Chapter 23

777 12 17
                                    


Scarlett Robles


Nakapikit akong umupo mula sa pagkakahiga nang maramdaman kong hinahalukay ang tyan ko at masakit din iyon. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at mabilis na bumaba sa kamang kinaroroonan, marahas kong binuksan ang unang pintong nakita ko at lihim na lang nagpasalamat na banyo ang nabungaran.


Lumuhod ako sa harapan ng inodoro at doon nilabas ang lahat ng pwedeng isuka, ano bang pinag-iinom-inom ko kagabi at ganito kahapdi ang sikmura ko sambit sa isip.


Napayukyok ako sa inodoro nang matapos magsuka, ni hindi ko pinagtuonan ang paligid ko dahil sa hangover na nararamdaman.


"Scarlett"


Nanghihinang inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayukyok ko sa inodoro at nilingon ang pinanggalingan ng boses. I furrowed my eyebrows when my sight is blurry and shaky. Tanginang hangover ito! Asik sa isip.


I just closed my eyes and return to my position awhile ago, not minding the person who called my name.


"Come on, let me bring you back to the bed Scarlett." The person said in a most gentle way.


"Aaghhh" ungot ko nang hawakan ako nito sa ilalim ng kilikili para maitayo.
Binuhat ako nito na pang-kasal at naglakad palabas ng banyo, pinikit ko lang ang mga mata ko at hinayaan itong ilapag ako sa kama.


Agad akong tumalikod at hindi na pinansin ang kasama, ayoko munang mag-isip ng kung ano ngayon at lalong sumasakit ang ulo ko.


"Magluluto ako ng sabaw para mainitan ang tyan mo, I also prepared you a medicine here, inumin mo na lang pag gising mo ulit." Anito, hindi ako kumibo at hinayaan ang sariling tangayin ng antok.








"Hhmm" ungol ko sabay nag-unat, dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bumungad ang hindi pamilyar na ceiling saakin kaya napabalikwas ako paupo mula sa pagkakahiga.
"Where am I?" Paos kong sambit at nilibot ang tingin sa paligid at hindi talaga pamilyar saakin ang kwartong kinaroroonan. And it looks like a man's room.


I gasped when an idea came to my mind,
"Nakipagsëx ba ako kagabi? Ben!!!" Pasinghap kong sabi nang maalalang si Ben ang huling kasama kong nagpunta sa bar kagabi. May nangyari ba saamin? Pinakiramdaman ko ang katawan at sinilip na rin mula sa suot na oversized shirt ang katawan pero wala ni isang hickey akong nakita, hindi rin masakit ang balakang ko at wala akong maramdaman kakaiba sa pagkababae ko.


Bumaling ako sa nightstand para sana hanapin ang phone ko pero iba ang nakita ko ro'n, isang gamot para sa hangover at baso ng tubig. Dali-dali kong ininom iyon at umalis sa kama, hinanap ang damit na suot kagabi at nakita itong maayos na nakatupi at nakalapag sa ibabang bahagi ng kama.


I did my business in the bathroom first but something caught my attention, more like my nose caught a scent that's familiar to me. Hindi ako pwedeng magkamali dahil sakanya ko lang naman naaamoy ang ganitong amoy, but why am I here? Hindi ba sinabihan na niya akong tigilan na siya?


Pinilig ko ang ulo ko at mabilis na lumabas ng banyo para lang mapasinghap sa taong nakaupo sa kama.


Ramdam kong kumirot ang dibdib ko nang rumagasa ang mga nangyari kagabi sa pagitan namin. Umiwas ako ng tingin nang umangat ang ulo nito sa gawi ko, mabilis akong lumapit sa kama at dali-daling sinuot ang dress not minding the person sitting on the bed. Wala na akong pakealam kung pinapanuod ako nitong magbihis, gustong gusto ko nang makaalis dito.


Hindi pa rin ito nagsasalita na pabor saakin dahil madali akong makakaalis dito. I look for my stuffs and when I'm about to go I felt a hand stop me from going.


Thirty-five: Scarlett Robles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon