10

10.1K 202 10
                                    

"Himara, what are you doing here?" Kunot noong tanong ni Ace

"Pumayag si daddy at mommy na tumira ako dito sa philippines!" Masayang sabi niya at niyakap pa si Ace

"Then why are you here in our house? Diba may condo ka dito?" Seryosong tanong ni Ace

Nakita ko naman napawi ang ngiti ni Himara, at nahihiyang yumuko

"Hoy, ang bastos mo kay Himara" sermon ko sa kanya

"Why? Tinatanong ko lang naman kung bakit siya dito dumeretso, may condo naman siya" kumunot ang noo niya

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nilapitan ko si Himara

"Buti nalang at napapunta ka dito" nakangiti kong sabi

"I just want to live with Ace, hindi pa ako sanay dito sa philippines" malungkot na sabi niya

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya

"Pwede ka naman tumira dito, may guest room naman" ngumiti ako

Kita ko namang napangiti siya at niyakap ako

"Really?" Masayang tanong niya

Tumango-tango naman ako habang nakayap pa din kami sa isa't-isa, humiwalay siya sa yakap namin at ngumiti

"Thank you Amor"

"Feel at home" ngumiti ako at nilapitan si Ace

"Stacey, samahan mo si Himara sa magiging kwarto niya" nginitian ko siya

Tumango siya at nilapitan si Himara

"Maam, akin na po mga maleta niyo. Ihahatid ko po kayo sa magiging kwarto niyo" ngumiti si Stacey

"Thank you" ngumiti si Himara at sinundan si Stacey

"Ang sama-sama mo" sermon ko at kinurot siya sa tagiliran, nakita kong napangiwi siya

"No'ng nakaraang araw ayaw mo kay Himara, ngayon ay mas kinakampihan mo pa siya kaysa sa akin" nakasimangot niyang sabi

"Gusto ko siyang kaibiganin bakit ba" masungit na sabi ko

Mukhang mabait naman si Himara, judge mental lang talaga ako

"Let me carry your luggage, let's go to our room" kinuha niya ang mga maleta ko

Napakunot ang noo ko

"Hep! Anong our? Diba may rules ako na hindi tayo pwedeng mag tabi?" Pigil ko sa kanya

Kahit ang totoo ay gustong-gusto ko siyang makasama sa pagtulog, pero kailangan ko munang kompirmahin sa sarili ko kung mahal ko na siya

"Himara is here Lyn, she didn't know na peke ang kasal natin" ngumisi siya

"B-bakit, malalaman ba niya na hindi tayo mag katabi matulog?" Depensa ko

"No, she will know, if we will tell to her"

"Gusto mo ba?"

"Ofcourse not, madaldal 'yon. Baka mamaya, masabi niya kay mama at papa"

"Kita mo... Tara na, ihatid mo na ako sa KWARTO ko" diniin ko ang salitang kwarto

"Alright, let's go" nanlumo siya at pinauna akong pumanik

Nang nasa hallway na kami ay biglang sumulpot sa harap namin si Himara

"Can I go with you sa room niyo?" Ngumiti siya ng matamis

Ay shet, baka malaman niya

Peke akong tumawa "Oo naman"

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2)Where stories live. Discover now