1-new

10.4K 356 175
                                    

note: binago ko yung plot at prologue nito bago ko i-publish tong chapter 1.

dedicated sayo hohoho ^o^

----------x

“ handa ka na baek? “

Tiningnan ko yung kabuoan ng school na papasukan ko bago tumango sa kuya ko. Lumabas na ko sa sasakyan niya at tinulungan naman niya kong ibaba ang mga gamit ko.

Ginulo niya ang buhok ko bago tuluyang umalis. Kinakabahan ako T^T wala akong kakilala sa bago kong school at mag d-dorm pa ko. Dala lahat ng gamit ko ay nag punta ako sa registrar para kuhanin ang schedule at dorm number ko.

“ Byun baekhyun.. po “ bigla akong natakot doon sa babae >.< ang sama lang ng tingin niya ( at ng mukha niya ). Ni hindi nga pantay yung eyeliner niya at sobrang kapal ng make-up niya.

Ewan ko kung bakit ang dami kong alam sa pagpapaganda, eh hindi naman ako mahilig maglagay ng mga iyon.

Inabot na sa akin lahat ng papeles na kailangan ko kaya nagpunta na agad ako sa dorm ko para mag ayos ng gamit.

Nakita ko rin sa schedule ko na may general assembly ang lahat ng mga 1st year college. Tss, parang ayoko pumunta. Masakit kasi ang tyan ko =_=

“ room 69 “ tiningnan ko yung room number ko at yung naka sulat sa taas ng pinto bago to tuluyang buksan.

Pero napa nganga ako nang makakita ako ng dalawang lalaki na naghahalikan sa harap ko. Yung isang  matangkad ay may hindi kaputiang balat at yung isang maliit naman ay may malalaking mata.

Hinubaran na nung matangkad yung isa kaya napa takip ako ng mga mata ko na naging sanhi ng pagka hulog ng mga hawak kong gamit.

Binuksan ko yung mga mata ko at binaling ang isa kong daliri para maka silip sa kanila dahil wala na kong naririnig na mga kakaibang tunog na nanggagaling sa kanila (ungol -_-)

“ ahm.. ano.. s-s-sorry “

Naka titig lang sila sa akin at napa ngisi naman yung matangkad.

“ nagka mali ka ata ng napasukan na kwarto? “ sabi niya habang binabalik yung pagka butones ng uniform niya “ kyungsoo. Do Kyungsoo “ pakilala niya

“ baekhyun.. Byun baekhyun “ sagot ko habang binaba ang dalawa kong kamay

alam ko “ nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya binigyan ko siya ng nagtatakang mukha “ ibig kong sabihin.. ano, alam ko kung saan yung room mo “ pagbawi niya kaya napa ngiti naman ako

“ ah salamat “

“ medyo tanga kasi yung gumawa ng room numbers kaya malamang room 96 ka “

“ hoy kyungsoo san ka pupunta ? “ tanong nung isa kasi hinihila na ko ni kyungsoo palabas ng kwarto, ihahatid ata ako

“ ihahatid ko lang siya sa kwarto niya jongin “

“ pero binitin mo k--- “ hindi na namin narinig yung sinabi ni jongin kasi sinara na ni kyungsoo yung pinto kaya ningitian na lang niya ko

Saan naman kaya siya nabitin ? o.O

Naglalaro ba sila kanina ?

“ yung kwarto niyo ay nasa taas lang ng kwarto namin kaya kung may kailangan ka sumigaw ka lang haha mahilig ka naman sumigaw noon eh

“ mahilig akong sumigaw? “ nagtataka ko ulit na tanong sa kaniya

“ ha? Wag mo na lang pansinin yung sinabi ko. Sige, bye! “ tinapik niya yung likod ko bago niya ko tuluyang iwan sa harap ng kwarto ko.

Hindi ko na lang talaga papansinin yung sinabi niya kasi masakit na talaga yung tyan ko =3=

Inayos ko na lahat ng gamit ko, wala yung kasama ko pero nakita ko yung mga gamit niya na hindi pa ayos at kalat kalat ang mga damit sa kama kaya wala akong choice kung hindi yung isa ang gamitin.

Nang matapos ako ay agad akong umalis papuntang gym para sa general assembly. Wala nang masyadong tao dahil nagsisimula na rin yung ibang mga klase at mukhang late na ko sa—

“ hmmpp!! “

Bigla na lang may humila sa akin sa isang masikip na lugar at tinakpan ang bibig ko.

“ sshh!! Wag kang maingay! “ nagulat ako sa lalim ng boses niya

“ s-sino ka ba kasi?! B-bitawan mo nga ko!! “ ang laki ng kamay niya kaya sigurado akong malaking tao rin siya. lalo niya pa kong hinila palapit sa kaniya at nararamdaman ko nanaman yung pag sakit ng tyan ko

“ wag ka ngang makulit!! “

“ eh.. kasi.. ano eh.. “ nag aalinlangan akong sagutin siya

“ ano ba?!! “ halata sa boses niya ang pagka irita

“ na uutot ako!! “ >/////<

--------------------------------------x

wag kayong mag expect fles ? ;;AAA;; iiyak ako xD lels.

tsaka baka unahin ko munang tapusin yung iba kong short stories bago ako mag focus dito.

please vote and comment :DD

-saranghaedyo <3

Innocent Bacon. [ B A E K Y E O L ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon