On that one summer break

3 0 0
                                    

William Jasper's POV

How would people know if they are already in love? Does age matter to say that someone feels love, not infatuation or likes? When would it know if it is real love?

Nakaupo ako sa isang silya habang  pinagmamasdan ang mga tricycle na dumadaan. I don't hate being here but I don't like it either. My parents are busy again with their work and they thought that being here would fill the emptiness I have in my heart because of their absence. If I recall a moment where they were both there for me, that is when I got confined in the hospital pero pagkatapos noon, wala na. I know that they are doing things for me but material things are not what I want, it is their love, care and presence.

"Pumasok ka na dito at mag tanghalian na." I heard my lola's voice behind me. Tumayo na ako at tumulong sa kusina.

"Why don't you try to make friends here? Makipag laro ka para ma-enjoy mo ang bakasyon mo dito?" Lola asked in the midst of our lunch.

Tinapos ko muna ang nasa bibig bago sumagot, "I'll try po, lola."

That lunch ended with them worrying I might feel bored. Tumaas na ako sa kwarto ko para maligo. Sa dulo ang kwarto ko at kita rin sa bintana ang kalsada. Sumilip ako at nakitang may mga batang naglalaro sa baba, they are all about my age and some are maybe younger than me.

Naglalaro sila ng patintero, halos lahat ng lalaki ay nakayapak kabaligtaran ng mga babae maliban nalang sa isa. The tallest girl among them is running without slippers, nakataas din ang manggas ng t-shirt niya hanggang balikat, napansin ko rin jersey short ang suot niya. Napatingin siya sa gawin ko, kumunot saglit ang noo bago ngumisi. Tinawag niya ang isang lalaking kasama niya pagkatapos ay tinuro ng nguso niya ang kinalalagyan ko.

"Bago yun?" Nabasa kong tanong ng lalaki sa kaniya.

Nagkibit ng balikat ito, "Baka, ngayon ko lang din nakita yan."

Ngumiti at kumaway ang lalaki sakin, tumango nalang ako ng konti bago umalis, nakita ko ring tumakbo na sila para makaligtas sa mga humaharang sa kanila.

Ilang araw ko silang pinanood, sunday after the mass I was shocked when I saw them sitting on a long chair in our garage. Kumpara sa ilang araw ko silang nakikitang naglalaro sa labas, mas maayos ang itsura nila ngayon. I'm not saying that they don't look good pero the sweats and dirts because of playing outside is gone now.

"Hi!" Bati ng lalaking ngumiti sakin noong nakaraan. "Happy Birthday!"

Kung kanina ay nagulat ako dahil nandito sila, ngayon ay mas nagulat ako sa pagbati niya. It's actually not yet my birthday, sa unang araw pa ng Mayo yun.

"Hoy, hindi pa niya birthday ngayon!" Umiling ang babae pagkatapos ay naglakad papunta samin.

I know she's tall but I also know that when she stands next to me, maliit lang siya, I'm pretty much taller than her. Why am I thinking about this thing? Umiling nalang ako.

"Alam ko gusto ko lang batiin siya ngayon, basag trip ka, Lau." Tumawa ito bago humarap ulit sakin. "Anong pangalan mo? Ako si Jake!"

"Sabing Ellys! Hindi Lau." Umirap ito

"Lauretta!" Pang-asar ni Jake bago tumingin ulit sakin. Nag-aabang ng dapat sasabihin ko kanina.

"Jasper." I said and slightly smiled. Duon sila nagtanghalian samin at isa lang ang napansin ko. Ellys is so bubbly and comfortable around everyone, especially boys, as if she knew the soft spots of every person around her.

Nagulat ako noong tinapik niya ako sa likod bago sila lumabas sa bahay, "Alis na kami, salamat sa pagkain." Ngumiti ito bago tuluyang tumakbo paalis. Nakapagpasalamat na sila kila Lola at Lolo kaya hindi ko inakala na magpapasalamat din sila sakin.

It's my birthday and I honestly did not expect anymore that my parents will come to celebrate my birthday here. Kakatapatay ko lang ng tawag galing sa kanila ang sabi ay may padala silang mga gadgets at iba pang gamit para sa akin, like as usual, I will be spending my birthday without them.

Naghanda si lola at lolo at halos buong barangay ang pumunta samin upang makisalo sa pagdiriwang ng kaarawan ko. I'm happy, the effort of my grandparents to make me happy warms my heart but there's still a missing part, ayoko na lang isipin yon.

Pumunta sila Jake hapon na, may dala silang regalo na sabi bigay nilang lahat para sa akin. Napansin ko rin katulad noong linggo, nakaayos sila siguro dahil birthday itong pupuntahan nila. Naka puting dress ngayon si Ellys, she looks so cute.

Kumain na sila pagpasok sa bahay pinanood ko sila habang kumakain, kinakausap minsan kapag may gustong sabihin o itanong. Tapos na silang kumain at tumayo na ang iba para maglaro sa labas, napakunot ang noo ko noong nakita si Ellys, nakatingin sakin.

"Bakit?" I asked when she stared at me for a long time. Umiling siya bago tumayo. Nagkata ako noong nakitang pasimple siyang kumuha ng plastik pagkatapos ay naglagay ng pagkain. Dali dali siyang tumakbo pag kuha, sumunod naman agad ako. Alam kong hindi mali ang ginawa niya pero kakatapos lang niya kumain bakit kailangang kumain ulit?

"Hey!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin, napansin kong nasa bisita na kami. Pumasok siya sa isang daan sa gilid ng simbahan, parang daan papunta sa likod ng simbahan.

Napahinto ako noong nakita siyang nakangiti sa isang pamilya, gawa sa pinagtagpi tagping mga lona at kahoy ang bahay, hindi marumi ang paligid, malinis din ang mga suot nila kahit pa medyo kupas na ito.

"Hindi mo na naman kailangan magtakas ng pagkain tuwing may handaan kang pinupuntahan." Sabi ng matandang babae.

"La, wala kayong kakainin ni lolo tsaka si Haze po ba nandyan?"

Bago pa makasagot ang matanda lumabas na ang isang bata, para kasing tanda ko. Ngumiti ito kay Ellys pero umiling din pagkakita sa hawak ng kanyang lola. "Nagpaalam ka bang kukuha ka ng pagkain?"

"Hindi..." Ngumuso ito at yumuko.

"Sa susunod hindi ko na talaga tatanggapin yan kung hindi ka nagpaalam na kukuha sa inyo man o sa ibang bahay." Si Haze bago nito ginulo ang buhok niya, natutuwa pero dapat pangaralan.

Ilang saglit ko pa silang tiningnan bago nagpasyang umalis. Bumalik ako sa bahay at tulala. Nagulat nang biglang naharangan ng mukha niya ang bulaklak na tinititigan ko.

"Birthday mo pero nakasimangot ka, laro nalang tayo!" She smiled.

Her smile, her cheerful voice, her eyes, Ellys...hindi ko alam na darating ang araw halos ayoko nang umalis dito.

Enjoy reading, thank you!

Before the Summer Ends (Ongoing)Where stories live. Discover now