STELL AJERO (1)

228 5 0
                                    

Kakadating lang ni Stell at nakita ka niyang naglalaba.

“Hi mine! Nandito na ako” bati nito sa'yo.

“Oh, mabuti naman.” Saad mo't akmang yayakapin ka niya pero pinigilan mo siya.

“Opps! Hindi pwede basa ako,” wika mo.

“Hmp! Hug lang eh,” *pouts*

“Mababasa ka nga,” saad mo.

“Pwease??” pagpapacute niya.

“Hindi mo 'ko madadaan sa mga ganyan. Magpalit ka na do'n.”

“Nagluto din ako ng adobo,” dagdag mo pa't bigla namang lumiwanag yung mukha niya.

“Talaga?” Masayang tanong nito. Tumango ka't akmang yayakap na naman ito.

“Hephep! Ikaw talaga stellvester, para-paraan!” saad mo't ngumisi naman siya.

“Thank you,” nakangiting saad niya't pumasok na sa loob.

«Fast forward»

Natapos ka nang maglaba. Yayayain mo sanang kumain si Stell pero nakita mong kausap niya yung katrabaho niya. Kaya pumunta ka nalang sa kwarto. Habang hinihintay mo siya ay nakatulog ka.

“Mine? Nasan ka?” Hindi ka nakita ni Stell sa pinaglalabahan mo kaya pumunta siya sa kwarto.

“Uy mine, nandito ka pala,” saad nito. Nakita niyang tulog ka kaya yumakap ito.

“Sabi mo basa ka? E hindi naman. Ayaw mo lang pala ako i-hug.” Bulong pa nito. Stell kissed you on your forehead, then cheeks, lastly sa lips.

“Kawawa naman 'tong baby ko sobrang napagod. Pahinga ka lang muna dyan. Singilin kita bukas ng utang mong yakap,”  Bulong nito't ngumisi.

-Kinabukasan-

“Good morning, mine!” bati mo sa kanya pero hindi ito sumagot.

“Nandun na yung pagkain, kain ka nalang dun.” saad niya habang patuloy na naglalaro sa computer niya.

“Hmp! Sungit” bulong mo.

After ng ilang minutes ay bumaba na si Stell.

“Stell, kain na” pag-aaya mo dito.

“Ayoko” saad nito.

“Bakit naman? Nagtatampo ka ba?” tanong mo.

“Hmp!” *Pouts*

“Bakit ka naman nagtatampo?” tanong mo.

“E sabi mo basa ka kaya 'di pwede hug tapos 'di pala ikaw basa,” parang batang sabi nito't natawa ka naman.

“Balak kitang puntahan kahapon pero may kausap kang katrabaho mo kaya hindi nalang kita tinawag tapos habang hinihintay kita nakatulog ako.” pagpapaliwanag mo.

“Sabi ko naman wag kang maglalaba eh,” saad niya

“At ano namang gagawin ko dito?” tanong mo't tumahimik naman siya.

“Hug mo na ako,” Saad nito't nagpuppy eyes.

“Niyakap mo na ako kagabi,” saad mo't nagulat naman si Stell.

“Huh? Pa'no mo nalaman?" tanong niya.

“Nagising mo ako e. Kiniss mo din ako. Alam kong gagawin mo to sinakyan ko lang,” natatawang saad mo.

“Hay nako,” saad niya't napasapo sa ulo.

“Come here hug kita ulit,” utos mo't agad namang lumapit si Stell.

“I love you, mine.” sambit mo't kiniss si Stell sa cheeks.

“Mahal din kita, mine," sagot niya habang nagbablush.

SB19 ONESHOT STORIES Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum