Cold Case Chapter 1

53 5 1
                                    


Warning: (This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this
story to an actual living or non-living is definitely coincidental.
Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do
not continue reading if you are below 18 years of age.)

Nagising ako sa ingay ng alarm, bumangon ako at dumapa sa sahig para magpush up, ginagawa ko ito sa tuwing nagigising ako sa umaga. Pagkatapos, lumabas ako ng kwarto para kumain ng agahan, "good morning" bati sa akin ni Igme na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv "aga mo dyan ah?" tanong ko sa kanya na ngumiti ito sa akin. "walang magawa eh" sagot niya "bakit di ka lumabas?" tanong ko sa kanya "eh ayaw ko" sagot niya "bakit?" "masama pa kasi ang loob ko" sagot nito na tumingin uli sa tv. Nagkibit-balikat nalang ako at tumungo sa kusina at naghanda ng agahan "kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya "ok lang ako" sagot nito na kita kong nakatutok lang sa tv.

Umupo ako sa tabi niya habang kumakain ng cereal "ano ba ang pinapanood mo?" tanong ko sa kanya "Tom and Gerry, nakakatawa talaga ang palabas na ito" natatawang sabi niya habang nakatingin lang ito sa tv. "Nanonood ka parin niyan?" tanong ko sa kanya "eh ano naman ngayon?" sabi niya na tinuro ang orasan sa ibabaw ng tv kaya napatayo agad ako at tumakbo sa kusina para ilagay sa lababo ang bowl na gamit ko at tumakbo papunta sa kwarto para maligo. Habang nasa shower narinig kong bumukas ang pinto ng banyo "Igme ikaw ba yan?" tanong ko na di ito sumagot at narinig ko nalang yung ingay ng lid ng toilet bowl na tinaas ito "Igme kung iihi ka wag mong iflush yung toilet" paalala ko sa kanya.

Nung di ito sumagot sumilip ako sa likod ng shower curtain at kita kong wala palang tao "huh? Igme! IGME!" tawag ko sa kanya na di ito sumagot kaya tinuloy ko nalang ang pagligo ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng kwarto at naghahanda para pumasok sa trabaho "dude, pumasok ka ba sa banyo kanina?" tanong ko sa kanya na tutok na tutok parin ito sa tv "hindi" sagot niya "hmm? I swear narinig ko ang lid ng toilet bowl kanina" sabi ko sa kanya "ah yun? heh, si Nelia yun umihi" sabi nito sa akin "sino? Igme" sabi ko na lumingon ito sa akin "hehehe maayos kasi niya akong tinanong kaya tinuro ko sa kanya ang banyo" nakangiting sabi nito sa akin "sheesh di ba nag-usap na tayo tungkol dyan" sabi ko sa kanya "eh mabait naman siya eh" sabi nito na napailing nalang ako "aalis na tayo" sabi ko sa kanya "awww" nalang ang narining ko sa kanya.

Bumaba na kami at nakita kong nakaparada na sa harap ng building ang sasakyan ni Julius partner ko sa trabaho "partner!" tawag nito sa akin "hey, ano ang balita?" tanong ko sa kanya nung sumakay na ako sa frontseat at si Igme naman ay umupo sa likuran. "Me bago men" sabi ni Julius na inabot sa akin ang paper bag na nung tiningnan ko ito "wow, luto ni mare?" tanong ko "alam mo na" sabi nito at umalis na kami. Lumingon ako sa likod na napansin ako ni Julius "langya naman pare di parin ba nakakamove on yan?" tanong niya sa akin na nginitian ko lang si Igme dahil kita kong nakasimangot ito "wala namang problema sa akin, at least me kasama ako sa bahay" sagot ko kay Julius na kita kong panay tingin nito sa backseat "hayaan mo na kasi" sabi ko sa kanya na natawa lang ito. "kahit limang taon na tayong magkasama di parin ako komportable pare" sabi nito sa akin na natawa lang ako.

Pagdating namin sa trabaho nilagay ko yung bag ko sa desk ko at inon ang computer "haayyy" nasabi ko nalang nung makita kong nagpatong-patong ang paper works ko na natawa si Igme sa akin. "Marasigan, Ignacio in my office" tawag sa amin ni Sir Raymund "tara" yaya sa akin ni Julius na sininyasan ko si Igme na dyan lang siya na umupo ito sa upoan ko at nakatingin sa monitor. "Good morning Sir" bati namin ni Julius "good morning, have a seat guys" sabi nito at naupo kami sa upoan "I have some good news and bad news for you two" sabi nito sa amin "I'm going to separate you guys for a while" dagdag nito na nagkatinginan kami ni Julius. "bakit po Sir?" tanong ko sa kanya "Ignacio" tawag niya kay Julius "yes Sir?" "i'm going to assign you with Ramirez, I need you guys to follow up on these case" sabi ni Sir Raymund na inabot kay Julius ang folder.

Cold Case (Complete Chapter)Where stories live. Discover now