Epilogue: Ang Buhay Pagkatapos ng Kaguluhan

268 29 67
                                    

Isang mapayapang gabi sa lahat kung saan nagpapahinga na makalipas ang kaguluhan na nangyari.

Dahil nasira ang lahat ng mga gusali, palasyo, at mga bahay, sa lupa sila ngayon natutulog ngunit gamit ang mga malalaking dahon ay ginawa nila itong sapin upang maayos silang makahiga.

Lahat ay nagpapahinga na maliban lamang kina Cassius at Haring Daemon na nakatayo, at nakatingala sa madalim na kalangitan.

"Patawad, Cassius, naging isang malupit akong hari. Na isa ako sa mga dahilan kaya hindi na kayo magkakasama pang muli ni Arkcray." sambit ni Daemon.

"Haring Daemon, nakailang beses ka na humingi ng tawad sa amin. Isa pa, kung ano man ang nangyari ngayon ay batid ko na. Hindi ko lang inakala na talagang masasaktan ako ng labis. Masakit na hindi ko man lamang siya nakausap na ganito... na tao na ako. Pero, masaya ako na kahit papaano ay nahawakan ko siya." sambit ni Cassius.

"Sa tingin mo ba ay tuluyan na nawala si Arkcray?" tanong ni Haring Daemon.

"Hindi ako naniniwala na tuluyan na siyang nawala. Kaya ayaw ko masyado maging malungkot dahil alam ko na buhay niya. Malamang ay kasama niya na ngayon ang kanyang ina na si Seraphine." saad ni Cassius.

"Maswerte si Arkcray na may mga magulang at kaibigan siya na katulad ninyo." sambit Daemon.

"Alam ko ang pinagdaanan mo, Haring Daemon. Maaga kang namulat sa realidad dahil agad kang pinalaki para maging hari ng Helios. Hindi mo tuloy naranasan ang maging bata gaya nila Arkcray. Pero, mahaba-haba pa ang buhay natin. Marami pa tayong pwede gawin. Kung pinaunlad mo ang Helios, bakit hindi ang Gaia? Tama si Arkcray, kung may mamumuno man sa atin, ikaw ang pinakakarapat-dapat." saad ni Cassius.

"Salamat." nakangiting sambit ni Daemon at doon ay tumahimik si Cassius na nakatingin lamang sa kanyang hari, "Ano ang iyong problema at nakangiti ka?"

"Natutuwa lamang ako na makausap ka muli ng ganito, Haring Daemon. Matagal na rin namg huli tayong nakapag-usap tayo na parang magkaibigan." sambit ni Cassius.

"Isa ka sa mga tapat na alagad ko noon at tingin ko sayo ay isang kaibigan. Marahil, ikaw nga lang ata ang kaibigan ko noon at wala ng iba." saad ni Haring Daemon.

"Hehe! Pero ngayon, tingnan mo naman..." sambit ni Cassius, "Lahat ng nilalang sa Gaia, ay mga kaibigan mo na. Marahil sa una, maninibago sila dahil kilala ka nila bilang nakakatakot na hari."

"Kaya, nais ko sana na ako ay tulungan mo kung paano ko maipapakilala ang aking sarili sa iba. Hindi ako magaling makipagkaibigan." sambit ni Haring Daemon.

"Hehe! May naisip ako kung paano kita ipapakilala sa lahat..." sambit ni Cassius.

"Ano ang iyong naiisip?" pagtataka ni Haring Daemon.

"Pakiwari ko ay hindi mo pa ito nasusubukan..." nakangiting saad ni Cassius.

"Ako ay kinakabahan sa iyong nais." saad ni Haring Daemon.

...

...

...

"Yazid! Isa pang malaking kalabaw para sa ating panauhing pandangal na si Haring Daemon! At sampung bote pa ng alak sabi niya!" sigaw ni Cassius.

"Sige, mga labinlimang minuto pa at ihahain ko na ang kalabaw." seryosong sambit ni Yazid.

Lumapit sa Atlas kay Yazid na tila siya ay nahihiya pa at hindi makatingin.

"Ano ang iyong kailangan, Atlas?" seryosong tanong ni Yazid.

"Um... ano... kanina pa kasi kita nakikitang kumikilos. Nais ko sanang... tumulong." sambit ni Atlas at hindi siya makatingin sa mata ng kanyang ama dahil siya ay nahihiya pa.

Arkcray (Pinoy Fantasy BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon