"YES OR NO" Josh Cullen Santos (1)

79 2 0
                                    

“Look, I love you, Nikkie! Bakit ba lagi nalang si Josh iniisip mo? Nandito naman ako ah?” sambit ni Jah, akmang hahalikan niya ako pero dumating si Josh at agad na sinapak siya.

“I'm so disappointed with you,” sambit ni Josh at umiling iling.

“Josh, let me explain?” Sambit ko habang hinahabol siya.

“Explain? Para sa'n pa? Kita ko naman lahat. Kung 'di ako dumating baka naghalikan na kayo eh,” sambit nito at tuluyan ng umalis.
---
Ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko. Ni-hindi ako kumakain. Laging may bumabagabag sa'kin. Maraming tanong sa isip ko na si Josh lang ang makakasagot, kailangan ko na siyang kausapin tungkol do'n.

I texted him the location of our meeting place. But I didn't get any response from him. Nagdadalawang isip ako kung pupunta pa ba ako, but still pumunta ako.

“J-josh? Dumating ka?!” Sambit ko nang makita kong binuksan niya ang pintuan ng restaurant.

“Hmm? So, bakit mo 'ko pinapunta dito?” Cold na tanong nito.

“I'm sorry, Josh,” sambit ko habang namumuo ang luha sa mga mata ko.

“Hindi na kailangan,” sambit niya at natahimik ako.

“Wala ka na bang ibang sasabihin? Kasi aalis na ako,” sambit niya.

“J-josh, wala akong ginawang masama, bakit ba hindi mo 'ko mapatawad.” Nagmamakaawang sambit ko.

“Pasensya ka na, hindi ako bulag. Hindi mo maiintindihan kasi hindi ikaw ang nakakaramdam.”

“J-josh, ikaw lang ang mahal ko.
,” sambit ko ngunit napailing iling lang ito.

“Okay, kahit hindi mo 'ko patawarin, I'll still say sorry to you,” sambit ko.

“I love you Josh, for the last time.” Sambit ko, akmang aalis ako pero hinila niya yung kamay ko dahilan para mapaupo ako.

“No, don't leave.” Sambit nito kaya't nagtaka ako.

“W-why?” tanong ko.

“ 'Cause it's your birthday. Happy birthday, love!”  Sambit niya't hinalikan ka sa cheeks.

“W-what?” Nagtatakang tanong ko.

“What's the meaning of this?” Tanong ko.

“It's a prank!” Sigaw nilang lahat at lumabas sa pagkakatago. Waw prank?

“Prank?” Napasapo nalang ako sa ulo dahil sa sobrang inis.

“Walang gusto sa'yo si Jah. He has a girlfriend,” sambit ni Josh. Aba! Napagkaisahan nga ako.

“Sayang, ako kasi meron,” nang-aasar kong sambit. Hmp! Makaganti nga.

“Ah ganon?” Sambit nito't pinahiran ako ng cake sa mukha. Grabe naman 'to, pagkatapos mang prank gagantuhin ako?

“Josh!” Sigaw ko, sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito.

“Anong sabi mo kanina?” Tanong niya't nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Anong gagawin nito?

“A-ahm, w-wala.” Kinakabahang sambit ko.

“Bakit ka namumula?” Tanong nito.

“Ah hindi noh,” sambit ko't tumingin sa gilid.

“ 'wag mo nga akong titigan ng ganyan,” sambit ko.

“Bakit? May feelings?” Pang-aasar nila.

“Heh! Wala na 'no? Break na kami nyan,” sambit ko.

“Ha? Anong break? Kiss kita d'yan eh,” sambit nito.

“Kung kaya mo!” Sambit ko't nagulat ng nakawan niya ako ng halik.

“Nakakatawa 'yon?” Tanong ko nang makita ko siyang tumawa pagkatapos akong halikan.

“Sorry," sambit nito't tumalikod ako. Nagulat ako nang magtiliian ang nga kaibigan namin, kaya napaharap ako.

“Nikkie Ajero, will you marry me?” sambit nito habang nakaluhod.

“J-josh,” naluluha kong sambit. Grabe na 'to ah.

“Yes!!” Sigaw nilang lahat, napatawa naman ako.

“Is it a yes or no?” Sambit ni Josh.

“Yes, Josh. Oo, papakasalan kita.” Sigaw ko't agad niya akong niyakap at marahang hinagkan.

“Happy Birthday, I love you, love!” Sambit nito.

“Thank you! I love you too.” Sambit ko't niyakap siya ng mahigpit.

SB19 ONESHOT STORIES Where stories live. Discover now