27 Closure

529 12 8
                                    

"Weh? Oh? Tapos? Anong nangyari? Lumapit ka ba? Nag-usap ba kayo? Anong sabi niya?" Sunod-sunod niyang tanong pagkatapos kong ikwento sakanya na nakita ko si Lorenzo.


"Syempre, hindi! Baliw ka ba? Bakit naman kami mag-uusap?!" Napairap ako.


"Ano ba yan, hanggang ngayon ang hina parin ng atabs ko," sabi niya na para bang disappointed siya.


"Ano?!"


"Wala! Joke lang! Ang sabi ko, bakit siya nandun? Bakit kaya siya bumisita kay tito?"


"I know right? Samantalang ni-hindi nga siya dumalaw kahit isang beses sa burol ni daddy," I pouted. Itinungga ko ang bote ng beer na binili namin sa convenience store sa ibaba ng condo niya. Pangatlong bote ko na ata ito kaya tinatamaan na ako.


"Really? You're still bitter about it until now?" Tumawa siya sabay tungga sa pang lima niyang bote. Tingnan mo 'tong baliw na 'to, kasasabi niya lang kanina na may flight pa siya bukas ng maaga pero ang lakas ng loob na ayain akong mag one on one! Minsan lang naman kami magkita kaya pinagbigyan ko na.


Occasionally lang ako umiinom kaya hindi ko na maalala kung kelan ba yung huling beses na nalasing ako? Hindi na rin naman ako natatakot na uminom ng marami, dahil ngayong medyo tumatanda na ako, pakiramdam ko ay tumaas na rin ang alcohol tolerance ko. Hindi ko alam kung may connect ba yon.


Sobrang dami na ata naming napagkwentuhan, mula sa mga rants ko sakanya hanggang sa magkwento na rin siya ng mga personal problems at stress niya sa kanyang trabaho, and all those typical adult problems. Isa lang ang masasabi ko, mas solid parin talaga ang kwentuhan kapag may tama kayo pareho.


"Me? Bitter? Psh," I rolled my eyes.


"But you know what? Wala namang imposibleng magkita kayo kasi same naman kayong dito naka-based sa metro manila, diba? Yung office mo nasa manila, siya dito sa makati," napatigil siya bigla at para bang may iniisip, "wait, ang ibig sabihin mo ba, never nag-krus yung landas niyo dito sa manila? Doon pa talaga sa hometown mo kayo nagkita ulit?!"


Tumango-tango ako at napaisip din, "Kaya it felt weird nung makita ko siya, after how many years, tapos sa puntod pa ni daddy? Like what the fuck was he doing there? Or was I just seeing things? Maybe a ghost?" Nanlaki ang mga mata ko, "Hindi kaya kaluluwa niya 'yon?!"


Natauhan ako nang malakas akong binatukan ni Hannah, "Gaga?! Pinatay mo naman yung tao! Si tito yung deds, hindi si Lorenzo!"


"Ay oo nga, si daddy pala yung patay," kamot-kamot ulo kong sabi.


Maya maya'y bigla akong kinabahan ng maramdamang kumulo ang tiyan ko. Pati ang paningin ko ay parang nagsslow-mo. Ang sakit sa ulo pero sa totoo lang, I missed the feeling of alcohol flowing through my body. Humingi pa ako ng isang bote kay Hannah at agad naman niya akong inabutan.


"Sabagay, pano nga naman kasi magku-krus yung landas niyo dito, 'e wala ka namang social life? Tao ka ba? Lumalabas ka lang ata ng office mo kapag may meeting ka sa ibang lugar 'e,"

The Tiger's Kiss (University Series)Where stories live. Discover now