KABANATA 9

90 7 0
                                    

**

Celeste’s Point of View
After 6 months

Mas lalong lumala pa ang aking morning sickness, at napapansin kong tumataba na  ako nasa anim na buwan na ang aking tiyan pero wala pa ring nakakapansin na buntis ako, maliit lang naman ang tiyan ko kaya para lang akong tumaba.Hindi rin naman madalas umuuwi si Mama rito at si Daddy dahil busy sila pareho.

Nagsuot lang ako ng malaking t-shirt dahil nandyan na si mama saka gusto niya sabay kami kumain ng haponan. Matamlay akong bumababa dahil sa totoo lang wala talaga akong gana sumabay sa kanila ngayong gab

"Napapansin kong tumataba ka ah, malakas yata ang kain mo, naku mag workout ka." ani ni mama sa'kin, ayaw niyang tumataba ako mas gusto n'ya na slim lang ako at sakto lang yong katawan ko. Ganyan siya kahigpit sa’kin

Pag upo ko sa aking upuan, agad ko inamoy nag pritong bangos, para kasing may naamoy akong mabantot 


"Ma, hotdog na lang uulamin ko, magluluto lang ako." tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Ayaw mo rito sa pritong isda? bakit hotdog pa may marami naman tayong ulam dito, may menudo at kare kare na luto ni manang tapos ayaw mo." nagulat na tanong ni mama. Favorite ko kasi ang pritong isda pero this time parang hindi ko na siya favorite


"Ma, wala akong ganang kumain ngayon" malamig kong tugon.

Kinuha ko na 'yong hotdog na nasa freezer namin, nilagay ko muna sa tubig dahil frozen, pagkatapos binalatan ko at nagpainit ako ng mantika sa kawali.

Nang matapos ko itong prituin umupo na ako sa tabi nila at kumain na. Nagkatingin sila sa’kin habang nilalagay ko sa gitna na ang niluto kong hotdog

Napapansin nila ang pagdami ng aking kinakain, naka dalawang kanin na ako tapos nagbalat din ako ng mangga 'yong manggang hindi pa s'ya masyadong hinog. Medyo maasim pa. Nangangasim sila habang nakatingin sa’kin, hindi ko alam pero masyado bang halata?


"Ang weird ng mga kinakain mo, tama na 'yan baka sasama ang tiyan mo r'yan sobrang asim ng manggang ’yan, Hilaw pa yan." saway ni mama sa'kin

Hindi naman maasim ’yong mangga eh, medyo okay naman siya

"You taste it." nilagay ko sa bibig nya ang maliit na piraso ng mangga

She immediately spit it out

"Grabe ang asim, para kang naglilihi." sabi ni mama habang nangangasim, natigilan ako sa sinabi niya, naglilihi naman talaga ako eh hindi niya lang napansin

Mukhang hindi pa talaga napapansin ni mama, syempre kung wala ba naman siya sa bahay araw araw tapos tuwing gabi ko lang siya makakasama, late pa umuwi.


Nakita ko si Ate na tahimik lang na kumakain habang nakatingin sa'akin, tiningnan ko muna ang phone ko nang may nag text sa'akin, si ate ang nag text. Ano kayang meron?

Sumenyas lang s'ya na sundan ako sa taas

"Ma I'm full.. sa kwarto lang ako." pagpapaalam ko. 

Uminom muna ako ng tubig at umalis sa harap ng lamesa.

Lumakad ako papunta sa taas. Nagulat ako nang hilain ako ni ate papunta sa kwarto niya

What's her problem?

"Tapatin mo nga ako." diritso nyang sabi sa mukha ko. Bumilis ang tibok ng aking puso. May alam siguro siya


Affection Series 2: UnforgettableWhere stories live. Discover now