Pahimakas 02

2 0 0
                                    

Nanunuod ako sa salas nang tumunog ang messenger ko.

Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko at tiningnan kung kanino galing ang mensahe.

Lia Cuaresma
Free ka ba today? Tara ilog!

Agatha Wallace Villanueva
Aalis ka? 'Di ba may bisita kayo ngayon?

Pagkareply ko ay nilagay ko ulit ang cellphone sa tabi.

Hindi naman sa tinatanggihan ko siya. Pero parang ang bastos naman kung aalis siya ngayon para lang mag-ilog habang may bisita sila sa kanila.

Tumunog ulit ang phone ko na agad ko namang tiningnan.

Lia Cuaresma
Edi isasama ko hehe

Agatha Wallace Villanueva
Tanga ka

Lia Cuaresma
Gagi seryoso! Tsaka ano bang silbi ng bakasyon niya rito kung hindi naman niya uuliin ang magagandang lugar sa probinsya 'di ba?

May point.

Agatha Wallace Villanueva
Baliw nakakahiya. Kung iuuli mo kuya mo, kayo na lang.

Maliban sa nahihiya ako, eh ayaw ko rin kasama ang pinsan niya. Pakiramdam ko ay nakakunot lang ang noo ko buong hapon na m
akakasama ko iyon.

Lia Cuaresma
Dali na huhu

Ni-seen ko na lang ang chat nito at pumunta sa kwarto para magpalit ng susuotin. Alam ko naman na kahit ilang beses ko pa iyan tanggihan ay masasamahan ko pa rin siya dahil sigurado akong dadaanan ako nito.

Naisip ko na mag-plain white dress at sandals na white.

Ang ilog na sinasabi ni Lia na balak puntahan ay sa kabilang barangay pa matatagpuan. Malapit lang naman ito ngunit mahihirapan ka sa ibang daan papasok. Ito ang madalas talaga namin tambayan ni Lia simula nang maghigh-school kami. Nalaman namin ang liblib na lugar na ito sa pinsan niya na nakatira dati sa kanila na nasa ibang bansa na ngayon. Maliban sa maganda ang tanawin ay mapapagaan talaga nito ang nararamdaman mo dahil sa tahimik na dulot nito. Tanging alon, ibon, at paghampas ng hangin sa mga dahon at kahoyan lamang ang maririnig.

Saktong tapos ko mag-ayos ay narinig ko na ang sigaw ni Lia sa labas.

"Agatha!"

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin ko sa kwarto at dali-daling lumabas.

"Wow ha! Ganan pala ang ayaw sumama ngayon." salubong sakin ni Lia.

Inirapan ko lang ito at tumingin kay Noah na nakatitig sakin. Naka-puti itong t-shirt at short na black. Simple lang pero ang lakas ng dating. May dala rin itong bag na black. Siguro pagkain at panglatag laman non. Pinagdala pa ata ng pinsan niyang makulit. Si Lia naman ay nakashort at sando habang may nakasabit na polong puti sa balikat.

Bigla naman akong nahiya sa suot ko kaya napatingin ulit ako kay Lia.

"Hindi ba oa?" tanong ko rito ng seryoso.

Iimik pa lang si Lia nang pangunahan na ito ni Noah.

"Okay lang. Tara na." Seryosong sabi nito at binaling ang tingin sa gate na sinasaraduhan ko.

Nagtango ako at tinuloy na ang pagsasara ng bahay. Pagharap ko ulit sa kanila ay nakita ko ang nang-aasar na ngiti at tingin sa akin ni Lia. Nakita ito ni Noah at inirapan na lang din.

Napaka-taray.

"Tara na. Mauna na kayong dal'wa sa paglalakad at susundan ko na lang kayo" sabi ni Noah samin at hinayaan kaming mauna sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PahimakasWhere stories live. Discover now