Chapter 1

10 1 0
                                    

WARNING: This is work of fiction, Places, Events, Charcters, Names. And some places that i will ment in my story.

Note: University school's are not fiction, you can search it on google if you want.

Disclamier: May mga muruhan ang mga chapters na mababasa nyo hanggang matapos ang kwento.  At ang ibang chapters ay bawal sa bata, dahil R18 ( alam kong hindi kayo susunod, makulit kayo eh.)

CELESTINE

Gumising ako dahil nag alarm na ang orasan ko. Bumaba ako para makapag luto sana ng agahan namin, nakita ko si mama na nag luluto na ng spam at tuyo at itlog.

"Ma, good morning po" Nag mano ako at hinalikan sya sa kanyang pisnge.

"Kaawan ka ng diyos, mag ready kana papasok ka pa sa school mo." Wika nito, tumango na lang ako at pumunta sa cr namin.

Pag labas ko naman ay naka upo na sila papa at si aby. Inampon lang sya nila papa, mabait naman close sya saakin 10 year's old.

Nag mano ako kay papa sign of respect. "Oh, umupo kana para makakain na tayo" wika nito. Tumango na lang ako, kadalasan sa cr na ako nag bibihis.

Pag tapos namin kumain ay nag paalam na ako sumakay na lang ako sa jeep sabi ni papa mqg taxi daw pero ayoko, marami na kaming gastusin sa bahay. Tipid pa ako pag nag jeep ako.

Nakarating ako ng UST ng maayos medyo amoy kulog ako dahil sa piste na amoy doon sa kalye. Nag pa bango na kang ulit ako.

Med ang course ko dahil matagal ko nang gusto maging doctor. Pumunta na ako ng klase ko. Pag tapos ko naman ay napag usapan namin ni Yanna at ni Aida na mag kita sa Pop Up.

Nakita kong papalapit dito si Yanna kumaway sya. "Tara sunduin daw natin si Aida" Wika nya napakunot naman ang noo ko.

"Tangina papasundo pa sya? Pag chupapi dinadayo sa FEU at UST pero pag satin? Gagang yon." Wika ko.

"Tara na bruhang to" Wika nya.

Andito na kami sa tapat ng FEU, tumawid na lang si Aida alangan naman na susunduin ko pa don.

Pag sakay nya ay binara ko na kagad sya. "Gagang to, pag pogi dinadayo mo pero pag samin kailangan ka pang sunduin." Inis na wika ko.

"Ano na naman ba Celestine Samantha tigilan moko ha broken ako ngayon!" Malamig na wika nya.

"Wow?! Ikaw broken?! Himala!" Wika ko na kunwaring nagulat.

Hindi nya ako pinansin at pinikit ang mga mata. Napikon ata. Nandito na kami at umupo ni ready na namin yung binili naming soju, smirnoff at red horse. Yak naknampucha.

"Teka nga bat ba tayo nandito?" Wika ni Yanna.

"Wala lang bat ba." Inis na wika nito.

Diko pinansin ang dalawa, napatingin ako doon sa naka black t shirt at maong pants. Naka salamin din kung huhulaan ko ang height nasa 5'10 or 6 flat.

"Humahaba leeg mo" asar ni Yanna.

Tumawa ng malakas si Aida. "Oh sino bet mo? Landiin mo na" Wika nito.

Sinundan ni Yanna ang tingin ko. "Naks, pogi ah" Wika nya.

"KUYA! NA NAKA BLACK T SHIRT NA MAY SALAMIN CRUSH KA DAW NITO OH!" Malakas na hiyaw ni Aida at tinuro ako.

Putangina naman, inikot ko ng konti ang ulo ko, pakshet nakatingin saakin ng walang emosyon sa mukha. Lupa bumuka ka kainin mo sya.

Napayuko ako sa sobrang kahiyaan, nahakot kasi ng bruha ang atensyon lahat ng tao dito. Humanda ka sakin Aida titirisin kita.

"Hindi na nakatingin" bulong ni Yanna habang natatawa.

Unti-unti kong inangat ang ulo ko, agad kong sinabunutan si Aida napa aray nga eh, well deserve ng konti.

"Tangina mo mhie lam mo yon?" Inis na wika ko.

"Oo be" wika nya at tumungga ng red horse sa baso.

Medyo pagabi narin, nag aya nang umuwi si Yanna, may early dinner daw kasi. Pag-uwi ko ay wala naman sila papa at mama tulog na ata. Kaya pumunta na ako sa kwarto ko at umupo sa office chair ko.

"Hayst, aral na naman ulit" Pagod na wika ko, medyo nahihilo pa nga ako dahil nga marami din akong nainom kanina.

Nag basa ako ng Human Anatomy, mabigat bigat din tong libro na ito, hindi basta basta basa ang ginagawa dito, kailangan intindihin.

Habang binabasa ko ay nag may nag notif sa phone ko. Kinuna ko yon, nag chat si Vincent, boy best friend namin, medyo bakla lang umasta.

vince_: Hoy gaga, gusto mo lumabas bukas?

urcelesetine: San? Libre mo ba? Arat ako pag libre

vince_:oo na, kailan kaba nanlibre.

urcelestine: nye nye, tampalin kita eh

vince_:gawa sige ano gawa

urcelestine: mag teteleport ako dyan? Ha

vince_: wag na, uubusin mo pa laman ng ref ko.

urcelestine: kapal ng mukha ni vakla.

vince_: tanginamo, mga 3 ng hapon ah, pag ikaw na late pepektusan kita bente.

urcelestine: oo na putcha.

*seen*

Nag basa pa ako ng konti, medyo naramdaman ko na inaantok na ako kaya natulog narin ako. Good luck sakin kung magigising ako ng maaga bukas.

Fight for MeWhere stories live. Discover now