18-memories

4.8K 207 127
                                    



short update kasi aalis pa ko xD sabihin niyo pag putol to ah OuO


--x


Chanyeol's POV

Una kong hinila palayo si louise, nag rereklamo pa siya at tinatawag si baekhyun pero mas malakas ako sakaniya kaya sumunod naman yung apat niya pang kasama

Dinala ko silang lahat sa isang lumang classroom at tinali sa upuan. Kinuha ko sa gilid yung gas at posporo.

Nagsisisigaw sila nung binuhos ko sa buong classroom yung gas at sinindihan. Tumatawa ako habang pinapanuod silang masunog isa isa.

Syempre joke lang 'yon.

Masakit man tanggapin pero nandito ako ngayon sa cafeteria at naka poker face, bakit ba! Eh sa badtrip ako eh fishtea.

" so baekhyun-oppa, anong posisyon ba ang gusto mo? "

Tanong ni key habang pa ulit ulit na nag b-beautiful eyes, mahanginan sana mata nito

" posisyon saan? "

Gusto kong matawa sa sagot ni baek, pfft. In-interview kasi siya nung lima para sa subject nilang sex education. Tss, Mali talaga na si baekhyun yung pa napili nila MWAHAHAHAHAHAHA

Ang cute cute pa ni baekhyun nung namula yung mukha niya kanina nang binanggit yung 'sex' hohoho~

" wala kasing alam sa ganyan si baek, eh kung kami na lang tinatanong niyo edi mas masaya " nagtaka ako nang kindatan ako ni kyungsoo

" talaga kyungsoo-oppa? An- " sinampal ni jongin si Mary sa bibig

" TUMAHIMIK KA DYAN! ISA PANG TAWAG MO KAY KYUNGSOO, SOO-SOOPALPAL KO 'YANG MUKHA MO SA PADER! ako! 69 gusto ko! "

Sabi ni jongin pagkatapos kumalma at nag taas pa ng kamay, hinalikan lang siya ni kyungsoo sa pisngi

" pero mga sagot lang ni baekhyun-oppa yung tatanggapin namin " -bell

" oo nga, tsaka sino ba kayo?! "

tanong ni coleen nang ihampas ni kyungsoo yung palad niya sa lamesa at hawakan yung babae sa kwelyo

" pag sinabi kong kami ang powerpuff gheiis maniniwala ka ba? HA?! "

" hahaha ang cute mo Soo "

Baek pinapatay na niya yung kaibigan ng kaibigan ng kakilala mo ._.

" oppa naman eh, ang gwapo mo- " Naputol yung sinasabi ni Mary nang hilahin ni jongin si kyungsoo para akbayan

" lalaki gusto ni kyungsoo. Kaya utang na loob, wag ka nang umasa. Kami lang ang may forever, kaisoo walang titibag WOOOH! "

" mas marami kayong masusulat dyan sa report niyo kung 'tong dalawang 'to ang i-interview-hin niyo kaya mauuna na kami ng baekhyun KO. "

Hinila ko na si baek sa pagkaka kapit ni louise sakaniya, ngayon ko lang na gets kung bakit kumindat si kyungsoo kanina at pinagpipilitan na sila na lang

--x

Nandito na kami sa bus, napa taas ako ng kilay nang hindi sa tabi ko umupo si baek kaya hinawakan ko siya kamay

" galit ka ba? "

Pina upo ko siya sa tabi ng bintana para hindi na maka lipat pero hindi naman siya naka tingin sakin tapos hindi pa ko kina kausap

" ako nga dapat mag tanong niyan eh, bakit mo ko iniiwasan chanyeol? "

Hindi na 'channie'?

" wish #7, pwede bang kalimutan mo muna 'yan at maging masaya na lang sa pupuntahan natin? "

Napa buntong hininga siya na para bang nag iisip bago tumingin sa mga mata ko at ngumiti

" sige. Lima na lang blangko sa wish list mo ah? "

Tumango ako nang naka ngiti din, sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at pumikit

-x

Kyungsoo's POV

" Grabe Soo! Alam mo bang sobra akong na turn on habang in-interview tayo ng mga babae kanina! "

Reklamo ni jongin habang naglalakad kami pa uwi sa dorm

" syempre, titigan nga lang kita tumatayo na 'yang ano mo " proud kong sabi ahe~

" bakit kasi pinigilan mo silang kausapin si baek? " tanong niya nang maka pasok na kami sa kwarto, umupo kami sa sofa at awtomatikong yumakap siya sakin

" kasi kahit hindi man Aminin ni chanyeol, nakikita kong nagseselos siya. Tsaka para namang makapag usap na sila "

" kelan ka pa naging mabait Soo? " tanong niya kaya tiningnan ko siya ng masama " ahahaha ang bait bait nga ng baby ko eh hahaha "

Kinurot niya ko sa pisngi, bumaba yung kamay niya sa hita ko pero pinigilan ko nang may mapansin ako sa lamesa niya

" may bago kang USB? " lumingon siya sa tinitingnan ko at umiling

" 'yan yung sinasabi kong may scandal ni chanyeol tapos ipang blackmail mo sakaniya " tumayo ako para kunin

" ano ba talaga yung laman? "

" di ko pa nakikita, tingnan mo kung gusto mo "

Kinuha ko yung usb pati laptop bago tumabi ulit sakaniya. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa laman nito. May isang video sa loob kaya pinanuod namin

" k-kyung.. "

Kinakabahan na rin si jongin, parehas kaming napa nganga habang pinapanuod yung video

Chanyeol bakit?


--x


mag d-date na rin ang baekyeol sawakas T_T

please vote and comment OuO


-saranghaedyo <3

Innocent Bacon. [ B A E K Y E O L ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon