First Sunday

1K 36 11
                                    

Nang malaman ni nanay na nawala si Ira, agad ulit syang lumuwas.

Yes, nagsasayang ng pera at lakas ang nanay ko kaya lumuwas ulit sya. Pagdating na pagdating ni nanay sa apartment nang alas diyes ng gabi, magmamano sana ako pero nauna yung batok nya sa’kin.

“ARAY!”

“Kasasabi ko lang na mag-ingat! Anong ginagawa mo ha, Janice?!”

Napakamot naman ako sa ulo ko.. “Ako po yung nagsabi ng ingat kayo..”

At nakatikim na naman ako ng malutong na batok. “AAHhh!” Sakit na nun ah?!

“Sasagot ka pa! Ano ba kasing nangyari at nawala yang bata ha, Janice?!”

“Nay, kalma.”

Nakita kong nanggigil na si nanay at akmang babatukan na naman ako kaya pinigil ko na sya. “NAY!”

“Bakit?”

“Baka madamage ang fezlak ko, mahirap na. Wala nang maniniwalang Dyosa ako.”

Pero binatukan pa rin ako ni Nanay. “Baliw ka talaga!”

“Eh, nakita naman po si ira, Nay. Dapat hindi ka na lumuwas.”

“Hindi ka nag-iingat! Alam mo nang nanay ka na di ba? Akala mo ba naglalaro lang tayo dito ha?!”

“Nay, upo tayo.” Sabi ko sa kanya, nangawit ako sa pagtayo kanina. Sanay na si Ira na makita akong inaaway ng nanay ko kaya wala na lang yang pakialam sa’min, nanonood nalang sya ng TV.

“Pa’no mo nakita yung bata?”

“Upo tayo, Nay.” Saka lang sya umupo. makulit din ‘tong si Nanay eh. “Pumunta nga ako ng information booth para ipa-page si Ira.. Tapos ayon, may nagsoli naman sa kanya.”

“Aba’y salamat sa Diyos.” Nag-sign of the cross pa si Nanay. “Sino ang nagbalik?”

“Prof ko po.”

“Prof mo? Bakit? kasama nyo ba?”

“Hindi Nay! Nagkataong nasa mall din sya.. Nagulat nga ako nung buhat nya si Ira.. kaso ‘Nay, may problema tayo eh.”

“Ano?”

“Di ba nakita na nya si Luke sa picture.. Eh dala nya yun kahapon... Ang siste eh.. kamukha kasi ni Luke yung Prof ko na yun..”

“Anong sabi ni Ira?” Bumulong si Nanay.

Nagaya na rin ako.“Yun na nga ‘Nay, ang akala nya, yun si Luke. Tinawag na ‘Daddy’ yung Prof ko. Eh syempre nakakahiya naman..”

“Sinabi mo na ba kay Ira na hindi yun ang tatay nya?”

“Umiiyak nga kasi ‘Nay pag sinasabi ko yun..” Hindi naman ako pwedeng umasa sa ‘pangako’ ng Prof ko. Sa dami ng ginagawa nya, baka makalimutan nya rin yung sinabi nya sa bata.

Napabuntong hininga lang si Nanay. “Pabayaan mo na lang muna, makakalimutan nya rin yun.”

Sana nga ‘Nay.

_________________________________________________________

Hindi pa rin ako mapakali paghatid ko kay Ira sa school nya kinabukasan. Parang gusto ko talaga sya itali sa beywang ko dahil sa nangyari nung linggo. Naglalakad ako papunta ng hallway papasok ng klase ko nang makita ko si Sir Kyle.

Papansinin ko ba sya?

Naalala nya kaya yung sinabi nya kay Ira kahapon?

Hindi nya na siguro maaalala yung sinabi nya.

The Proxy Dad - Janice VelascoWhere stories live. Discover now