PROLOGUE

44 10 0
                                    


                             
                              THE PROLOGUE

Bang...!! Bang...!! Bang...!!


Sa mala palasyong mansion puro putok ng baril ang maririnig mo,puro dugo ang makikita mo sa sahig,mga Patay na katawan ng mga tao,mga sigaw ng mga taong lumilikas sa Mansion na iyon,at ang malakas na iyak ng Isang sanggol.


Bang...!! Bang...!!


"Alice alalayan mo sila para maka Ali's na sila dito...!!" Sigaw ng Isang lalaki na nag ngangalang Franco Uchiha ang kasalukuyang King/Head Mafia sa kanyang asawa na si Alice ang kasalukuyang Queen of Mafia.


Pumunta si Alice sa mga kasambahay na umaalis na sa lugar na iyon. Nang makalapit sya sa mga ito ay napatingin sya sa sanggol na umiiyak. Ang sanggol na ito pala ay ang kanyang nag-iisang anak na babae. Makikita mo sa kanyang mga mata ang away para sa kanyang anak.



Mag-wa-one year old palang ito sa susunod na buwan. Dahil isang buwan nalang ay gaganapin na ang birthday nito ngunit mukang hindi ito mangyayari dahil sa lagay nila ngayon at delikado rin ang Buhay nya dahil hinahabol sya ng mga kalaban nila.


Sya ang tagapagmana nang lahat ng meron ang kanyang magulang. Sya ang papalit sa kanyang ama pagdating nang tamang panahon.




"M-ma'am Alice...m-makakaligtas p-p-pa po b-ba t-t-tayo...?" Utal utal na Sabi ng Isang lumilikas na kasambahay. Ang iba sa kanila ay umiiyak na dahil sa takot,pero mas natatakot sila para sa kaligtasan ng sanggol.



Hindi sinagot ni Alice ang tanong sa katulong dahil nakatingin lang sya sa kanyang anak na umiiyak. Natatakot sya hindi para sa sarili nya Kundi para sa anak nya. Kaya kahit ayaw nyang gawin ang nasa isip nya ay kailangan nya itong gawin para narin sa kaligtasan ng kanyang anak.



Tumingin sya sa pinagkakatiwalaan nyang kasambahay at ito rin ang head ng mga maides sa Mansion nila. Kaya mapagkakatiwalaan nya ito dahil matagal na rin naman itong naninilbihan sa kanila.


"M-manang Rita..." Tawag nya rito.

"A-ano po iyon... M-ma'am Alice..?"


"H-hindi ko alam kung makakaligtas pa kami dito ni Franco...Marami ang mga kalaban at marami na ring nabawas sa mga tauhan natin..." Maiyak iyak na Sabi ni Alice kay Manang Rita.


"...k-kaya hihingi ako sa inyo ng pabor.."

"A-ano po iyon..?"

"Haharangan ko ang mga kalaban na papunta dito...gamitin nyo yung tunnel sa basement...papunta yun sa likod ng gubat.. pagkatapos nun umalis na kayo rito magpakalalayo kayo..."


"P-pero ma'am pano si Visha..?"


"Ang anak ko ang habol nila at ang trono..gusto nilang patayin ang anak ko at hindi ko hahayaan yun..gusto ko na isama mo sya paalis dito at magtago kayo."


"Pero-"

"Please Manang..." Ang kaninang pinipigilan nyang luha ay bigla nalang umagos na parang gripo.


"S-sige gagawin ko ang hiling mo...pero sa pagkikita nating muli ay dapat buhay pa kayong dalawa ni Sir Franco dahil may naghihintay sa inyo.." Sabi ni Manang Rita at iniharap nang kaunti ang sanggol na si Visha.


"Pangako...magiging ligtas ang lahat,sa ngayon kailangan nya munang malayo sa amin ng ama nya..,para sa kaligtasan nya.."


Tumingin si Alice sa mga kasambahay at inihanda nya na ang kanyang baril.

"Pagbilang kong tatlo tumakbo na kayo papuntang basement.." Sabi nito at nod lang ang binigay ng mga kasambahay.

"Isa..."



"Dalawa..."




"Tatlo...!!"


Sa pagsabi ng tatlo ay tumakbo na nga ang mga katulong na patakas na. Sa pagtakbo ng mga ito ay ang pagpapaputok nama ni Alice ng baril sa mga kalaban.


"Nasan na sila?" Nang makalapit si Alice sa asawa nya ay iyon agad ang bumungad sa kanya.


"Patakas na sila.."

"Ang anak natin?"

"K-kasama nila.."


"What!!" Sigaw ni Franco habang nakikipag palitan ng putok ng baril sa mga kalaban.

"W-wala na kong choice!!...at tyaka ipinagkatiwala ko naman sya kay Manang Rita...may tiwala ako sa kanya"


"Okay...tapusin na natin to."


Palitan lang sila ng palitan ng putok ng baril at sa pagkakataong iyon ay kumukonti na ang mga kalaban nila.

•••••••••••••••••••

Sa kabilang dako ay takbo lakad ang ginagawa ng mga tumatakas na mga kasambahay. Sa pagpunta nila sa tunnel ay may mga namatay din silang mga kasamahan. Sampo silang natira Nung nasa mansion pa sila ngunit ngayon ay lima na lang sila.


Sa mahabang tunnel na iyon ay puro mga hikbi lang nila ang maririnig mo. Buti nalang at nakatulog ang sanggol dahil sa kakaiyak rin nito kanina. Mukang napagod dahil sa kakaiyak.



After fifteen minutes nakarating din sila sa dulo ng tunnel. May bakal na pintuan at paglabas mo duon ay gubat ang sasalubong sayo. Ang mala palasyong mansion na kasi iyon ay nasa bandang gubat.


"Manang ano na ang gagawin natin..malayo ito sa syodad" Sabi ng Isang kasama nilang kasambahay na si Remedios.


"At p-pano ang prinsesa?" Tanong naman ni Maria.


"H-hindi ko alam basta ang kailangan muna natin ngayon ay ang makalayo dito at mailayo ang prinsesa sa gulong ito." Sabi ni Manang Rita habang abala sa pagtingin sa paligid.


"May paparating..." Sabi ni Imilia.

"Mga kalaban.." Gimbal ni Susan.


Naging alerto silang lima. Tinignan naman ni Manang Rita ang natutulog na Visha. Mukang hindi alintana ni Visha nangyayari kaya nakahinga ng maluwag si Manang Rita dahil dito.


"Kami na ang bahala na magligaw sa mga yun...kayo tumakbo na kayo para makalayo" Sabi nila Imilia at Susan.


"N-ngunit Hindi ba pwedeng sama sama tayong umalis dito.." Takot na Sabi ni Remedios.


"Remedios..hindi pwede dahil kasama natin ang prinsesa...at kahit na sama sama tayong umalis dito ay mahahabol tayo ng mga yan... kailangan ng magliligaw sa kanila para mawala ang atensyon nila sa inyo pag nagsimula na kayong tumakbo"
Mahabang paliwanag ni Susan kay Remedios at mukang wala na silang magagawa dahil Tama naman ang sinabi nya.


"Tatakbo kami sa kaliwang gawi..kayo naman ay tumakbo sa kanan.." Imilia said habang tinuturo ang kaliwa at kanang gawi ng gubat.


Nag-nod nalang sila at ni ready ang mga paa para sa mahaba habang takbuhan.
Ilang segundo lang ay nagsimula na nga silang tumakbo. Gumawa ng ingay si Susan kaya ang mga kalaban na nandun ay pumunta sa gawi nila.


Takbo... takbo...


Takbo lang ng takbo si Manang Rita hanggang sa makita nila ang kalsada did kalayuan sa kanila kaya mas binilisan pa nila ang pagtakbo.



Sa paglabas nila ng gubat ay saktong may dadaan na truck kaya wala na silang sinayang na oras at sumigaw at humingi ng tulong. Buti na Lang at huminto ang truck na iyon at pinasakay sila.


That's for the prologue....
Kita keets sa chapter 1...

The Lost Mafia Heir[Ongoing]Where stories live. Discover now