** Brokenhearted **

331 13 4
                                    

                   - isang subject nalang at magla-lunch break na , pero yung professor namin for this subject e wla pa ..kaya eto kami ni Kate nagdadaldalan ...

" oh ! ano may nagtext na naman ba sayo na unregistered number ?" 

" oo , kanina meron "

" ah ! talaga .. anong sabi ?? share mo naman "

"muka kang tanga Kate .. kelangan excited !"          - muka kasi siyang ewan , todo ngiti pa siya saken  pero hindi ko alam kung pang-asar yung ngiting yun o sadyang nakakaasar lang yung muka ng bestfriend ko .. JOKE xD ..

"wala namang special sa text .. ang sabi lang Gudmorning beautiful hava a nice day ! "

"yun lang !"

" oo, bakit ? ano pa bang gusto mo ?"

"nage-expect pa kasi ako ng something , tapos have a nice day lang pala .. pag-nalaman ko kung sino yan ,, makakatikim talaga siya ng batok saken "               - ang brutal naman nito kaya siguro ayaw magpakilala e dahil sa kanya ..

*BEEP*

" wui ! cellphone ko yan .."          - naka nang .. pagkarinig niya kasi ng beep once sa cellphone ko agad niya tong kinuha , nakapatong lang kasi sa desk ko ,, tama ba naman yun .. nauna pa siya sa may-ari ..

" alam kong cellphone mo to , titignan ko lang yung message "           -wala na . siya na talaga .. si Kate na ang nagmamay-ari ng cellphone ko ...

"from 09123456789 : hindi nakaregister , kaya malamang siya to si chuva-ek-ek .. ang sabi niya ay ( I love this day parang ikaw , I love you ) "            - waaaahh ! kung sino man yun ang corny niya ah ..

" walanjo .. ano 'to Mau ? wala na bang mas ko-corny pa dito "

"delete mo na nga yan "       -ang corny naman kasi talaga e . hindi siya nakakakilig actually nakakaasar pa nga .. 

" try kaya nating replyan Mau "

" wag na delete mo nalang "

" kaya naman pala hindi mo malaman kung sino to e hindi mo kasi nirereplyan .. try lang natin ah ! one time lang .. "

" ewan ko sayo "

" replyan ko na (" who's this?" ) .. yun message sent ! "              - at tinulot talaga niya ang sinasabi niyang rereplyan niya yung nagtext .. sira ulo tlaga tong si Kate , kung ano ang maisip  e yun na ang gagawin ..

" ang tagal magreply ah .. siguro matanda na yun kaya matagal magreply , nangangapa pa siguro ng mga letters sa keypad ng cellphone niya ..

" BALIW ! pinag-aaksayahan mo kasi ng oras yan "

" ui ! si Jared papalapit saten "              - pabulong niiyang sabi , this time hindi na ko maniniwala sa kanya dahil last time na sinabi niya saken yan e joke lang pala at nagmuka kong tanga ..

" hi Jared ! "            - muka mo hi Jared

" hi Kate ! ah Mau ,, "          - nananaginip ba ko ? o si Jared talaga ang nasa likuran ko .. hindi ko kasi nakita dahil ang pwesto ko e nakaharap ako kay Kate at nakatalikod sa blackboard na hindi naman talaga kulay black ..

" ui Mau "          - naramdaman ko pa na kinalabit niya ko pero para akong nagka stiff neck , hindi    ko mailingon yung ulo ko sa kanya ..

" Mau ! "

" o-oh ! b-ba-ba-baket ? "           - ang awkward , potek pinilit ko tlagang makalingon ..

" nangyari sayo ? para kang nakakita ng multo a . Anyways , hiramin ko sana yung Physics notebook mo di ko kasi natapos yung sinusulat kanina e " 

" ah ! t-teka sandali lang "                - kinuha ko yung Physics notebook ko sa bag . nakakainis kung kelan naman inakala ko na nagbibiro lang si Kate e dun pa pala siya nagsasabi ng totoo ..

" e ano ka ngayon ?  "            - bulong saken ni Kate .. binigyan ko lang naman siya ng deadly look ..

" may sinasabi ka Kate ? "

" ah ! wala Jared , wala talaga .. wag mo nalang akong pansinin .. isipin mo nalang mongoloid ako "         

" ah ! sige iisipin ko mongoloid ka .. hahahaha "                  - muka talaganga tanga 'to .. baka mamaya makahalata pa si Jared , si Kate pa ata ang maglalaglag saken ..

" Jared oh ! "

" Salamat "         - ang gawapo talaga ng Jared ko .. nginitian pa niya ko ngayon ..

" JARED ! "              - napatingin kami sa tumawag kay Jared na isang babae na nkatayo sa may pinto ng classroom namin ,,

" oh ! MITCH WAIT LANG "           - sabi ni Jared dun sa babae .. pasigaw pa nga ee .. kasi nasa last row kami ..

" Mau balik ko nalang sayo 'to mamaya "               - tumango lang ako at pinagmasdan siyang papalayo samin .. nilapitan niya yung babaeng tumawag sa kanya .. Maganda yung girl , ang di lang kinayan ng powers ko e yung makita na inakbayan niya yung babae at sabay na naglakad .. para akong nalow-bat kelangan ko ata ng charger pero ang masaklap hindi naman ako cellphone para icharge ..

" OUCH ! ang saket , ang saket saket  .. Sino yun ? "

" Mitch daw "   - sabi ko na super lungkot .

" alam kong Mitch yung pangalan , e kung isigaw naman kasi ni Jared e lantaran , ang tanong ko day e kung sino yun ? hindi kung ano ang pangalan "

" hindi ko alam "

" malamang nga . ako din hindi ko alam e, hindi ko siya kilala .. transferee siguro  "

" malay "

" ano ba ? umayos ka nga Mau .. muka kang bumbay na nalugi .. tsaka don't jump into conclusions  , malay mo hindi sila mag-on " 

                            - sana nga hindi . sana nga hindi sila mag-on dahil ako lang ang nag-iisang girlfriend niya .. Hay ! ang hirap ng ganito ako lang ang nag mamahal , ako lang ang nag iisip na mag boyfriend-girlfriend kami .. Baket ba kasi ganun ? baket lalake lang ang pedeng manligaw .. bakit pag babae ang nanligaw ang panget ng dating .. kung hindi lang nakakhiyang manligaw ang babae sa isang lalake e matagal ko ng pinormahan si Jared  .. bakit ba kasi may mga bagay na kahit gusto mong gawin ay hindi pwede ? "

* BEEP *

" ui ! neng may nagtext na .. baka siya na yan .. "

" oh ! basahin mo "            - kung kanina e nagrereklamo pa ko dahil kinukuha nalng niya ng biglaan ang cellphone ko ngayon ako pa ang nagkusa na siya na ang magbasa ng message  .. nanlalambot kasi ako sa nkita ko kanina lang , ang dami tuloy na ewan ang pumapasok sa utak ko .. 

" Ano ba Maurica ? ayusin mo nga yang muka mo .. nakakahawa ka e  , umayos ka "         - sabi ni Kate dinuduro na niya ako , naiinis na ata saken ..

" oo na , oo na , anong sabi ? "

" ang sabi ay eto , [ kung gusto mo talaga akong makilala , magkita tayo mamayang uwian sa may gate ng school .. Hintayin kita ] oh ! ano sa gate daw girl .. ano balak mo ? pupuntahan mo ba ? "

" ewan bahala na "              - sa totoo lang wala akong balak makilala kung sino man yun , ngayon pa na brokenhearted ako .. si Jared lang ang nasa isip ko ngayon  .. grabe hindi ako maka get over dun ..

He's Secretly Mine ..(short story)Where stories live. Discover now