2100: Dynasty of Marcos

5 1 4
                                    

Taong January 2100...

Nagsimula na ang Panibagong Saligang Batas na Ginawa ng Gobyerno ang "2100".

Nagsimula na ang pamumuno ng pamilyang Marcos sa bansa.

Ayaw ng taongbayan ang bagong saligang batas na ginawa ng gobyerno.

Sa pamumuno ng Haring Ferdinand Marcos XI, pinagutos niya sa Philippine National Army na patayin ang mga nagprotesta sa pamumuno niya.

Si Sandro Marcos IV, ang namumuno sa 1st Royal Army Squadron ng PNA, inatake kasama ng kanyang mga sundalo ang isang unibersidad sa cavite kung saan nagtatago ang mga rebelde at mga protestante na ayaw sa rehimeng Marcos. Pinatay nila ang lahat na nagtatago sa University sa Cavite.

Si Aymee Marcos naman ay tinotorture ang mga rebelde na dinakip ng 1st Royal Army Squadron dahil sa kasiyahan lang niya. Umiiyak ang mga myembro ng mga rebelde dahil sa sakit mula sa pagtorture ni Aymee sa kanila . Nang namatay sila, sinusunog na lang niya ang mga bangkay na ito at pinapakita ito ng Live.

Ang asawa ni Ferdinand na si Kristina Marcos, nagpapakasarap sa buhay Reyna. Dahil sa Slave Law, pwede na gawing alipin niya ang mga preso na may torture bracelet if tatakas sila o di ginagawa ang pinapagawa ng kanilang amo, kukuryentihin niya ang  nakasuot hanggang sa namatay ang sumuot ng bracelet. Ang mga alipin ay naglilinis ng sapatos ni Kristina at iba mga alipin ay nagpapakain ng mga malalaking mga chimera ni Kristina. Yung mga mahihina na mga alipin ay kinakain ng mga Chimera ni Kristina sa Personal na Kastilyo ng Reyna.

Dahil sa pamumuno ng Marcos, tumaas ang presyo ng mga bilihin tulad ng Bigas, Pagkain, Kuryente atbp. Tumaas din ang buwis sa lahat maliban sa Royal Family at sa mga pulitiko na kumakampi sa Marcos.

February 2100...

Nagsimula na ang pagatake ng mga Rebelde sa Pamumuno ni Ginger Bread. Nagsimula sila umatake sa mga maliliit na mga police outpost, sumunod naman sa Police Headquarters sa Visayas at Mindanao dahil konti lang ang nakaassign na mga Police Enforcer sa Visayas at Mindanao.

Sa isang Buwan na pagatake, umatake din ang rebelde sa mga government building at sa mga bahay ng mga pulitiko na namumuno sa mga bayan at pinatay nila ang mga Pulitiko.

Pinagutos ni Haring Marcos na patayin nila ang mga Rebelde sa pamamagitan ng Airstrike sa mga Bayan na sinakop ng mga Rebelde pero nabigo ang PNA sa pagatake dahil sa Anti-Air Weapons na gamit ng mga Rebelde.

Sa kabundukan ng Apo, Dumating ang isang Malaking Pagong na isang Mythical creature para tulungan ang mga Rebelde para protektahan ang bayan nila.

"Bibigyan ko kayo ng pag-asa sa buhay" eto ang Sabi ng Mythical Creature at nagkaroon ng mga puno sa lugar nila at sa buong Visayas at Mindanao. Di na madedetect ng mga Fighter Jet plane ng PNA ang mga Rebelde dahil sa mga puno na nakapaligid sa lugar

Balak ng PNA na itira ang kanila mga missile sa mga puno pero binalik lang ito ng mga puno sa mga fighter jets at pinasabog nila ito.

April 2100

Gamit ang Sea Fleet ng PNA nagsimula sila gamitin ang Nuclear missile para pasabugin ang lahat sa Visayas at Mindanao pero pinigilan sila ito ng isa pang Mythical Creature na nakatira sa karagatan na isang malaking Pusit. Kinain niya ang Buong fleet at mga sundalo na nasa loob ng mga barko maliban sa mga commander at si Sandro Marcos na tumakas mula sa bangis ng malaking Pusit.

May 2100

Dumating ang Mensahero ng Bathala na nagbabantay sa Bansa at pinunatahan niya ang mga Rebelde

"may mensahe ang dakilang bathala sa inyo mga Rebelde" sabi ng Mensahero

"Ano iyon? At sino ka?" Sabi ni Ginger Bread

"Nagdala ng isang Malaking Mythical Creature ang Bathala na wawasak sa buong bansa. Nagsasawa na siya sa pamumuno ng mga mayayaman at sa paghihinagpis ng mga mahihirap. Dalawang Buwan mula ngayon, gigising ang Mythical Creature ni Bathala. Maghanda kayo sa pagatake niya." Sabi ng Mensahero at umalis na siya

"kailangan natin ng tulong mula sa Malaking Pagong" sabi ni Ginger

Samantala sa Luzon,

Nagsisimula ang paglindol at pagbaha sa buong NCR pero walang pakialam ang Rehimeng Marcos sa sakuna. Hayahay lang sila sa kanilang ginagawa. Pinabayaan lang nila ang mga tao na naghihirap sa lugar nila

Sa Cavite naman, sa isang Malaking Mansion na nasa Bundok na may Hi-Tech na may Defenses

"walang pakialam ang Hari sa paghihirap ng mga tao sa Maynila." Sabi ng isang Adventurer na si Raphael Aguilnaldo.

"Opo, Master" sabi ng isang Mutated na taong Puno

"Wala pang Isang Taon, wawasak agad si Sandro" sabi ni Raphael.

"Mawalang gana po master, ilang taon na ba po kayo" sabi ng Mutated na nagsasalitang puno

"Ewan ko hahaha." Tumawa na lang ang Adventurer

July 2100

Lumabas ang isang malaking bulkan kung saan natutulog ang Malaking Mythical Creature na isang Phoenix.

Nagsimula na sirain ng Pheonix ang mga building sa Maynila

"Hoy Ibon, bawal iyan! Iti-" sinunog ng Pheonix ang isang pulis na lasing.

Dumating ang Air force ni Sandro pero sinira ng Pheonix ang Air force ni Sandro.

Pumunta ang Pheonix sa Kastilyo ni Kristina at sinira ng Pheonix ang Kastilyo - namatay sa sunog si Kristina Marcos .

Nagalit ang Hari sa pangyayari. Ginamit na ng Hari ang kanyang mga Nuclear Missle sa Pheonix pero kinain lang niya ito tulad sa ginawa ng Malaking Pusit sa mga Barko.

"@#$& mo!!!" Sigaw ng Hari at sinunog ng Pheonix ang Hari at naging Abo.

Umiyak sa galit ang dalawang anak niya na si Aymee at Sandro pero nadamay din sila sa pagatake ng Pheonix

Sunog na ang Buong NCR at wala nang natira sa lugar.

Sa Cavite naman Dumaan ang Pheonix pero... May isang Mecha ang humarang sa pagpunta sa Pheonix

"Hmm... Sariwang Manok para sa loob ng isang taon. Ipapakatay ko to" sabi ng Pilot ng isang Mecha at ginamit niya ang Railgun ng Mecha, napatay niya ang Pheonix

"Level Up! Stats Increased! Skill Acquired: Nuclear Nullify Damage"

"Ohh Man! Level Up nanaman ako!? Damit iyan!" Sabi ni Raphael

Dumating si Raphael sa Mansion niya dala ang Mythical Creature, dinala niya ito sa isang Mutated na Taong Bato

"Paki Katay naman ito i mean i processed meat ala chicken siya" sabi ni Raphael

"Masusunod po" sabi ng Taong Bato at chinop na niya ang katawan ng Pheonix.

August 2100

Since nasira ang Senado at Congress pati na ang Palasyo, ang mga government Elders ay nagkaroon ng Meeting kung ano gagawin at sino ang susunod na namumuno sa bansa.

Ang meeting na iyon ay ginanap sa baguio.

Sa buwan na iyon, pumunta si Raphael Aguilnaldo para magenjoy sa kanyang buhay sa Baguio.

Alternate Philippines 21xxحيث تعيش القصص. اكتشف الآن