Chapter 16

1.8K 101 4
                                    

Yoona's POV

Nakakainis na talaga, hindi man lang ako binisita ni Luhan nung nasa Hospital ako tapos ngayon hindi na siya namamansin at nalayo na siya sakin! Hmp. -3-

"Oh, busangot ka nanaman." Natatawang sabi ni Soohyun, inirapan ko naman siya

"Napapansin mo ba? Wala na siyang pake tapos parang iniiwasan niya pa ako." Nanlulumong sabi ko sa kanya. Napailing naman siya.

"Malay mo busy lang diba?" Sabi niya, actually may klase ngayon at obviously hindi na kami nakikinig.

"Busy? Eh sabi sakin ni Seo wala naman daw masyadong pinapagawa sa klase nila." Pagdadahilan ko, nahagip naman ng mata ko na nakatingin saakin si Gabby kaya inirapan ko nalang.

"Yang mata mo nanaman, makairap." Natatawang sabi niya kaya pinalo ko siya sa braso.

"Yoona and Seohyun! Get out!" O-ow, nahuli pa kami nung prof kaya dali-dali kaming lumabas ng room.

"Napalabas tuloy tayo." Nagmamaktol na sabi ko, aba first time ko kayang mapalabas. T^T

"Hayaan mo na, hindi ka naman nakikinig eh. Hahaha!" Napailing nalang ako, yung fiance niya kaya hindi naiinis dito sa sobrang kulit? Juthq.

"Tara na ngalang sa canteen!" Sabi ko at lumakad na, sumunod naman siya at inakbayan ako.

"Ang init naman ng ulo mo, meron ka ba?" Tanong niya at tumawa nanaman.

"Alam mo, kamukha mo yung nasa My Love from the Star pero yun tahimik, ikaw naman yung kabaligtaran!" Sabi ko sa kanya.

"Mas gwapo parin ako doon sa Alien na 'yon no!" Depensa niya.

"Dream on, dude. Dream on." Umiiling na sabi ko, pagdating namin sa canteen ay nakita ko si Luhan na masamang nakatingin sa amin pero umalis rin.

Wait, may klase ha, nag-cutting ba siya? Aish. Nevermind.

Pagtapos naming umorder ay umupo nalang kami at nagsimula ng kumain.

"Si Prince Luhan daw nakikipag bugbugan sa field!"

"Totoo!? Tara dali!"

Agad naman akong napatayo at napatakbo papuntang field para alamin ang nangyayari. Si Luhan? Nakikipagbugbugan?

Pagdating ko sa field ay andaming tao kaya pinagtutulak ko sila, hindi uso ang salitang 'excuse me' sakin.

"Omaygad Luhan!" Sigaw ko ng makita kong bugbog na si Luhan pano banaman 1 vs. 5?! The f!

"Tama na! Tama na please!" Pag-aawat ko doon sa lima, walang kwenta kasi yung mga nanonood, akala mo nanonood ng laban ni Pacquiao at Mayweather. Tsk.

"Tama na nga sabi eh!" Sigaw ko at tinago si Luhan sa likod ko na halos hindi na makatayo.

"Tsk. Pasalamat ka at dumating si Ms. Yoona kundi patay ka na!" Sabi pa nung mukhang paa

"Che! Umalis na nga kayo!" Sigaw ko kaya umalis na sila, humarap naman ako doon sa mga nanonood.

"Oh kayo!? Umalis na kayo! Tapos na ang laban ni Pacquiao at Mayweather! Che!" Sigaw ko sa mga nanonood kaya nagsi-alisan na sila.

"Yoona!" Napatingin ako sa tumawag, si Soohyun.

"Soohyun! Paki-alalayan naman si Luhan papuntang clinic." Utos ko ka-agad sa kanya kaya sinunod na niya.

Nang makarating kami sa clinic ay walang nurse kaya ako nalang ang gumamot, si Soohyun naman ay ewan ko.

"Ano banaman kasi ang sumagi sa kokote mo at nakipag bugbugan ka ha!?" Galit na sabi ko at diininan ang bulak.

"Ouch!" Angal niya, inirapan ko naman siya.

"Pano kung hindi ako dumating!? Edi pinaglalamayan ka na sana ngayon!?" Sabi ko pa, nakakaloka 'tong usa na 'to.

"Bakit ka ba nandito? Baka magalit yung boyfriend mo." Sabi niya na may halong galit ang tono kaya nabatukan ko siya.

"At sinong maggagamot sayo, yung Gabby mo na walang ginawa kundi ang humarot?" Dire-diretsong sabi ko sa kanya.

"Huwag mo ngang siraan si Gabby!" Galit na sabi niya kaya nabato ko sa mukha niya yung bulak.

"PWEDE BA!? HUWAG MO MUNANG IPAGTANGGOL SAKIN YANG GABBY NA YAN! AYAW MO NAMAN SAKIN DIBA!? FINE. PAGTAPOS NITO, BAHALA KA NA." Sigaw ko sa kanya at pinagpatuloy nalang ang paggagamot sa kanya.

Luhan's POV

Nanahimik nalang muna ako pagkatapos akong sigawan ni Yoona, hindi ko naman talaga intensyon na ipagtanggol si Gabby, yun lang ang dating sa kanya

"S-sorry." Nasabi ko nalang, tinapos niya na ang panggagamot saakin at inayos na ang gamit niya

"Magpahinga ka na muna, sasabihin ko nalang kay Seohyun na hindi ka papasok sa afternoon class mo. Bye." Malamig na sabi niya at umalis na ng clinic, napabuntong hininga naman ako.

3 weeks, 3 weeks nalang matatapos na. Pero kaya ko ba? Aish!

-----
[A/N: Luhan won as Most popular actor, yung picture po ay kuha habang awarding. Congrats Luhan oppa!]

Akin ka lang! [LuYoon and SeoHun ff.]Where stories live. Discover now