Chapter 21

724 17 3
                                    


Scarlett Robles


"The number you have dialed is either unattended or........."


Inis kong pinatay ang cellphone ko at pasaldak na naupo sa sofa, nakaayos na ako at ready nang pumunta sa party ni mr Ferrer pero wala pa rin yung kasama kong pupunta ro'n.


"He's not answering?" Bumaling ako kay Eros na kalalabas lang ng kusina habang may hawak na malaking bowl na may lamang popcorn.


He settled on the single sofa while staring at me, buti pa sila ni Olivia maayos ang relasyon. Kami ni Aether magulo pa sa magulo ang kung anong meron saamin, problema wala pa ngang masasabing kami eh ganito na ang nangyayari.


Ang gulo niya!! Inis na sambit sa isip.


"Yes, ilang beses ko na siyang tinawagan pero puro the number you have dialed tangïna!" Salubong ang kilay na sabi ko.


"Oh, hindi ka pa lalakad Scarlett? Akala ko ba 6 pm ang birthday na pupuntahan mo." Ani Olivia na galing din sa kusina, may dala itong pitcher ng orange juice at mga baso. Pinanuod ko itong ilapag sa center table ang mga hawak bago naupo sa tabi ko.


"Wala pa yung kasama ko pero sa tingin ko do'n na lang kami magkikita sa venue." Saad ko at gusto ko na lang umalis kaagad dahil nakikita ko ang pag-aasikaso ni Olivia kay Eros, and the way Eros stared at Olivia is full of love and contentment.


Umiwas ako ng tingin sakanila bago bumuga ng hininga at tumayo, inayos ko ang suot na halter backless mini dress na maroon.


"Iwan ko na kayo lovebirds, enjoy your night date." Kinindatan ko pa si Olivia na namula ang pisngi, humagikhik ako bago dumiretso sa labas.

Napabuntong hininga na lang ako pagkaupo sa harapan ng manibela.


"I need to talk to Aether at ayusin kung ano mang kailangan ayusin sa pagitan namin." Saad ko bago inistart ang makina ng sasakyan.


Inabot din ako ng kalahating oras bago narating ang venue ng party ni mr Ferrer. Pagkatapos siguradong maayos ang itsura ay bumaba na ako ng kotse at nilibot ang tingin sa mga kotseng nakapark at hinahanap ang isang particular na kotse ro'n.


Napangiti ako ng makita ang kotse ni Aether ilang kotse ang layo saakin.
"Hindi man lang ako sinundo" bulong ko bago naglakad palapit sa entrance.


I just said my name and they let me in, nakasulat pala ang pangalan ko sa guestlist nila akala ko kailangan ko pang magpresent ng kung ano sakanila katulad ng invitation card.


Pagpasok ko ay isang malumanay na tugtugin ang madidinig sa buong venue. Late na ako ng ilang minute kaya kailangan ko pang hanapin ang mesa nina sir Tommy. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid hanggang sa nakita ko si Sabrina na kumakaway saakin.


Naglakad ako palapit sa mesa nila,
"Ate bakit late ka?" Anito pagkaupo ko sa tabi niya.


"I'm waiting for Aether pero nauna na ata rito." Saad ko at nilibot ang tingin sa paligid.
"Saan nga pala ang iba?" Tanong ko nang wala ang ibang kasama namin.


"Andyan lang sa tabi-tabi ate, bakit hindi ka niya sinabay papunta rito?" Bumaling ako sakanya dahil sa tinanong niya.
Tanong ko rin iyan sa sarili ko Sabrina, sambit sa isip.


"Hindi ko siya macontact kanina." Tipid kong saad.


Kumunot ang noo ni Sabrina bago kami napalingon nang marinig ang boses ni mr Ferrer sa likod namin. Kasama nito sina sir Tommy at ang iba, hinanap ng mga mata ko si Aether pero wala ito kaya tinanong ko ang malapit saakin na si Miguel.


Thirty-five: Scarlett Robles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon