Pahimakas 01

5 0 0
                                    

"Salamat sa inyo. Ingat kayong lahat sa pag-uwi. Dumiretso na ng mga bahay-bahay at magdidilim na. Pasensya na rin kung hapon na tayo nakapagsimula at madilim na natapos. Kinailangan ko lang muna samahan ang asawa ko sa panganganak." paliwanag ni Coach.

Nagulat kami sa sinabi ni Coach at binati ito. Alam naming buntis ang asawa niya ngunit hindi namin alam na kabuwanan na pala nito ngayon. Kaya pala umagang-umaga ay may announcement ito sa gc na hapon na lamang daw kami pumunta sa school para mag-ensayo sa table tennis.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi Coach. Edi sana hindi muna tayo nagtraining ngayon." sabi ni Joshua.

"Sus! Tamad ka lang kamo magtraining" sabat naman ni Ashley.

"Oh! Dito pa kayo mag-aasaran." awat ni Coach.

Tumingin ito sa cellphone niya at tiningnan ang oras.

"Anong oras na, umuwi na kayo at ako'y didiretso pang ospital. Mag-iingat kayo. Chat na lang ako sa gc natin kung may training sa Lunes." sabi nito at uminom ng tubig.

"Pero seryoso po coach. Tamad ako oo pero kung kailangan niyo po munang magfocus sa asawa niyo, okay lang po kung wala munang training sa lunes. Intindi po namin" sabay ngiti nang namimilit na si Joshua.

"Nako, nako! Trabaho ko ito kaya bawal ang excuses. Lunes naman ay makakalabas na siguro ang mag-ina ko. Pero sige baka ayaw mo na umattend, aalisin na kita"

Nagtawanan naman kami.

"Sir naman eh" sabi ni Joshua.

"Sige na, maliligo muna ako. Dapat paglabas ko mamaya wala na kayo ha?"

Nagpasalamat at paalam naman kaming lahat bago umalis sa harap namin si Coach.

Second week ng bakasyon ay nagt-training na kami. Lima kaming magkakasama at magkakaiba kami ng school. Nakakatuwa sila lahat kasama at hindi mahirap kasunduin kaya naman lalo kong naenjoy ang ginagawa ko unlike sa mga naging training ko before.

Sa kanilang apat, kay Joshua ako hanga. Tamad at laging nalelate pero malakas maglaro. Advantage na rin siguro dahil University ang pinapasukan nito sa ibang lugar kung saan may nagabay sa kan'ya at natututukan ng ayos.

Isang linggo pa lang ata kami magkakasama ay umamin na ito sa akin na gusto niya ako. Hindi naman ako naniwala sapagkat si Joshua ay palabiro at para bang hindi seryoso lagi ang lumalabas sa bunganga. Pero pagkatapos no'n. Nakikita ko kung paano ito magcare sa'kin.

Inaayos ko na ang mga gamit ko at handa nang lumabas nang may humawak sa bag ko.

"Hatid na kita?" tanong ni Joshua.

"Hindi na. Gagabihin ka pa. Malayo ang bahay niyo sa amin" tanggi ko naman.

Nagtango na lang ito at sinabayan na lang ako sa paglalakad hanggang sa magkahiwalay kami ng dadaanan.

Tuwing tapos ng training ay palagi akong inaaya ni Joshua ihatid o kung hindi naman ay kumain. Minsan sumasama ako pero minsan tinatanggihan ko rin. Binabalanse ko ang pakikitungo ko sa kan'ya.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap magustuhan si Joshua. Hindi kasi maitatanggi na ideal ito. Dagdag na lamang ang itsura nito. Ngunit, para sa akin, kahit na marami kaming pagkakatulad sa mga gustong interes ay hindi pa rin kami compatible sa isa't-isa.

Naglalakad-lakad ako nang makita si Lia na nakaupo sa labas nila habang nagc-cellphone.

"Anong meron?"

Tanong ko kay Lia sapagkat mukhang abala ang mga tao sa loob nila at amoy na amoy din ang niluluto na nanggagaling sa loob ng bahay nila.

"Uuwi pinsan ko, pogi 'yon" mapanglokong sambit nito at tinaas-baba pa ang kilay.

"Sino do'n?"

"Hindi mo 'yon nakikita. Ngayon lang kasi 'yon makakapunta rito, madalas kami ang napunta sa lugar nila."

"Ah gano'n ba? Sige una na 'ko. Pagod pa sa training eh" paalam ko rito kaya ngumiti na lang din ito at nagkaway.

Si Lia ay kababata ko. Dahil apat na bahay lang ang pagitan ng bahay namin sa isa't-isa ay naging magkasundo kami at naging magkaibigan. Hindi na rin naman iba ang turingan ng mga magulang namin sapagkat karamihan ng nakatira sa lugar namin at magkakakilala na.

Pagpasok ko ng bahay ay sinalubong kaagad ako ni Mommy na may dalang kaldero.

"Dalhin mo ito kayla Lia. Nagkulang daw ang lutuan nila kaya nanghiram sa atin. Huwag kana rin magtagal at magpahinga kana. Simula hapon kang wala sa bahay at pagod."

Binaba ko lang muna ang dala kong bag sa sofa at nagpalit ng tsinelas bago dalhin ang kaldero kayla Lia.

'Gaya nga ng sabi ko, magkakasundo ang mga tao sa lugar namin. Kaya kapag may mga kailangan ay naghihiraman na lamang.

Agad naman akong pinapasok ni Lia nang makita ako sa labas nila. Hindi na ako nasamahan pagpasok dahil sa hinihintay nga nito ang paparating na pinsan.

Natural na rito na kapag may bisita ay aakalain mong may paganap dahil sa malaking handaan. Isa na rin kasi ito sa pagpapakita ng masayang pagtanggap sa bisita.

"Nand'yan kana pala Agwa. Nakakahiya at ikaw pa ang nag-abot ng hinihiram namin. Wala na kasing mautusan sa bahay." paumanhin ni Tita, nanay ni Lia.

"Nako, wala po iyon--"

"Ma! Nandito na si kuya Noah"

Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw si Lia mula sa labas.

Napatingin naman ako sa papasok na si Lia kasama ang isang morenong matangkad na lalaki.

Pogi nga.

"Noah, na-miss ka namin. Nagmano kana ba sa lolo't-lola mo?" salubong at yakap ni Tita sa pamangkin.

"Opo"

Mapagkakamalan siyang may lahi dahil sa matangos na ilong nito pero tuwid naman ang pagsasalita niya ng tagalog.

Napatingin naman ito sa kinakatayuan ko na nasa tabi ni Tita habang bitbit pa ang kaldero.

"Ay jusko iha pasensya na" pansin ulit sa akin ni Tita.

"Ito nga pala si Agwa. Anak ng kapitbahay namin, kaibigan din ni Lia." sunod na pagpapakilala sa akin ni Tita sa pamangkin na si Noah.

Natagalan ang titig sa akin nito kaya naman sa ilang ay nagsalita na ako.

"Hi! Nice to meet you. Sana masaya bakasyon mo rito." ngiti kong bati sa kan'ya.

Dahil hindi nakatanggap ng bati pabalik kahit ngiti ay nagpaalam na rin ako kay Tita.

'Pogi sana, suplado nga lamang' bulong ko sa sarili paglabas ng bahay nila.

Kilala ko na ang ibang pinsan ni Lia. Ang iba nga sa kanila ay nakalaro ko pa noong bata pa kami. Si Noah, ngayon ko pa lang siya nakita at nakilala, alam ko na kaagad na hindi ko ito makakasundo.

Aaminin kong na-attract ako sa una, pero dahil nga suplado, huwag na lamang. Simpleng respeto na nga lang, hindi pa nagawa. Ibang-iba sa ugali nila Lia at jba pang mga pinsan nito.

Pagkarating sa bahay ay naligo lang ako at pagkatapos ay nagpahinga. Nakakapagod na araw tapos ganoon pa ang makakaharap mo.

Hindi ko rin alam kung bakit ang lakas ng epekto sa'kin ng hindi pagpansin ni Noah.

Siguro dahil nadismaya ako?

'Di bali na.

PahimakasWhere stories live. Discover now