01

66 0 0
                                    

01

For Layla, every morning felt the same: her, waking up in Declan's arms and she'll kiss him until he wakes up. After waking up, they will cuddle for a bit and got up for breakfast before going to work.

But this morning felt different. Nagising siya sa ibang kuwarto at hindi sa kuwarto ng kasintahan. Fear consumed Layla's body while roaming her eyes around the room.

"What happened?" She whispered under her breath. Pilit niyang inalala at hinalukay sa utak kung anong nangyari at napunta siya sa hindi pamilyar na kuwarto.

Terror overtook her face upon realizing something. Habang pauwi sa bahay nila ni Declan ay may nagtakip sa ilong niya ng panyo at. . .

"Anong nangyari matapos niyon?" Wala sa sariling tiningnan niya ang ilalim ng kumot para siguraduhing ligtas ang katawan niya. Malakas naman siyang napabuntong hininga nang mapansing walang pinagbago, nakasuot pa rin siya ng damit. Hindi rin nakatali ang kamay niya kaya mas lalong kumunot ang noo ni Layla.

"Am I kidnapped?"

"No, you're not."

Bahagyang natigilan si Layla sa pag-iisip bago nag-angat ng tingin para tingnan kung sino ang nagsalita. Her eyes widened upon seeing who it was.

"Ezekiel. . ." she trailed off.

"Hindi kita kinidnap kung iyon ang naiisip mo. I saved you from being miserable, you know?" Malamig na turan ng binata at umupo sa kama.

Layla was alarmed. Mabilis siyang bumangon at umalis sa kama para lumayo sa binata. She can't be with him.

Akmang aalis na siya nang magsalita ang binatang kinatatakutan niya. "Alam mo bang nakahanda na ang marriage proposal sa iyo ni Declan?"

Bahagyang natigilan si Layla dahil sa narinig at muling tumingin kay Ezekiel. "W-What?" She stammered.

"See? Sabi ko naman sa 'yo, iniligtas kita sa pagiging miserable. Kung hinayaan kitang umuwi, baka fiancé mo na ngayon ang lalaking iyon."

She bit her lower lip before looking away. "Kailangan ko ng umalis. Declan is waiting for me," saad niya at akmang hahakbang na muli palayo nang magsalita si Ezekiel.

"Hindi ka man lamang ba magtha-thank you? I just saved you from him—"

"Bakit naman ako magpapasalamat? You ruined his proposal. Baka hanggang ngayon, naghihintay pa rin iyon. It was all your fault. . . Baka magalit sa akin si Decla—"

"Fuck it, Layla!" Natigilan siya dahil sa biglaang pagsigaw ni Ezekiel. Her lips quiver in fear as he stepped closer.

"Binalaan na kita noon, hindi ba? Stay away from that Fontanilla. Dapat hiniwalayan mo na bago pa magkanda-letse-letse ang lahat," he added.

"Wala kang karapatan para diktahan ako sa kung ano mang desisyon ko sa buhay." Pilit siyang nagpakatatag at matapang na tiningnan ang binata.

She looks strong but she's breaking down in fear inside. Mas lalong dumagdag ang kabang nararamdaman niya nang mahigpit siyang hinawakan sa braso ni Ezekiel. Layla winced in pain.

"Do you really want to be like her? Like Lyka, huh? Gusto mong matulad sa pinsan mo?" Galit na tanong ni Ezekiel at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniyang braso.

"Lyka is dead, Ezekiel," mahinahon niyang sagot.

Nagtagis ang bagang ng lalaki bago siya itinulak palayo. "And my Lyka won't be dead if it wasn't because of that Fontanilla! Hindi ka ba galit sa kaniya, ha? He killed your cousin!"

Masamang tiningnan ni Layla si Ezekiel dahil sa sinabi nito. "Declan didn't kill Lyka. Lyka was dead because Declan saved me—"

"Exactly! Kung hindi ka niya iniligtas, hindi ikaw ang kaharap ko ngayon. He killed Lyka, Layla. Dahil sa kaniya kaya namatay ang fiancé ko!" He cut her off.

Hiding the Fontanilla's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon