Chapter 12

2.4K 101 2
                                    

[A/N: Ang chapter na 'to ay para sa SeoHun couple. Enjoy!]

Seohyun's POV

Wala kaming pasok ngayon at ewan ko kung bakit, baka trip lang nila.

"Yoona! Kamusta kayo ni Luhan oppa kahapon?" Tanong ko kaagad kay Yoona pagbaba niya ng hagdan, nandito kasi ako sa salas.

"Ayos lang naman Seo." Sabi ni Yoona nag fake smile. Napailing naman ako.

"Tsk. Anong nangyari?" Tanong ko ulit, umupo naman siya sa tabi ko.

"Masaya naman talaga,kaso nung huli tinanong ko siya kung mahal niya ako." Kwento niya.

"Anong sagot niya?" Pagtatanong ko.

"Yun na nga eh! Hindi siya sumagot kaya hindi ko alam kung mahal niya ako." Pagmamaktol niya, napailing nalang ako, ano kayang problema ni oppa?

"Susuko ka na niyan?" Pagtatanong ko.

"Syempre hindi no! Kahit gustuhin man niya o hindi, ma-i-inlove siya sakin!" Determinadong sabi niya.

"Yan! Yan yung ate ko!" Pag-cheer ko sa kanya.

"Salamat Seo. Sige kain muna ako." Tumango naman ako at pumunta na siya sa Dining.

*Tumatawag ako Seohyun! Sagutin mo!* Napangiti naman ako sa ringtone ko, voice record 'to ni Sehun dati.

"Yoboseyo?" Pagsagot ko ng tawag, aish nasanay na ako mag-korean.

[Good Morning Seohyun! Date tayo ngayon?] Nasamid naman ako, ano banaman 'tong si Sehun. Ang aga-aga eh.

"Ng-ngayon na ba?" Pagtatanong ko ng umayos na ako.

[Yes, actually kanina pa ako nasa labas ng mansion niyo.] Nanlaki naman ang mata ko at dali-daling lumabas ng mansion.

"Seohyun!" Napatingin naman ako kay Sehun na nakasandal sa kotse niya, may photoshoot ba siya?

"Ang aga mo naman ata." Puna ko sa kanya, bigla naman siyang umiwas ng tingin.

"A-ah S-seo? Pwede bang magpalit ka na?" Napatingin naman kaagad ako sa suot ko, naka-dress pa ako na pantulog. Omo! Manipis nga pala 'to.

"S-sorry, sumunod ka na sa loob,maliligo lang ako." Sabi ko sabay takbo pabalik sa loob ng mansion at dumiretso sa kwarto ko.

Pagharap ko sa salamin ay nakita kong pulang-pula ang mukha ko. Ano ba 'yan Seo! Kahihiyan din yun. T.T

Kesa magmukmok ay naligo nalang ako.

-after 1 hour-

Oo ganyan ako katagal maligo, huwag ng magtanong. Namimili na ako ngayon ng isusuot. Hmmm.

Kinuha ko nalang ang isang skinny jeans yung may butas butas, yung parang sumabit ka. Hahaha. Tinernohan ko naman ng black sando na may cardigan at flat shoes. Naglagay lang ako ng Bb cream at viola! Mukha na akong tao. Hahaha. Hindi na ako nag-abala pang mag make-up, bb cream lang ayos na. Tsaka naka-high pony lang ang buhok ko, hindi yung mukha akong pokpok ha

"Oh andiyan na pala si Seo!" Sabi naman ni Yoona, tumayo naman si Sehun.

"You look so beautiful." Ngumiti nalang ako sa sinabi niya kahit gustong-gusto ko ng tumili sa kilig.

"Ayiiie! Lakad na nga kayo at baka gabihin pa. Hoy Sehun ha! Ingatan mo yang kapatid ko!" Sabi ni Yoona habang pinagtutulakan kami palabas ng mansion, nagtagumpay naman siya

"Oh sha sha, chumorva na kayo. Bye Seohyun at Sehun!" Ngumiti ako at nagpaalam na kay Yoona.

Pinagbuksan naman ako ng pinto ng kotse ni Sehun kaya pumasok na ako. Ang gentleman niya talaga.

Akin ka lang! [LuYoon and SeoHun ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon