1

474 23 11
                                    

 "Loves, tapos na ba ang report mo ngayong araw?"

Niyakap ako sa likod ni Tricia at hinalikan ako sa pisngi. Narito ako ngayon sa condo nila, nakaupo sa dining area nila habang nag tra-trabaho. Isang taon na kami ni Tricia, kaya kapag abala ako sa trabaho ay sa condo na niya ako pinapatulog para hindi na ako bumalik sa amin. Malayo kasi ang bahay namin sa workplace ko kaya nahihirapan ako minsan mag drive. Hindi pa naman sigurado ang iskedyul ko araw araw bilang junior reporter.

"Almost done, Ja," bulong ko ng hindi inaalis sa laptop ang tingin, hinaplos ko ang braso niya na nakapulupot sa balikat ko habang ang kabilang kamay ko ay nagta-type sa laptop ko. Nakaupo kasi ako habang siya ay nakatayo, yumuko siya ng kaonti para mayakap ako sa likod ko.

"Kaila Dy, a former volleyball player, is now a courtside reporter." Pagkabasa ni Tricia sa screen ng laptop ko. "Nasa sports department ka this month, loves?"

"Yes, but not just this month," I sighed, emphasizing the word 'this month'. "I think matatagalan ako sa department na 'to since UAAP season na naman."

"But why Kaila Dy?" sumilip siya sa akin para makita niya ang reaksyon ko. Nakayakap pa rin siya sa akin. "Ang daming courtside reporters, ha? Why her?"

"Sikat kasi siya." I shrugged. "Kaila Dy is popular nowadays because she is pretty, kind and all, so my seniors demanded na siya ang interview-hin ko kapag nagsimula ang UAAP."

Naramdaman kong tumango lang siya. "Ahh, pretty, kind, and all," bulong niya. "Just like your type, 'no?"

Oh good Lord, don't tell me mag seselos siya kay Kaila Dy? A girl na mas bata pa sa akin ng ilang taon at hindi ko pa name-meet?

"Just my type?" pag gaya ko sa sinabi niya. "She isn't Tricia Robredo. So Kaila Dy is not my type, Ja. Don't be selos na. Ikaw lang naman ang type ko."

"Courtside reporters type mo dati, 'di ba?" birong tanong niya, kaya natawa ako. Well, hindi naman siya wrong since courtside reporter din naman siya dati. Kaya nga type ko siya no'n hanggang ngayon, eh.

"Past doesn't define me, Ja." I smiled. "Well yes, type ko ang courtside reporter no'n, but ngayon 'di na. I already have you na, e? Maghahanap pa ba ako ng iba?"

"Ang bola mo naman!" binatukan niya ako.

"It's true naman." ngumiti ako. "Paano nga ulit 'yon?" tanong ko.

Tumikhim ako, "Maraming maraming salamat sa buong gia at sa buong Adamson community... but make some noise national university!" panggagaya ko sa kanya. Nilagyan ko pa ng arte 'yung accent ko since conyo siya that time.

Tricia ignored my imitation of her and just pinched my side. Whenever I do this to her, she either gets annoyed or just ignores it. If she's annoyed, it means she's not in a good mood. Pero binalewala niya lang ngayon so sa tingin ko she needs something from me right now.

"Hay... na-miss ko na 'yung Panaderya Toyo," pagpaparinig niya. "Do you want to go there? Let's go on a date ngayon, pahinga ka muna d'yan sa work mo," dagdag niya. Napatigil ako sa pagta-type nang marinig ko ang magic word naming dalawa.

Sabi na, e. She needs something. Gusto pala ng tinapay, kaya hindi pinansin 'yong pang aasar ko.

"Do you miss me that much?" I laughed.

Sa tuwing ginagamit ng isa sa amin ang salitang 'date', ibig sabihin ay magpahinga muna kami sa kung ano man ang pinagkakaabalahan namin. Isang salitang nagpapaalala sa aming dalawa na magpahinga muna saglit, magpahinga sa isa't isa.

Beyond The Sunset's RainbowWhere stories live. Discover now