Chapter 5: Sayaw ng Pag-iwas

303 31 88
                                    

Arkcray's POV

"Cassius, katapusan ko na! Si Heneral Silas!" nangangamba kong sambit habang nakatingin sa akin ang Heneral na nakatayo mula sa pasukan ng kainan ni Yazid.

Habang tahimik lamang ang lahat at walang umiimik sa nangyayari, doon ay naglakad na si Heneral Silas patungo sa kinatatayuan ko.

Doon rin ay hinarangan siya ni Zephyr gamit ang kanyang espada.

"Silas, wag na wag mong lalapitan ang nilalang na iyon kung ayaw mo na maglaban tayo ngayon!" sambit ni Zephyr at makikita mo na seryoso na siya at hindi na ang malokong Ikarian na kilala ko!

"Hindi ako naparito para magsimula ng sigalot." sambit ni Heneral Silas, "Paraanin mo ako."

"Isang maling galaw mo lang, Silas, hindi ako magkakamaling tanggalan ka ng ulo." seryosong saad ni Zephyr at binaba na niya ang kanyang espada.

Nang makatayo na si Heneral Silas sa harapan ko ay tinitigan niya ang mga mata ko.

Habang ako naman ay tila kinakabahan na sa kanyang maaaring gawin.

Labis ang katahimikan na namumuo ngayon sa loob ng kainan at hinihintay na magsalita si Heneral Silas gayong alam niya na ang aking lugar.

Huminga nang malalim si Heneral Silas at napapikit na lamang ako!

"Maaari niyo na ituloy ang inyong pagkain. Ang nilalang na ito ay hindi taga-Apollo." sambit ni Heneral Silas kaya napadilat ako nang malala at tumingin muli sa kanya, "Salamat, Ikarian, sa pagtuturo, ngunit hindi siya ang hinahanap ko. Makakaalis ka na." dagdag pa ni Heneral Silas sa lalaking nagsuplong sa akin.

"Wag ka ng tatapak sa kainang ito, kung hindi ay tatanggalan kita ng mga paa! Layas!" sigaw ni Zephyr doon sa Ikarian na nagsuplong sa kinaroroonan ko.

At nang may kanya-kanya nang ginagawa ang lahat ng mga Ikarian sa loob ng kainan, muli ay kinausap ako ni Heneral Silas.

"Muli ay nagkita na naman tayo ginoo." nakangiting sambit ni Heneral Silas sa akin.

"Bakit... ka nagsinungaling sa kanilang lahat?" tanong ko.

"Nais mo ba na dalhin kita sa Helios?" tanong ni Heneral Silas pabalik.

"Wala namang ganyanan! Nakatakas na nga ako eh! Nandito ka ba para hulihin ako?" sambit ko.

"Hinahanap ko ang babaeng mananayaw mula sa inyong kaharian. Wala naman dahilan para ikaw ay dalhin ko sa Helios, ginoo." saad ni Heneral Silas at nakahinga na ako nang maluwag.

"Kamusta ng ang mga Apollan, Heneral Silas?" nababahala kong tanong at napahawak ako sa mga kamay niya ng hindi ko sinasadya.

Napangiti na lamang si Heneral Silas habang nakatingin siya sa mga kamay niya na hawak-hawak ko.

"Sadyang napakalambot at napakainit ng iyong mga palad, ginoo." saad niya.

"Hoy..." sambit ni Zephyr at siya ang kumalas mula sa pagkakahawak ko kay Heneral Silas, "Kung wala ka ng pakay dito ay umalis ka na, Silas. Wag mo ginagambala ang alaga ko."

"Alaga... o alipin?" pabirong sambit ni Heneral Silas at tumingin siya sa paligid, "Narito ako upang kumain. Nairinig ko na nagbukas na muli ang kainan ni Yazid, kaya nais ko itong dalawin. Isa pa, matagal-tagal na rin mula ng ako ay nakakain rito."

"Hindi mo ako sasaktan, Heneral Silas?" tanong ko.

"Hindi. Wala akong planong manakit o manghamak ng mga sibilyan." nakangiting sagot ni Heneral Silas, "Lalo na ng isang napakagandang lalake na kagaya mo na may nakakaakit na itsura."

Arkcray (Pinoy Fantasy BL)Where stories live. Discover now