CHAPTER 29

67 6 0
                                    

Hinilamos ko ang palad ko sa aking mukha.  "I don't know what to do, Silas." Hinahaplos ni Silas ang aking likod habang ang mga mata ay punong-puno ng lungkot.




"Kayakayanin 'yan ni Isabelle, malakas s'ya. Lalaban s'ya, Conrad. 'Wag ka na mag-alala ha?" I shaked my head.




"No, Silas. Paano ako kakalma kung na sa critical condition si Isabelle!" I almost shout inside a long hallway. "I know, I know Isabelle is brave but what is she give up? Hindi ko na alam ang gagawin ko." I cried again.




Hindi na ito sumagot, lumabas ang doctor mula sa room na inukupa ng mahal ko kaya kaagad akong lumapit dito.




"Kaano-ano ka ng patient?"




"B-boyfriend po, doc." May halong kaba ang tono ng boses ko. "Kamusta po ang girlfriend ko."




"Your girlfriend is in critical condition. I think, she need you right now." She fakely smiled at me. "Your wife is pregnant, 1 month pregnant. But, the baby is dead." Huminga ito nang malalim. "Take your time. Babalik ako mamaya, I'm sorry for your lost."




Kaagad pumasok sa loob, nalaglag ang luha ko nang makita ang katawan ni Isabelle sa kama. Naiwan si Silas na nakaupo sa upuan sa labas ng kwarto. Kitang-kita ko ang maamo n'yang mukha, I smiled gently and started to walk towards her. Tanging tunog ng makina ang naririnig sa loob ng kwarto.




Nang makalapit sa kan'ya, hinawakan ko ang kabila n'yang kamay at hinalikan ang kan'yang kamay. "Isabelle." Saad ko sa mahinang tono. "Mag pagaling ka ha?" Natawa ako nang peke. "Malakas ka daw sabi ni Silas, totoo ba? Patunayan mo ha?" Hinalikan ko muli ang kamay n'ya.




Naramdaman ko itong gumalaw, kasunod ay narinig ko ang mahinang boses n'ya. "Isabelle, tatawagin ko ang doctor. Sandali lang." Tatayo na sana ako nang higitin n'ya ang kamay ko pabalik at napaupo ako sa upuan. "Why, baby?"




"Sit." Tumango ako, nararamdaman kong malapit nang tumulo ang pinipigil kong luha. "I want to spend my last time with you, Conrad. Please, don't leave me."




Tumango ako nang mabilis. "I won't, love. But please don't say that words again." I kissed her forehead.




"C-conrad, mahal kita. Ayaw ko pa mawala, Conrad." Hinawakan ko ang kamay n'ya.




"Hindi ka mawawala, Isabelle. And'yan naman si Doc papagalingin ka n'ya. Okay? Magpahinga ka lan-" Pagod n'yang inilagay ang daliri sa tapat ng aking bibig.




"Hush, Thank you for staying by my side, Conrad. Kung sakali man na wala na ako dito sa tabi mo, please take care of yourself. Don't eat donuts without me." Natawa ito nang mahina. Kitang-kita ko ang sakit sa kan'yang mga mata.




"Wag mo naman sabihin 'yan, Isabelle. Papakasalan pa kita. Tutuparin ko 'yan, lumaban ka naman please. Palagi ka nalang sumusuko." Pumiyok ang boses ko.




"K-kung palagi akong sumusuko, Conrad. W-wala ako sa tabi mo ngayon."




"Hindi ba, pangako mo nung una? Hindi mo ako iiwan? Anong nangyayari ngayon, Isabelle. Bakit ayaw mo na?" Humagulgol ako nang malakas. "Saan na napunta ang pangako mo?!" Dinabog ko ang lamesa sa gilid.




"H-hindi ko na kaya, Conrad. T-tutuparin ko nalang ang pangako ko sa'yo. Magtiwala ka sa akin. Please?" Humina ang boses nito, unti-unting ipinikit ang kan'yang mga mata.




"P-paano, paano mo gagawin 'yon kung wala ka na?" Lumamlam ang mata ko.




"Sa susunod na habang buhay, pwede ba?" Tumango ako nang paulit-ulit. Kitang-kita kong nahihirapan na s'ya. Namumutla ang mga labi n'ya. "Kasama ko si baby, doon sa heaven. H-h-hihintayin ka namin, Conrad. 'Wag mo akong iwanan, dito ka lang sa tabi ko." Kinakapos na ito ng hininga.




Tumulo ang luha at dumausdos sa pisngi ko, gusto kong magwala, gusto kong magmakaawa pero wala akong magawa. S'ya na mismo ang umaayaw, wala akong magagawa.




Mabilis kong tinanggal ang oxygen mask na nakalagay sa kan'ya at hinalikan ko ang kan'yang labi. Hindi nagtagal ay kumalas na rin ako sa pagkakahalik sa kan'ya at pinagmasdan ko ang kan'yang mukha kasunod ay ang tuloy-tuloy na tunog ng makina na gamit ni Isabelle. Pinagmasdan ko ang orasan, ito na siguro ang pinaka-aaayawan kong oras.




Pinagmasdan ko ang diretsong linya sa makina at bumalik ang atensyon kay Isabelle. Maamong-maamo ang kan'yang mukha. She's sleeping with our child.




Pinahid ko ang pisngi n'ya nang may tumulong butil ng luha doon. Pinagmasdan ko ang maganda n'yang mukha, makinis n'yang balat. I hold her hand for the last time.




"I'm already yours." I mumbled then cry. That's the only thing I can do, cry. Kanino naman ako pwedeng mag-makaawa? Sa doctor na galing sa kwarto ni Isabelle? Hindi 'man lang nila ginawan ng paraan ang lahat.




If i pursue my self to study medicine, ako na sana ang mag-aalaga kay Isabelle. Wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko, this is all happened because of me, because of my Ruthless Justice. Naidamay ko si Isabelle nang dahil sa kagaguhan ko.




I stared at the ceiling and praying for God na 'wag pabayaan si Isabelle, I know he will take care of Isabelle. Like what I've did. But I'm sure, he will make Isabelle more happy, no more pain and I know she will not suffer again. Hindi katulad ng ginawa ko.




"Forgive me, Isabelle. I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit kong saad.




I stared at the ceiling for a couple of minutes, napaayos ako ng upo at tinuto ang luha na dumaloy sa aking pisngi nang marinig kong may magbubukas ng pinto sa kwarto.




"Good afternoon, Sir Conrad. How's your girlfriend? Nakapag-pahinga ba nang maayos ang patient ko?" Magiliw nitong sabi at bumaling kay Isabelle.




"11:55 am." Saad ko sa mahinang tono. Nawala ang ngiti ng doctor na pumasok at nagtatakang tumitig sa akin. "11:55 am, 'yon ang oras." Naramdaman kong nag-init ang sulok ng aking mga mata. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang hindi makalabas ng hikbi.




Napapahiyang lumapit na may bahid ng lungkot sa itsura ng doctor. I watched her removed the oxygen from Isabelle. May tinanggal din s'ya sa kamay. Kitang-kita ko ang magandang mukha ng girlfriend ko na nakahiga sa puting kama at walang buhay.




Lumabas na ako sa kwarto at nadatnan ko si Silas na naghihintay pa rin sa akin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.




I smiled gently and looked at him, Ganon din ang ginawa nito at tila hindi alam ang nangyari.




"Hindi ba? Sabi ko sa'yo! Malakas si Isabelle, look, lumaban s'y-" Humagulgol ako sa hallway. Nakita ko ang pagbabago sa expression ni Silas. "Why?"




"W-wala na si Isabelle, Silas." Nakita kong lumamlam ang mga mata ni Silas at kasabay ng pagbagsak ng mga luha na galing sa kan'yang mga mata. "Iniwan n'ya na ako."




Mabilis ako niyakap ni Silas at hinahaplos ang aking likuran, pilit n'yang pinapagaan ang aking nararamdaman. Pero walang ibang nakakagawa n'on kundi si Isabelle, kaso wala na s'ya. Mahihirapan na muli akong harapin ang katotohanan.



- Binibining Lara

His Ruthless Justice | COMPLETEDWhere stories live. Discover now