CH70: Game Over

43.7K 864 91
                                    

Agad na tumakbo si Red palabas sa Purgatorious Hospital papunta sa Primer Arena.

Rinig niyang magsisimula na ang laban ng tatlong leaders ng top3 gangs. Nagkalat kasi sa ibat-ibang panig ng gangdom ang speakers.

"Dapat maabutan ko si Prime! Kailangan niyang malaman na wala sa DWDG ang kalaban!"

Paliko na siya at malapit na sa entrance. Natatanaw na niya ang emtrance ng Primer Arena nang bumukas ang isang pinto na nadaanan niya at may lumabas dito.

"And where do you think are you going?" tanong ng boses mula sa likod ni Red kaya napatigil siya.

"Wala ka nang pakialam! Buksan niyo ang pinto! kailangan malaman ni Prime na mali siya ng kinakalaban! Si Demon ang dapat niyang kalabanin!" sigaw ni Red sa mga black guards na nasa pinto ng Primer Arena. Bubuksan sana ito ng mga black guards nang magsalita muli ang boses sa likod niya.

"Subukan niyo lang na sundin ang utos niya at alam niyo na ang posiblemg mangyari sa inyo." babala ng boses.

"Sinabi ng buksan niyo eh! may importante akong sasabihin sa leader namin! Kay Prime! bago pa mag-umpisa ang laban!" desparadang sigaw ni Red. Di pa rin kumilos ang black guards at di nalang pinansin si Red. Nanatili nalang silang nakatayo sa gilid ng pinto ng Primer Arena na nakaseryoso ang mukha.

Bago pa man makalapit sa pinto ng arena si Red ay napigilan na siya ng tao sa likod niya. "Bitawan mo nga ako!" pumalag si Red at nilingon niya ang taong pumipigil sa kanya at kumunot ang noo niya.

"Enough. Wala ka nang magagawa." sabi ng taong nakahood na black.

"Who are you? Bakit mo ba ako pinipigipan!? Sino ka ba para pigilan ako!?"

"Ibalik niyo na yan sa Purgatorious" hawak-hawak si Red ng limang black guards para dalhin pabalik sa Purgatorious. Bago pa man siya makalayo ay may sinabi ang taong nakahood.

"You should know where you supposed to stand. Don't mess up with us or you'll regret it. Stay in Purgatorious with your sister and shut up"

Napatahimik naman si Red sa sinabi ng taong 'yon.

"Sino ba siya? Saang gang ba siya kasali at parang kapantay din namin siya?"

Nang makarating siya sa Purgatorious ay binalikan niya na ang kapatid niya. Minabuti na lang niya na wag nang magsalita para maiwasan ang gulo lalo na para sa kapatid niya. Gustuhij man niyang tulungan si Prime, ang lalaking gusto niya, ay wala naman siyang magawa. Alam niyang wala siya sa posisyon na makialam lalo na't mukhang malaking gulo ang kinasasangkutan ni Prime.

-

Naghiyawan ang mga tao sa gangdom. Binaba na ang steel cage na siyang magsisilbing harang para di makalabas amg sino man sa tatlo hanggang di pa natatanghal ang panalo.

"Like what I said, the one who wins will win the whole gangdom. Use the things you can use inside but the cage will never open until there is only one standing there" sabi ng High Ordain. Seryoso man ang tono ng pananalita nito ay sa likod naman ng maskara nito ay nakangisi ito. Alam nitong interesting ang magiging laban dahil pare-parehong magaling ang mga nagsisilbing leaders ng top 3 gangs.

Napatingin ito kay Demon. Kilala niya ito sa gangdom dahil simula pa man noon ay malaki na talaga ang potensyal nito. Magaling ito makipaglaban at tuso. Pero alam niya ring sa likod ng maskara ni Demon na isa rin sa paborito niyang gangster mula noon ay siya ring taong may kagagawan sa lahat ng mga nagyayari sa pinakamamahal niyang apo.

Nilingon naman niya ang nakahood na puti na walang iba kundi si Gaze. Kilala niya ang nasa likod ng hood nito. Isa sa malapit na tai sa mahal niyang apo.

The Gangster HeiressWhere stories live. Discover now