03 Friends

875 21 7
                                    

"Ibigay mo lang sakin yung floor plan mo, gagawan ko agad ng structural," casual kong sinabi pagkaupo niya. Magkatapat kami ngayon at parang gusto ko nalang lumusot sa ilalim ng table na pinaggigitnaan namin, hindi parin ako makapaniwala.


Hindi parin nagsisink in sa akin na nasa harapan ko ngayon yung lalaking humalik sakin. Lorenzo? I can't even remember na yun yung pangalan niya. Tama nga sila Valery.


"Meron pa akong mga revisions sa floor plan. I'll let you know kapag na-final ko na. Can I have your number?" Mabilis niyang sinabi. Hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay.


"Para saan," tanong ko. Hindi man lang ako makatingin ng diretso sakanya.


"So I can update you," sagot niya.


"Kay Theo ka nalang magsabi," Ayoko ngang magkaroon kami ng communication. Kung pwede nga lang ngayon pa lang sabihin ko na agad na aatras na ako at maghanap na lang siya ng ibang C.E., kaso nakakahiya rin naman dahil pumayag na ako.


Isa pa, pambawi ko nalang siguro 'to dahil sa ginawa kong pagsuka sakanya gawa ng kalasingan ko. Pero wrong move talaga na pumayag ako agad kay Theo, siraulo nga pala yon, dapat nag tanong muna ako.


"Mas mapapadali kung meron akong contact sa'yo. I'm sorry but I can't just waste my time, masyado ako maraming ginagawa," sagot niya. He looks so serious. I feel like ibang tao yung kausap ko ngayon sa taong nakausap ko sa Club. Ni hindi man lang siya ngumingiti.


Siguro nga, we were just drunk that night.


"Pwedeng facebook na lang?" Tanong ko. I saw him smiled a little. Napaisip tuloy ako, baka akala niya may gusto ako sakanya at hinihingi ko yung facebook niya.


Syempre as a kuripot person, ayoko namang magpaload pa para lang makapagreply kapag nagtext siya sa number ko.


"What's your facebook," dahan dahan niyang nilabas ang cellphone niya. 


Habang nagnanakaw ako ng tingin sakanya ay parang naiintindihan ko na yung sarili ko nung mga oras na lasing ako at tinanggap ko yung halik niya, e ang gwapo talaga nito 'e!


"Mayumi Gonzales," sagot ko.


"Mayumi, huh," I saw him smiled again. Pang asar yung ngiti niyang yon pero ayokong patulan dahil baka kung saan mauwi yung usapan namin.


Hanggang ngayon nagtatalo parin yung utak ko kung sasampalin ko ba siya dahil sa hinalikan niya ako o mag sosorry dahil sinukahan ko siya. Gusto kong i-open yung topic pero at the same time ayoko dahil magiging sobrang awkward nito samin. O baka sakin lang, kasi for sure, hindi naman yun big deal sakanya. Kung nagawa niya yun sakin, malamang nagawa na niya rin yun sa iba pang babae.


Ibabaon ko nalang talaga siguro sa limot yung nangyari sa Club.


"Enzo," Narinig kong sigaw ng isang babae habang papalapit ito samin. Nakasuot din ito ng uniform tulad ng kay Lorenzo at may kasunod din siyang isa pang lalaki sa likuran niya.

The Tiger's Kiss (University Series)Where stories live. Discover now