02

16 0 0
                                    

Trash(0)

02

02

Kunot-noong nakatingin si Layla sa blankong papel sa harap niya. Halos pumuti na ang mata niya kakaisip kung anong iguguhit pero wala pa rin siyang nagagawa kahit isang linya. She's let out a harsh breath as she massaged her temples.

Layla knew that this wasn't normal. Hindi nabablanko ang utak niya pagdating sa pagdedesensyo ng gown. She's an expert-- courtesy of her previous client's reviews. Walang gana niyang tiningnan ang suot na wrist watch at muling bumuntong hininga matapos makita ang oras. Tatlong oras na lamang ay darating na ang kliyente niya at kailangang may maipakita siyang sketch batay sa nirequest nito noong isang araw.

"Why am I so unlucky?" Mahinang bulong niya sa sarili bago muling dinampot ang bagong tasang lapis sa lamesa para makapagsimula na sa pagguhit.

Hindi pa man nagtatagal ang pagkakahawak niya sa lapis ay agad ng pumasok ang sekretarya niya sa kaniyang opisina.

Layla cleared her throat. "Yes?"

"Miss Layla, hindi po ba kayo kakain? Lunch na po," tanong nito sa kaniya.

She felt her stomach grumbled but she slowly shook her head. "May kailangan pa akong tapusin na sketch para kay Miss Guller. Kakain na lamang ako pagkatapos niyang pumunta rito."

"Pero Ma'am, baka mamayang alas kuwatro pa kayo matapos. . ."

A reassuring smile crept out on Layla's lips. "Don't worry, kaya ko pa naman. We need to seal the deal to her, remember?"

Sa huli ay walang nagawa ang kaniyang sekretarya kung hindi sumunod. Layla can't help but to sigh out of frustration. Bakit kasi kung kailan kailangan niya ng creative juices sa utak, saka pa ito nawala?

Wala sa sarili siyang napailing bago nagsimulang gumuhit. Tatlong oras na lamang ay darating na ang kliyente niya kaya't hindi siya puwedeng makampante.

HINDI na namalayan ni Layla ang oras dahil sa sobrang kabusy-han sa pagguhit. Nakabalik lamang siya sa reyalidad nang kumatok ang kaniyang sekretarya sa pinto. She hurriedly fix herself to look more presentable before ordering them to come inside.

She groaned upon rosing up from her seat. Ilang oras din kasi siyang nakaupo at hindi gumagalaw. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin nang bumukas ang pinto.

"Nandito na po si Miss Faith, Ma'am," pahayag ng sekretarya niya. Sakto namang pumasok ang babaeng kliyente niya.

Layla can't help but to bit her lower lip because of awe. Faith Guller is a walking goddess. No wonder her face is all over the country.

"Miss Acosta?" tanong nito sa kaniya.

She slowly nod her head and smiled to her client. "Have a seat, Miss Guller," nakangiting saad niya sa dalaga.

"Ah, I'm here with my fiancé, Miss Acosta. Ayos lang naman sa 'yo, hindi ba?"

"No worries, Ma'am," pormal na sagot niya at iginaya na ang kliyente na umupo.

Akmang uupo na rin siya sa kaniyang swivel chair nang bumukas ang pintuan at iniluwa ang pamilyar na mukha. Napakapamilyar.

The man froze on his spot when their gaze met. Layla bit her lower lip before looking away and clearing her throat.

"Is he your fiancé, Miss Faith?" pormal na tanong niya sa dalaga.

Faith smiled. "Yes. Pasensya na kung medyo late ang dating niya, may sinagot pa kasing tawag."

Hiding the Fontanilla's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon