2

304 16 8
                                    

Trigger Warning: mentions of death.

"Ja, don't step out of the car ha? Baka may nakakakilala sa'yo dito."

Tinanggal ko ang seatbelt ko at humarap sa kanya. Nakaparada kami ngayon sa harap ng building kung saan ako nagtatrabaho bilang junior reporter. Malapit lang naman siya pero dahil traffic nga as usual, natagalan kami ni Tricia sa pagpunta.

"Loves," hinawakan ni Tricia ang mga kamay ko na nakahawak sa handbrake. Nakapatong na ang kamay niya sa kamay ko. "Kung gusto mong gawin ang report na 'yon, gawin mo. Okay lang sa amin nila mama 'yon," paninigurado niya.

"No, Ja," I said, smiling. "It's not okay," I whispered as I gently removed her hand away.

It's not okay with me. Marami nang ginawa sa akin ang pamilya ni Tricia. Hindi ko naman pwedeng suklian 'yon ng ganito. I can't make a report about them na hindi ako sigurado if it's accurate or not.

"I'll be back." Humalik ako sa pisngi niya bago ako lumabas sa kotse.

Habang papasok ako sa building ay andaming taong nag kukumupulan sa gilid. Kanya kanya pa silang bilog. Hindi ko na tinignan kung ano 'yon dahil for sure nag chi-chikahan lang sila about sa reporter na na-suspinde.

"Y/n." salubong sa akin ni Flynn, kaibigan ko, ng makarating ako sa office niya. "Why are you here? Sports department ka, 'di ba?" tanong niya.

"I'm filling in for the suspended reporter," I sighed.

"So? Ba't parang ayaw mo?" she asked, her brow furrowed. "Wasn't that what you planned years ago? You told me na pagla-laruan mo siya since she can be a big help sa work mo since... you know? Daughter siya ng former vice pres?" she said, pertaining to Tricia.

Yes, it is what I intended to do years ago when I met Tricia. I planned to toy with her feelings. Because she could help me advance in my job. She's Robredo, after all.

The last name that every journalist writes about just to gain ratings and advance their careers.

Including me.

"Laro lang naman 'yon, 'di ba?" tumayo siya at kumuha ng water bottle sa mini refrigerator niya. "I mean, you love her, but you're just toying with her feelings, right?"

Hindi ako naka sagot ka-agad dahil hindi na ako sigurado kung laro pa ba 'yon o o totoo na ang nararamdaman ko kay Tricia.

Tumikhim ako. "Oo naman. It's just a game for me, 'no?" bumuntong-hininga ako. "No real feelings attached." pag aalangan kong sagot.

"Mabuti naman," she replied, smirking. "Hindi ka pwedeng mawala sa company na 'to. You're too good reporter to lose, 'no! Sayang ka if ever." she laughed.

"I know," pilit akong tumawa. Matagal na ako sa company na 'to. They were fond of me. They always praise me on my journalistic capabilities. Pero ni minsan ay hindi nila pinataas ang status ko.

Kaya naman nung nakilala ko si Tricia, I decided to use her para umangat ang status ko. Making her fall for me, making her love me, para lang may makuha akong information tungkol sa kanya at sa pamilya niya para tumaas ang status ko sa trabaho.

"So just do your senior reporter order and get information on your toy's mother," Tumayo siya at lumapit sa akin. "It'll be simple for you because you're using her daughter." tinapik tapik niya ang balikat ko bago ako nilampasan.

"Using Tricia, huh?" bulong ko sa sarili ko.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa maka abot siya sa pintuan na pinag pasukan ko kanina. Ngumiti siya ng malawak sa akin.

Beyond The Sunset's RainbowWhere stories live. Discover now