Kabanata Tres: Manong Guard

19 0 0
                                    


Malapit na ang tanghalian. Binilisan ko na kumpas ng aking mga paa. Tagaktak na rin ang pawis ko sa pagmamadali at kaba. Ilang metro lang naman ang bago kong eskwelahan sa tinitirahan ko ngunit huling-huli na talaga ako. Umupa kami ni Kuya ng kwarto sa may bahay na malapit sa paaralan upang hindi na dumagdagdag pa sa gastusin ang pang-araw araw na pamasahe.

Eto na ang bagong umpisa, dito ko na uumpisahan ang bagong kabanata ng buhay ko, matapos ang malungkot na pagkawala ni Kuya

Noong mawala si Kuya bago ako grumaduate ng Junior High School, wala na akong ibang ginawa kundi ang mag-luksa. Siya na lang ang natitira kong pamilya. Hindi ko na nadatnan ang mga magulang namin. Nabuhay ako sa mga kwento tungkol sa kanila at sa pag-aaruga ni Kuya.

Balak naming magtayo ng negosyong dalawa. Bentahan ng mga instrumento. Yun kasi ang hilig namin. Nang kunin siya ng eskwelahang ito, nabago lahat ang mga pangarap namin ni Kuya. Hindi na iyon matutupad kasi wala na siya.

Pagkatapos kong mabalitaan na wala na ang kaisa-isa kong Kuya, pinilit ako ng secretary ng principal na tanggapin ang alok ng paaralan. Sabi nila ang scholarship ang makakatulong sa akin upang makapag-aral kahit wala na si Kuya. Noong una ayaw ko, dahil mahirap isipin na mag-aaral ako sa paaralan kung saan nawala ang kuya ko.

Pero napag-isip isip ko rin na mas gugustuhin ni kuya na ipagpatuloy ko ang buhay ko kaysa sa mapariwara ako sa kaka-isip sa kanya. Alam kong masakit sa kalooban ko ngunit ito na lang din ang paraan upang mapawi ang uhaw ko na malaman ang totoong nangyari sa kanya. Hindi basta ganun-ganun na lang ang sasabihin nila, na isang gabi ay wala na ang Kuya. Iniisip ko na dahil narin siguro sa guilty ang paaralan ay inalok nila ako ng scholarship. Kailangan ay may malaman ako at may mga mananagot sa nangyari.

Announcement: Lahat ng mga bagong estudyante ay pumunta na sa kani-kanilang mga rooms.

Putakteng Dilaw! Hindi ko pa alam kung saang kwarto ako. Andito pa lang ako sa labas ng gate! Halos mapatalon ako sa gulat ngunit binilisan ko nalang ang lakad ko.

Mayroong tumulo sa aking balat at mainit ito. Naramdaman ko sa leeg ko na may tumilamsik. Kinapa ko at sa aking pag-kapa ay hindi ko naiwasang ma-ipahid sa aking balikat. Mayroong malapot na likido, pagtingin ko sa mga daliri ko ay puno ng dugo.

Ano ito? Tumayo lahat ng balahibo ko. Iwinasiwas ko kaagad ang dugo at inpinahid-pahid sa may bakod. Hindi naman sa nandiri ako, ngunit nakabahala ang makakita ng dugo.

Tumingala ako at wala namang kakaiba sa itaas ng gate kundi mga uwak. Mga ibong itim na tila pinaguusapan ako. Nagsalubong ang mga kilay ko sa aking nasilayan. Para silang tumatawa at bumubulong-bulong. Tumingin ako sa paligid ngunit walang tao at walang sasakyan na dumadaan. Saan ko man ibaling ang tingin ko... blanko. Nasaan ang mga taong kanina ay nandito lang?

"Anong nangyayari?" sabi ko habang humakbang paikot upang makita ko ang paligid. Pinagpapawisan na ako ng malamig. "Bakit ganito? Saan galing ang dugo?"

"Hoy unggoy, umalis ka sa daanan!" mayabang at medyo pasigaw na sabi ng isang estudyante na nakauniporme. "Mala-late na ako nakaharang ka pa sa daan!"

Nilampasan niya ako at sinagi ang aking braso.

Nagising ako bigla at lumitaw ang lahat ng sasakyan, ang mga estudyante at ang mga uwak na nagsiliparan. Bumalik ang aking ulirat, kasama ng pagbalik ng mga tao at bagay sa paligid.

Mayabang ngunit mukhang magka-edad lang kami. Tila maganda ang lahi nila, matangos ang ilong at nakakabighani ang pagkagwapo niya at nakakasilaw na balat. Malamang Rich Kid.

"Hoy, anong tinititigan mo diyan?" nagkulubot siya ng ilong at napataas ang kilay, hudyat ng kaniyang pandidiri. Tumigil sa paglakad at intinuro ang balikat ko. "Punasan mo nga iyang ipot sa balikat mo... ang baho! Nakakadiri!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Balete High NovelWhere stories live. Discover now