Chapter:42 "Mess with the wrong person?!"

12 0 0
                                        

Liam POV....

Dude pumayag siya!Yes!masiglang sabi ni Alan at niyugyog si Eumar,napangiwi na lang siya. Umiling ako,nandito kami sa rooftop sa classroom building namin. Ewan koba kung bakit kami nandito,nagugutom na ako.

Basta sinabi ni Alan na sumunod kami at napunta kami rito sa rooftop,may mga upuan at isang lamesa rin dito. Don't tell me spot din nila to?Dami naman yata nilang spot,hide out lang?!

Itigil mo nga kakayugyog sa'kin!reklamo ni Eumar kaya agad siyang binitawan ni Alan.

Sorry!I'm just carried away!paumanhin niya at ngumiti. Parang iba yata si Alan ngayon?Pag-ibig nga talaga ang magbabago sa isang tao?

Pero pag-ibig rin ang unang mananakit sayo kapag hindi ka napunta sa tamang tao!

Sabi nga nila "maybe I'm just your once upon a time but not your happily ever after!

Oh diba?Sakit pre!

If we dont have anything to do here, let's go!Because I'm already starving!sabi ni Johnson kaya tumango ako.

Tara na nagugutom na ako,nagutom ako kaka-away sa isang Amazona!reklamo ko rin at nagsalubobg ang kilay.

Amazona?Sino naman kina-away mo?takang tanong ni Eumar habang nakakunot ang noo.

Tss!Kilala mo naman yun!walang buhay kong sagot kaya mas lalong kumunot ang noo niya.

Si Lily?!sabi niya at nagkamot ng kilay,tumango naman ako sa kaniya.

What?Inaway mo yun?di makapaniwalang tanong niya at napa-awang ang labi. Umiling ako,grabe naman makareact big deal ba yun sa kaniya?

Hala ka!you mess with the wrong person!sabi ni Eumar at binantaan ako,nagsalubong naman ang kilay ko.

Mess with the wrong person?

Tss!umiling ako sa kaniya,kahit demonyo pa siya magalit wala akong pake.

Tapos?inocent kong tanong. Yung dalawa naman ayon nakikinig lang.

Hindi ka natatakot?takang tanong niya kaya kumunot noo ko,matatakot ako sa babaeng yun?Sino ba siya para katakutan?

Alam mo Eumar kahit matalino man ang matsing naiisahan rin!sabi ko at ngumiti ng maliit,napakamot siya sa batok.

Tara na nga!yaya ko at nauna na maglakad,takot?Me matatakot sa Amazona na pinaglihi sa sama ng loob?!

No way!

Alam niyo kasi nainis ako kanina,ngayon lang siya tumulong ngayong matatapos na ang research. Kaya ayon di ako nakapagpigil,nasumbatan ko.

Pero ang nakakatawa yung mukha niya kapag naiinis,nakakatawa pala siya mainis. Parang bulkan na sasabog na lang ng ilang segundo,haha!Amazona nga talaga!

Napa iling na lang ako habang pababa,ewan ko kung sumunod yung tatlo. Ang sakit sa paa,wala bang elevator?

Nakakapagod naman bumaba!reklamo ko at nilakihan ang hakbang para makarating agad sa baba. Ewan ko kung ilang floor tong building namin basta nakakapagod.

Ugh kailan ba tayo makakarating sa cafeteria!?inis kong tanong at tumigil at lumingon sa tatlo. Kumunot noo ko ng hindi ko sila makita.

Hala!

Aakyat sana ako para tignan kaso bumaba na lang ako,hihintayin ko na lang sila sa cafeteria. Kung aakyat pa ako baka hindi na ako makalakad.

Nakahiga naman ako ng maluwag ng makarating ako sa baba,luminga linga ako bakasakaling makita ko yung tatlo pero wala.

The Nerd Poor GuyWhere stories live. Discover now