Chapter 2

13 0 0
                                    

"GISING!!!!!" Dinig kong sigaw ni Yanna sa tenga ko

"Tangina" inis na wika ko. Bumangon ako at agad na sinamaan sya ng tingin, ina kasi sinong hindi mababadtrip pag ginising ka kahit napaka sarap ng tulog mo.

Tinulak ako ng gaga sa cr muntik pa nga akong madapa, bantot ng ugali futa, kung diko pinsan to pinakulam ko na to charot.

Naligo na ako at nag shorts at zara na square top color white. Sunday naman wala kaming pasok. Nag paalam ako kayla mama at papa.

Gagala ata kami ngayon, 9:30 AM na. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Vincet sa tabi ko. "Punyeta, akala ko ba mamaya pa tayo?" Wika ko.

"Eh nakita ko kayo eh" Wika nya, habang kumakain ng burger sa mcdo.

"Gago, nakita kita may kasamang chicks kanina papunta pa nga kayo H&M" Wika ni Yanna, parang namutla ang gago. Sus.

"H-ha? Gaga kulang ka na naman sa tulog di ako yon!" Defensive nyang sabi.

"Sus, forda defensive" Wika ni Aida.

Halata naman na nainis si Vincent dahil inaasar ng dalawa, ako wala ako sa mood makipag asaran nagugutom ako.

Nagulat ako ng bigla hilahin ni Aida ang buhok ko "Gago, ayon yung crush mo oh" Wika ni Aida.

Napatingin ako kung saan yung tinuro ni Aida puta wala naman. "Tingin ka naman, halata ka be" Wika nya at tumawa.

Inirapan ko sya, at nag walkout narinig ko pa nasinabihan nya ako na pikon. Pag tapos naman noon ay napag pasyahan namin na kumain na lang muna sa Wendy's

Ang order namin ay chicken,fries, bruger, at ice tea, umupo si cent sa tabi ko. Ang katapat naman namin ay si Aida at Yanna.

"Hoy! Bakla yung crush mo" Wika ni Yanna habang tinuturo sa bandang pinto ata.

"Pwede ba, wala akong time para makipag joke sainyo" Wika ko. Di nyo na ako madadaan sa ganyan.

"Uy! Calix! Pre long time no see!" Nagulat ako ng tawagin ni cent yung lalaki at pumunta sa table namin. Putcha pano naging kilala yan ni Vincent.

"Hey Cent" Malamig na wika ni Calix.

"Ginagawa nyo dito?" Pakikipag chikahan ni Vincent kay  Calix.

"Uhh, kakain?" Parang di sya sure sa sagot nya.

"Ahh, uy eto pala mga kaibigan ko si Aida si Yanna at si Celestine!" Maligayang sabi ni Vincent.  Gagi naman tong lalaking toh.

"Hi! I'm Aida nice to meet you." Pag papakilala ni Aida kinamayan naman sya ni Calix ganon din ang ginawa ni Yanna at ganon di ang ginawa ni Calix.

Tumingin sakin si Aida "Bugak, mag pakilala ka" Bulong nya. Sinaamaan ko sya ng tingin halata namang nag-aasar ang loka.

"U-uh hi? Pog- Celestine, my name is Celestine nice to meet you." Pag pakilala ko, tangina umayos ka nga.

"Hmm? The girl yesterday tss." Cold nyang sabi. Narinig ko ang tawa ng dalawang bruha. Umalis na si Calix at umupo don sa table nila.

Kung kanina nagugutom ako ngayon hindi na tangina kasi ni Vincent napaka pahamak.

"Oy, di mo na kakainin? Akin na lang!" Sabi ni Cent at akmang kukunin na ang plato ko.  Tinapik ni Yanna ang kamay nya at sinamaan ng tingin. "Manahimik ka, Celeste kumain ka" Wika nya.

Hindi ako masyadong nakakain half rice lang ata ang nakain ko. "Oh? Tapos kana? Oh Cent kainin mo na" Wika ni Yanna.

"Ano ako? Aso? Forda tira-tira?" Wika nya. Well di sya aso hindi din naman sya mukhang tao. Charot.

Pag tapos namin kumain ay balak pang mag Sb ng mga bonak, umayaw ako dahil pagod na ako kakalakad. Siguro ay uuwi muna kami, 1:50 na din eh.

Pag kauwi ko ng bahay ay inopen ko ang IG ko, habang nag s-scroll sa IG ay may nakita ako sa suggest for you. Si Calix.
Okay forda stalk ang ferson.

 
                                      CALIX JACE CHUA
                      POST       FOLLOWERS     FOLLOWING
                          0                    6000                         20

Nuks ang linis ng account, hiyang hiya naman ako sa account ko, ang kalat. May nakita ako sa highlights nya pero mamaya ko na bubuksan inaantok na kasi ako.

                                             *********

Narining kong tumunog na ang alarm ko kaya, pumunta na ako sa cr para makapag sipilyo at hilamos. Bumaba na ako at nakita ko na nakaluto na si mama.

Kumain na rin kami at ako na ang nag hugas ng mga plato. Pumunta ako sa cr para makaligo. After naman noon ay hinihintay ko na lang si Yanna dahil susunduin nya daw ako.

Wala syang klase ngayon kaya sabi nya ay sya na lang daw mag hahatid para hindi sayang pamasahe, may kikitain siguro na taga UST.

"Anak! Andyan na pinsan mo!" Rinig kong sigaw ni mama sa baba, dali dalo akong bumaba at hinalikan sa pisnge si mama. Wala na si papa nasa trabaho si aby naman asa school.

"Gaga ka, ang bagal mo" Bungad na sabi sakin ni Yanna.

"Ay pasensya na ha, kinuha ko yung project ko baka masira diba" Wika ko.

Nandito na kami sa UST, bumaba ako at nag paalam na. Pinasa ko na din ang project ko dahil first sub naman si Ma'am Rocess.

Pag tapos ng klase ko ay tumuloy ako sa UST Hospital, nag chat sila Aida nandon daw kasi si Cent, Natapilok ang loko habang nag lalaro ng basketball.

"Oh tanga ka yan napala mo" Bungad ko kay cent.

"Kung maka tanga sya oh, hello? Kaibigan mo to oh" Wika nya.

"Oh, wendy's kainin mo yan sasapakin ko yang paa mo pag dimo kinain" Wika ko at inabot sakanya ang binili kong pag kain.

"Nuks, kikiligin na ba ako?" Wika nya, umirap lang ako.

Lumabas muna ako para mag pa hangin pero may chupapi na dumaan si Calix, naka sandal sya sa pader malapit sa room ni Vincent.

Dahil dakilang pam pam ako syempre sumandal din ako sa isang pader. Naka gitna samin yung pintuan ng room ni Vincent.

Ilang minuto din na walang nag salita samin, kaya ako na kuna ang mag score. "Hi! Calix right?" Wika ko.

Tumingin sya saakin at tumango. Pipe bato? Ayaw mag salita? "Yeah. Celestine right?" Wika nya, aba be kalmahan mo.

"Yes!" Masigla kong sabi. Tumingin lang sya saakin. Maya maya may lumabas na matanda na lalaki tatay nya ata.

"Calix come to my office now." Wika noong matanda at umalis. Sumunod si Calix doon sa matanda, ako naman ay pumasok na sa room ni Vincent.


Fight for MeWhere stories live. Discover now