CHAPTER 15

4 0 0
                                    

  

                                CHAPTER 15


Visha pov



Nakatulog ako nung pinaakyat ako ni Mama.
Hindi pa pala ako nakapalit ng damit kaya nagpalit muna ako bago bumaba.


Nakita ko si Mama na nakatulala sa sala.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya.
Mukang malalim nga ang iniisip nya dahil hindi man lang nya na pansin na umupo ako sa tabi nya.


"Ma..."


"Ma...."


"Mama...."

Dahil hindi parin sya nawawala sa pagkakatulala nya ay nainis na ako kaya mas malakas ko pa syang tinapik.

"Mama...!"

Hayyy Buti at nawala na sya sa pagkakatulala nya.


"Ha? A-ano iyon anak?"


"Ma...kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo...ano ba ang iniisip mo?"


"Ahh wala..."

"....halika na at kumain na tayo..."

Tumayo kami at pumunta sa kusina.

"Nasan na nga pala si aunt Remedios?"

"Ahh umalis na,gabi na kasi kaya umuwi na sya"

"Ahhh"

Umupo kami at sinimulhang kumain.
Ang tahimik naman...tinignan ko si Mama at pagkatingin ko sa kanya ay nakatingin pala sya sa akin.


Ngumiti ako at ngumiti rin sya sa akin pabalik. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdam to pero ang awkward ng senaryo na to.

Kumain nalang ako at hindi na tinignan si Mama. Alam kung may gusto syang sabihin sa akin pero Hindi nya masabi.

"Ahh nga pala Mama...bakit hindi mo na kwe kwento sa akin si aunt Remedios?"


"Ahh matagal na kasi yun,ngayon ko nalang ulit sya nakita."


"Pano po kayo ng kakilala"


"Katrabaho ko sya sa dati kong trabaho"


"Ang weird"

"Anong weird?"

"Kasi po Mama ang weird nung pagkakatingin nya sa akin kanina..."

"P-pano mo na sabi iyan"


"Kasi po iba po yung pagtingin nya sa akin ehh parang kilala nya ako tapos nung nakita nya ako ehh pabalik balik yung mga mata nya sa akin at sa inyo"


"H-hahahahaa wag mo nalang pansinin iyon...hindi nya kasi alam na nagkaanak ako at siguradong  naguluhan din sya dahil nga hindi tayo magkamukha"


Tango nalang ang isinagot ko at tinapos na ang pag-kain.




Natapos akong kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto para kunin ang tuwalya ko at bumaba muli at pumunta sa cr.



Ilang minutes lang ay natapos akong mag wash ng aking katawan,umakyat ako at nagbihins ng pajamas.


Umupo ako sa aking study table at inilabas ang aking mga libro. Magsisimula na sana ako pero ang bwisit na si Mica ay biglang tumawag.


"Ano iyon..." May inis na Sabi ko. Eh pano ba naman ehh mag aaral na ako ehh panira talaga ito.


"Punta ka dito sa bahay..."
May pagkapaos na Sabi nya.



"At bakit naman ako pupunta dyan ehh gabibna Gaga"



"Basta punta ka dito sa bahay...Dalian mo di ko na to kaya"


"Ohh sige sige hintayin mo lang ako...ano bang nangyayari dyan ha"


Hindi nya na ako sinagot dahil binaba nya na. Hayy putanginang Mica yun ohh. Hindi na ako nagbalit ng damit nakapajama na akong pupunta dun. Ano ba ang problema nun. Wala ba dun si Aling Mikang.


Bumaba ako at na abutan ako si Mama na nanunuod ng tv. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.


"Ohh San ka pupunta..."


"Ahh kila Mica lang ma..pinapapunta nya ako ehh"


"Ahh sige,wala rin kasi dun si Mikang ehh"


"Na saan po si Aling Mikang?"


"Nasa kanilang baryo may kumuha sa kanya para gumawa dun ng mga tinapay ehh wala namang magbabantay kung dalawa kaming pupunta dun kaya sya nalang ang pinapunta ko"


"Ahhh sige po baka nagpapasama matulog si Mica"


"Sige,mag ingay ka sa paglalakad ahh"


"Opo...matulog na rin po kayo,gabi na"


"Sige"


Lumabas na ako nang aming bahay at nagsimulang maglakad.


The Lost Mafia Heir[Ongoing]Where stories live. Discover now