Vacation (Day 1)

1.1K 37 13
                                    

Sinundo kami ni Kyle sa bahay bago maglunch. Tinulungan nya na rin ako magbuhat ng mga bag namin, kailangan kong magdala ng maraming extra clothes para kay Ira dahil alam kong maglalaro kung saan-saan yung batang yun. Malikot kasi talaga sa pag bago yung lugar na napupuntahan nya.

“Sa Alabang muna tayo, lunch lang.” Sabi sa’kin ni Kyle habang inilalagay nya yung travelling bags namin sa kotse.. Nakaupo naman sa lap ko si Ira at naglalaro ng dala nyang manika.

“Okay. May iba pa ba tayong kasama?”

“Yeah, mga pinsan ko..and I’m sure may mga kasama din sila.”

Kinabahan ako. “Alam ba nila n-na..”

“Ang alin?”

“Kasama kami?” Baka mamaya..

I told them ahead of time na may isasama ako..”

Akala ko naman.. “Ahh..”

Pagdating sa.. okay.

OKAY.

Akala ko malaki yung bahay nila pero that was an understatement. Hindi sya ‘big’, hindi rin sya ‘huge’... Yung totoo, ilang tao ba talaga ang nakatira dito? Oh mas maraming kasambahay kaysa sa mismong pamilya ang bilang ng mga tao dito? Dito ba umuuwi si Kyle?

Sobrang laki nya para ilang tao lang.. Ang hirap linisin nito. Baka dito rin nakatira yung mga pinsan nya.. Tama, baka nga. Saka may island sila di ba? Ano pang ini-expect ko?

Nauna nang bumaba si Kyle sa kotse. Kinuha ko kay Ira ang dala nyang doll at inilagay sa bag saka kami sumunod. Pagbaba ko kay Ira, bigla na lang syang tumakbo patungo kay Kyle na papasok na ngayon sa loob ng mansyon.

“Daaaddyyyyy!!” Lakas pa talaga ng pagkakasigaw ni Ira saka kumapit sa binti ni Kyle.

Medyo nagmadali naman ako para habulin si Ira, baka madapa na naman yan, magpanic ulit si Kyle. “Princess, don’t run.”

Pagtingin ko sa paligid.. parang naestatwa din ako. Nakatulala sa’min ang anim na tao, tatlong lalaki, tatlong babae. Yung isang babae may dalang batang lalaki.. yun siguro si Vaughn..

Teka. Ibig sabihin itong babaeng ‘to ang minahal ni Kyle at yung katabi nitong lalaki na nakaabriste sa beywang nung babaeng may hawak ng bata ang pinsan nya?

Sa kaliwa ng mag-asawa, May subo pa ang isang lalaki na tinapay pero hindi nya manguya.. Nakikita ko sya sa TV tuwing nanonood ako ng laban ng UP sa UAAP.. Zaldivar din pala sya? Akala ko ba alam nilang magpipinsan na kasama kami?

Saka ko napansing may tao pa sa gilid nila at nang ilipat ko doon ang mga mata ko..

A--a-SHIT.

HOW THE HELL DID THESE TWO-- Oh shit. Oh shit. Oh shit.

Si Vincent at Alice. Katulad ng mga pinsan ni Kyle, nanlaki rin ang mga mata nila.

“D-di b-ba...???” Napaturo pa talaga si Alice sa’kin.. “P-pa'nong.. ?” Binaba naman ni Vincent yung kamay ni Alice at bumulong.

“A-Alice..V-Vincent?” Gulat na sabi ni Kyle. So, hindi nya alam na kasama si Alice at Vincent?

Napapikit na lang ako.. Wala. Wala akong maisip na dapat gawin.

Bigla namang nagsalita yung isang babae. “K-Kyle..l-lets eat first..” Pero pinandilatan sya nito ng mata.. Sya siguro yung pinsan at ang lalaking katabi nya ang boyfriend o asawa.. malay ko ba.

The Proxy Dad - Janice VelascoWhere stories live. Discover now