po. Hindi namin sinasadya." nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Kasunod non ay tinignan ko si Armani ngunit wala man lang siyang ginawa. Nakatingin lamang siya sa langit.

"Lumia." dinig kong sabi niya.

Mas lalo akong napa-iyak sa sinabi niya. Halik lang naman ang ginawa niya sa akin ngunit bakit napakasakit?

"Lumayas ka bukas na bukas din, Liara. Ayokong makita ang pagmumukha mo dito sa bahay. Isa kang dalaga na walang delikadesa!" masakit na sigaw ni Itay.

Ngayon pa lamang niya ako nasabihan ng ganon at ngayon lang din niya ako napagbuhatan ng kamay.

Napaupo na lang ako dahil sa panghihina. I am like an animal, wounded not just physically but emotionally too.

"What did I do? Fuck. I'm sorry, Lumia. Sorry." nagsisisi na sabi ni Armani habang nakatingala at umiiyak.

"A-armani" utal kong tawag sa kanya ngunit galit siyang tumingin sa akin..

"Did you see what did you do?! I cheated on her. You are disgusting!" galit niyang sabi.

Disgusting. Wow.

"You provoke me to kiss you! Putangina. Nakakadiri ka!"

I looked at him unbelievably. I didn't provoke him. He kissed me, first.

"I didn't provoke you! You kissed me first!" sigaw ko sa kanya.

He just looked at me in pathetic look.

"I am not going to love or like a girl like you." he said lastly before left me.

Hindi din kita gugustuhing maging asawa, Armani. Isinusumpa ko 'yan!

Agad akong pumunta sa kwarto ko at inimpake ang mga damit ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at agad na dumiretso sa dati ko bang tinitirahan.

"Where are you going, Liara?" tanong ni Rollins.

Hindi ko siya sinagot at nilagpasan na lang. Patuloy ko pa ding iniisip ang sinabi ni Armani.

Bulag siya sa pagmamahal para sa ibang babae kaya't hindi niya nakikita kung sino ang nasasaktan niya.

"Liara. I'm sorry." kinaumagahan ay iyon ang bumangad sa akin.

Tumango lamang ako sa kanya dahil masama pa din ang loob ko ngunit wala na akong magagawa dahil nangyari na.

"I cooked for you. I hope you like it." mahinang sabi niya.

Pagpasok sa kusina ay tambad ang pang-umagang ulam.

"Marunong ka mag-luto ng Tuyo?!" gulat ko siyang nilingon.

Tumango siya ngunit ngumiwi din. Tinignan ko ang braso niya at puno ng pantal iyon, malamang talsik galing sa mantika.

"Gamutin natin 'yang mga talsik mo." hinila ko siya ngunit agad din niyang pinigilan.

"H'wag na, kumain ka na lang. I'll appreciate if you eat what I cooked." he smiled.

Agad akong tumango at nilagyan ang dalawang pinggan sa aming harapan. May dalawang pag-pipilian pa sa kanin. Plain at fried.

"Salamat sa agahan. Nabusog talaga ako."

Kinahapunan ay nangisda lang kami sa malapit na pala-isdaan. Wala na kasi kaming ulam para mamayang gabi.

"I'm really sorry for what I said last night. I didn't mean it, I am just shock. Naninibago pa din ako dahil hindi ako sanay na ibang babae ang hinahalikan."

Tumango lang ako sa kanya dahil naiintindihan ko naman.

Ngunit may parte sa akin na umaasa na sana'y ako na lang ang babaeng 'yon.

08/09/2022

Sorry for the short update. Read my new story.

Elodie: The Runaway Model

Polyandry too.


Lumia: The Escort Of Three GroomsWhere stories live. Discover now