Chapter:44 "Confronting the feeling's!

12 0 0
                                        

Liam POV....

Kasalukuyan akong nakaupo habang si Eumar at Alan ay nagkwekwentuhan. Ayos naman daw yung date nila at mukhang masayang masaya ang lolo niyo.

Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang naglalakihang building,buti hindi traffic papunta sa bahay ni Amazona. Sabi nila kakain daw kami doon,maaga pa naman 10 am pero ito ako kinakabahan.

Ewan ko pero parang nahihiya ako kapag ibang bahay ako kumakain except sa bahay nila Syrylle!

Naisip ko nga na hintayin na lang sila rito sa kotse at matulog?!Geez sigurado kakaladkarin lang nila ako at pipilitin na pumasok,pero ayoko naman pumasok nakakahiya!

Isipin niyo Dean ang Mommy niya at isang matanyag na tao ang Daddy niya,sinong tao ang hindi mahihiya?

Syempre si author!

A/N:Excuse me!kahit makapal ang mukha ko mayhiya parin ako!

Biro lang author back to the story,ilang minuto pa ang nakalipas hanggang sa pumasok kami sa isang subdivision at tumigil ang kotse sa isang malaking bahay or should I say mansion!

Nagbusina yung kotse ni Amazona at nakita kong may lumabas na dalawang maid at binuksan ang gate. Nauna kasi sila hahang kami ay nasa likod lang,napalunok na lang ako ng umandar ang kotse at pinasok sa mansion.

Tumabad ang malawak na garden at makukulay na bulaklak,may mga matatayog rin na mga puno. Napanganga na lang ako dahil sa sobrang laki at ganda ng mansion nila Amazona. Nagpark si Johnson at pinatay ang engine bago sila bumaba.

Tara Liam!huwag kana mahiya ang kapal na nga mukha mo eh!Haha!sabi ni Eumar at tumawa pa,tinignan ko siya ng masama at binatukan. Makapal daw mukha ko e' ang nipis nipis!

Bumaba na siya pero hindi parin ako gumalaw sa upuan ko,pati sila Elaine bumaba na rin. Nakita kong naglakad si Amazona papasok sa loob at kita ko rin na may mga sumalubong na mga maid at nagbow pero tumango lang siya.

Hoy Liam!bumaba kana diyan maiiwan ka mag-isa!pilit ni Eumar at nag sign na bumaba ako pero hindi ako gumalaw.

Ayaw mo talaga!Bahala ka maiwan!inis niyang sabi at tatalikod na sana kaso pinigilan ko.

Teka lang naman bababa na ako!nakangiwi kong sabi at bumaba. Umirap pa siya sa'kin at nagpamewang,sinara ko ang pinto ng kotse at tumingin sa paligid,wala na yung iba at kami na lang ni Eumar ang natitira dito sa labas.

Tara na!sabi niya ulit at hinawakan ang kamay ko pero tumigil kami ng may bumisina. Pumasok ang tatlong Mercedes Benz na kotse tsaka ito tumigil at biglang may bumaba na mga pormal na mga lalaki...butler?!

Binuksan ng isa ang kotse at bumaba ang isang lalaki na nakasuot ng black tuxedo.

Robert John Bartley!

Hey Tito Robert!tawag ni Eumar rito kaya agad siyang tumingin sa'min.

Your here again Mr. Allem!natatawang sabi nito,tumawa rin si Eumar. Humakbang siya papunta sa'min at lumapit. Mukhang hindi pa niya akong napapansin.

Kamusta po Tito?Saan kayo galing?tanong ni Eumar pero tumawa lang siya at umiling.

Ayos naman!Nanggaling ako sa meeting!sagot niya at ngumiti,tumango naman si Eumar. Nanatili lang akong tahimik dahil nahihiya ako magsalita.

Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako mali ang masasabi ko!feel ko lang naman!huwag kayo mangbash!

Saan yung iba?tanong niya at luminga pero tumigil ang mata niya sa'kin,oh crap!

The Nerd Poor GuyWhere stories live. Discover now