CHAPTER 24

76 5 0
                                    

Gaya ng request ng anak ko sa dadi niya ay nagpareserve na si Fiel sa isang beach ng isang mini house na may 3 kuwarto sa loob.Parang VIP house.

"Thank you dadi!" Hindi mapigil sa paghalik si Felisha sa muka ng dadi niya dahil sa ka dahilanang natupad yung request niya.

"Your welcome baby."

"Welcome to Fiena's Resort Mr. and Mrs. Suarez!" Sinalubong kami ng mga staff at sinabitan kami ng flower necklace.

Teka.

Fiena?

"Love ang galing Fiena din." Saad ko habang pumapalakpak.

"Love,this is ours."

Lah.

"Atin to?"

"Yeah."

"Paano?"

"Love this is the result of our cafe and pastry shop."

"Omg!" Hindi ko na napigilan at naiyak na ako.

"Shushh don't cry." He said laughing while caressing my back.

"Dadi,mami is crying?" Naiiyak na tanong ni Felisha."Mami hurt dadi?"

"No baby,she's crying because she's happy." Natatawa parin si Fiel.

"Mami don't cry." Yinakap nito ang tuhod ko dahil hanggang doon lang siya.

Ang tatas na ni Felisha.

Kahit na 3 years old palang siya ay sobrang dami niya ng alam.Nakaka pag math na nga to eh.Tinuruan ni Kuya Jayver ng simple math tapos napunta sa intigers.Si Felisha naman ay natutunan pano mag solve.Tsaka na daw algebra.

"Thank you love." Yinakap ko naman si Fiel pagkatapos niyang buhatin si Felisha.

"I love you." Dagdag ko pa.

"I love you more." He kissed my forehead.

"Mami let's go.Tito and tita waiting already." Oo nga pala nauna sila Jay sa bahay.

Pinunasan na ni Fiel yung mga luha ko at pumunta na kayla Jay na natatanaw namin.

"Oh ate why are you crying."

"Tears of joy." Natawa naman ako dahil naiyak talaga ako.Natawa din si Fiel,hindi inaasahan na iiyak ako.

"Ate we really missed you." Saad ni Iya.

"Aww, I missed you both too."

"How about me?" Tanong naman ng isa na kakatapos lang tumawa.

"Mami miss dadi too." Singit naman ni Felisha.

"Baby wag mo ilaglag si mami mo." Sabi naman ni Iya kay Felisha.

"So?Kailan kasal niyo?" Tanong ko dahil balita ko nalalapit na ang kasal nila.

"Uhm,next week?" Jay answered..

"Myghod!I can't believe this.Ikakasal kana Jay!Parang dati strict ka sa akin ngayon si Iya ang istrektohan mo."

"Nako ate." Reklamo ni Iya na ikinatawa namin.

She's a little bit matured now.

Hindi na siya yung teen kumilos di katulad dati pero syempre malambing parin sa akin.

Pumasok na kami sa loob ng bahay.Dahil tatlo ang kuwarto dito yung isa kay Felisha.Bali maliit lang yon tapos single bed.Yung isa master bedroom tapos yung isa parang ganon na nga din pero medyo malaki yung master bedroom kung saan kami magstastay ngayon ni Fiel tapos sila Iya sa kabila.

Stay With Me,Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now