CHAPTER 8

102 5 0
                                    

FRIENDS?Edi madami,hindi lang si Jill 'yon?

Inabot niya sa akin ang phone ko at ng tingnan ko.Umay!Sina Sam pala 'to,kumpleto pa sila sa call.Susko mahabagin anong isasagot ko sa mga 'to.

"I didn't talk,naka mute 'yan"

Naka hinga ako ng maluwag sa sinabi niya at nag-unmute na.

"Yow!"sambit ko.

"Sana all"sabay sabay nilang saad

"Antagal mo saan ka ba galing?"singit ni Lexi.

"Naiwan ko dito yung phone ko after ko sagutin.May kinuha ako sa baba."pagpapalusot ko.

"On-cam"giit ni Jill.Isa rin 'to eh nang-gigigil ako sa isang 'to!

Nag-on cam na ako at isinandal ko lang sa unan ang phone ko.

"Oy wag niyo kalimutan yung sa Boracay ha!"sambit ni Sam

"Kahit hindi mo pa sabihin,Thursday palang naka ayos na gamit ko"giit ko

"Excited ka Sasha?"singit pa ni Alfonso.

"Sakto lang,ano laban kayo doon?"

"Excuse me,dadaan ang monday palang ayos na ang gamit"sambit ni Hanna.

"Malala kana Hanna,wala ng tatalo sa'yo"pangiinis pa ni Alfonso.

"Magdala ka ng girlfriend mo Alfonso,si Sam may dala"giit ni Lexi.

"Nang-aasar ka ba o ano,bakit kayo ba meron ha?Lexi?Hanna?Jill?Sasha?"

"Meron,si lee jong suk.Ano!?"giit pa ni Hanna.

"Wala kang alam Alfonso"singit pa ni Jill.

"Ikaw ba Sasha,aminin mo kasing si Jay lang yung nasa post mo!Hindi ka namin aasarin promise"sabat pa ni Alfonso.

Wala bang tigil manga bunganga nito?

Napalingon ako kay Fiel ngayon na nasa tabi ko.Hindi siya kita sa screen kaya hindi sila mapapansin nang mga 'to.

"Hindi sumagot,guilty"dagdag pa nito.

"Hindi si Jay 'yon"sambit ko naman.

"Face reveal naman!Magtatampo na kami hindi mo sinasabi samin na may love life kana!"kantsaw pa ni Hanna.

Nagulat ako ng biglang nasamid si Jill sa iniinom niyang tubig.

"Magleleave nako sa call nanonood pako ng movie ang iingay niyo"sambit ko.

At hindi ko na nga inintay ang sagot nila at nagleave na sa call namin sa gc.

"Ang daldal"saad ko.

Humiga na nga ako at kumuha ng isang chips sa paanan namin.Nagoffline din ako para naman hindi na magring sa akin.

"Kinabahan ako 'dun ah"dagdag ko.

"I saw your friends face,she didn't know kung paano ka pagtatakpan"sa totoo lang may balak naman talaga na akong sabihin sa kanila.Siguro pagtapos nalang ng kasal namin sa 'next next week daw'.

Nakaramdam ako ng bumibigat na ang talukap ng mata ko habang nanonood at bigla nalang itong bumagsak.

Pagkagising ko nakita ko na patay na ang tv at wala na ang mga snacks sa paanan namin.Nalinis na ata ni Fiel.Nakatulugan ko siya.Kaya agad akong bumangon para bumaba at uminom ng tubig.Magsisimba ako ngayon,siguro't gigisingin ko si Fiel kung gusto niya sumama.Habang umiinom ako ng tubig nagsalita si Janine.

"Ma'am nandiyan na po yung sasakyan niyo,hinatid po ni Dale.Ito po yung susi"

"Thank you"

Dumaretso narin agad ako sa taas at nilapag ang susi sa table.Alasingko palamang kaya't ginising ko na si Fiel dahil alasais ang mass.

Stay With Me,Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now