** The Next Day **

328 13 1
                                    

                     - Wala naman masyadong nangyari kahapon pero para saken araw-araw ay special, alam niyo na kung bakit .. ito ay dahil sa mahal kong sa Jared .. Hayy !!! Pwede bang maging totoo nalang 'tong ilusyon na 'to ..

" hoy! bruha .. Ano nag iilusyon kana naman ??     - eto na naman si Kate , aasarin na naman ako .. hindi na ko nagsalita inirapan ko nalang siya and that means tigilan niya ko .. "Si Jared o !"

"Asan asan ?"  - nagpalinga-linga pa ko para hanapin kung nasan si Jared ..

"joke .. hahahaha "

"Sira-ulo ka talaga e no"

"ikaw kaya , patawa ka minsan .. hahaha"

"tigilan mo nga ko Kate"  - kaasar kasi , pinagtri-tripan ako .. porket siya lumalablayp tapos ako umiilusyon lang .. oh  Jared ko i-save mo ko sa baliw na 'to ...

" hay naku Maurica ..  may nanliligaw naman sayo actually madami nga e , pero binabasted mo lang .. pero sa kasi Jared, Jared, Jared .. e ni hindi mo nga alam kung gusto ka ng Jared mo .. kaloka ka girl ! "

" Buset dun ka nga .. shoo, shoo, shoo "     - pagtataboy ko sa kanya ,, wla na kasing ginawa kundi asarin ako  ..

** BEEP ** [ tunog ng cellphone ko na ang message tone ay beep once]

" Sino yan ?"

" Pwede ba Kate ??? "      - echusera kasi , patu ba naman message ng may message e pinapakelaman .. tinignan ko kung sino yung nag-text pero unregistered number siya .. eto ang sabi ( " hi Mau .. you're getting prettier than ever ....... )

" just keep on smiling .. hindi bagay sayo ang nakasimangot .. smiley "

" Bastos ka ah ! Bat binabasa mo message ko ?? "   - langya to yung sinsabi ni Kate karugtong yun ng message ,,

" e sino ba kasi yan ? di daw bagay sayo ang nakasimangot , nakasimangot ka ngayon di ba ?"

"and so kung nakasimangot ako ngayon .. tsaka hindi ko kilala unregistered number nga oh ! "                   - nakasimangot lang naman ako dahil sa kanya , sino ba naman ang hindi kung inaasar ka diba ..

" Sira ! hindi kaya andito lang yan sapaligid at pinagmamasdan ka .. "

"nu na naman ba yang pinagsasabi mo Kate?"

"Tignan mo sa tuwing magte-text yan , akma sa kilos mo gaya ngayon nakasimangot ka tapos may magte-text ng ganyan ..."

"Malay mo coincidence lang .. wag ka ngang baliw "

"ano ka ba Mau ??? hindi na conincidence yun .. madalas ng nangyayari e .."

                          - may point nga naman dun si Kate .. madalas nga akong nakakareceive ng message na ganun .. at akma yun sa mga kilos at galaw ko .. nung third year nga ko before mag-vacation , nahulog ako sa hagdan ng dahil sa katangahan ko , dito sa school yun nangyari .. wala pang five minutes nung madala ako sa clinic ay may bigla nalang akong nakareceive ng message na ang sabi ay mag-ingat daw ako para hindi ako nasasaktan .. naalala ko pa nga na nawala yung wallet ko pagkatapos kong mahulog .. nang minsan din na tuwang-tuwa ako sa kwento ni Kate may nag-text din saken na ang ganda ko daw pagmasdan habang tumatawa ako   ..

                                   - natatakot nga ako nun e kaya ilang beses na din akong nagpalit ng simcard , pero mga ilang days palang may magte-text na naman saken na unregistered numbers .. kaya eto hinayaan ko nalang  hindi naman kasi ako sinasaktan kaya naisip ko na non-sense din kung magpa-palit-palit ako ng number pero malalaman din pala .. sayang lang yung pera ko kakabili ng bagong simcard ..

                                    - sa totoo lang yung sinasabi ni Kate na hindi coincidence yun.. matagal ko ng naisip na hindi nga coincidence lang yun .. hindi naman kasi ako tanga para hindi maisip yun .. hindi ko lang ino-open kay Kate kasi alam kong mag iimbistiga yun kung sino ang taong nagmamay-ari ng number na nagte-text saken .. hindi ko rin naman kasi sinisave yung number dahil di ko nga kilala kung kanino , iniisip ko nalang na baka may gusto 'tong tao na to saken  pero ayaw magpakilala dahil nga sa mga nagtatangkang manligaw saken e binabasted ko ..

He's Secretly Mine ..(short story)Where stories live. Discover now