03

19 1 0
                                    

03

Declan's irritating personality immediately came back when his ex girlfriend suddenly showed up when everything was going as smoothly as he planned.

Wala naman kasi siyang ibang plano sa buhay kung hindi makuha ang kumpanya ng ama matapos niyang ikasal para ipamukha sa ex girlfriend niya na nagkamali ito sa desisyong iwanan siya.

But she showed up! Bigla na lamang itong nagpakita kung kailan ikakasal na siya. "Why now?" he whispered in the air as he strolled towards Layla's office.

May dapat siyang ka-meeting na investor ngayon pero narito siya sa opisina ng dating kasintahan para tingnan ang idiniseniyo nitong wedding gown para sa kaniyang fiancé. What a life.

"Si Miss Acosta?" Declan asked Layla's secretary.

"Nasa loob po ng opisina niya, Sir. Kadarating niya lang po kani-kanina lamang," sagot nito. He gave her a half shrug as he walks towards the office.

Kumatok siya ng tatlong beses pero walang sumagot kaya't napagdesisyunan na niyang pumasok sa loob. He let out a harsh breath upon entering the office.

"Alam mo bang kanina pa ako katok nang katok? Isn't it unprofessional—" Bahagya siyang natigilan nang makitang hindi sasagot sa kaniya ang dalaga dahil tulog ito.

May hawak na lapis ang dalaga at nakapikit ang mata habang nakahilig sa lamesa. Napailing na lamang si Declan at umupo sa couch sa tabi ni Layla para mas mapagmasdan pa ang tulog na dalaga.

Gusto niya itong gisingin dahil may meeting pa siyang dapat na puntahan pero hindi niya ginawa. Layla was fast asleep and in deep slumber. Mukhang napuyat ito kagabi sa pagdidisenyo ng gown.

He stared intently at Layla's face. Hindi na ito katulad nang dati. Gone was the playful yet timid Layla that he knew. Her eyes. . . it became cold and dull.

"What happened to you over the past four years?" Wala sa sariling tanong niya habang nakatingin sa natutulog na dalaga.

NAGISING si Layla nang maramdaman na may nakatingin at nagmamasid sa kaniya. She slowly opened her eyes and almost shouted upon seeing a pair of butterscotch eyes intently staring at her.

Mabilis siyang umayos ng upo at inayos ang kaniyang buhok na paniguradong nagulo na dahil sa pagtulog niya.

"Hi." Her voice croaked then she cleared her throat. "P-Pasensya na, nakatulog ako."

"Alam mo ba kung gaano na akong katagal na naghihintay para magising ka?" Seryosong tanong nito sa kaniya.

Layla gulped. "I'm sorry, I was just tired. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Kukunin mo na ba ang design? I already finished them all. Pakisabi na lamang kay Faith na sabihin sa akin kung may nagustuhan siya—"

"Are you all right?"

She was taken aback when Declan cut her words off. Ilang beses siyang napakurap at takang tumingin sa binata. "H-Huh?"

"I'm asking if you're all right. You said that you were sick, right?"

"Uh. . . Y-Yes. Hindi naman malala ang sakit ko. So, about sa gown, kailan ako magsisimulang magtahi—"

"How are you?" pagputol na naman ng binata sa dapat na sasabihin niya.

Layla panicked when Declan rose up from his seat and walked towards her direction. Dahil nakaupo siya sa kaniyang upuan ay hindi siya makaatras dito nang makalapit na sa kaniya ang binata.

"W-Why are you asking?" she stammered.

Declan let out a playful smirk. The next thing she knew, Declan's face is already an inch closer to her face. Her eyes widened because of what he did.

Hiding the Fontanilla's HeirWhere stories live. Discover now