Chapter 22

1.9K 40 0
                                    

Hanggang kailan Ako iiwas? Hanggang kailan Ako tatangi na Hindi ko na s'ya mahal, Hanggang kailan Ako ganito at patuloy ko siya tinataboy papalayo sa Buhay ko pero ito Siya Mapilit na lumapit sa akin.

Niyakap ko agad si Divina Ng Mahigpit at kasabay Ng paghagulgol Ako Ng iyak sa harapan niya at wala Ako pakialam kung ganito Ang ayos ko.

"Bes, Teka lang nga, bakit umiiyak?" Hinawakan Niya Ang balikat ko."Umupo ka Muna at ano ba Kasi Ang Nangyare huh? Hindi ko Maintindihan at pwede ipaliwanag sa'kin at bakit nagkakaganiyan ka?"

"Nag break na kami Divina."

"Teka Muna sino ba Kasi iyan. Don't tell me iyon lalaki kasama mo Nakaraan? Tama ba Ako?" Tumango Ako."Sabi ko na nga ba, Bakit pala kayo nag break at ano Ang pinag-awayan niyo dalawa?" Na intriga tanong nito.

"May Babae humalik sa kaniya sa America"

"Kaya Pala nagkakaganiyan ka? Nag usap na ba kayo dalawa? Nagpaliwanag ba siya sa Nangyare?"

"Ang sabi Niya sakin pinsan Niya iyon. Hindi siya Kadugo ni Kaiser dahil adopted Ang babae iyon. Anak siya Ng Tito Simon." Paliwanag ko sa kaniya.

"Oh iyon naman Pala Nagpaliwanag naman sayo Ang tao at bakit ayaw mo paniwalaan? Alam mo Bes Wala relasyon na perfect at lahat Dumaan sa Matindi Pagsubok. Alam mo Nagsimula palang kayo sa relationship niyo pero nag break na Kayo agad."

"Hindi ko alam Ang gagawin ko Divine."

"Mahal mo pa kaya umiiyak ka Ng ganiyan at kitang-kita sa mata mo may feeling ka sa kaniya."

Hindi na Ako makakaiwas sa Damdamin ko at alam ko sarili ko na may Naramdaman pa ako para sa kaniya dahil Hindi basta-basta Ang pagmamahal na binigay ko sa kaniya. Kàhit sinasabi Ng Bibig ko ayaw ko na sa kaniya pero Ang puso ko Ang makaka-alam Ng totoo Naramdaman ko para sa lalaki iyon.

Kàhit ano iwas ko ay nandiyan parin Ang kapalaran ko.

"Aray ko." Napaso Ang daliri ko Ng mainit na tubig.

Nilapitan ako ni Divine."Bes mukha hindi ka okay, magpahinga ka muna at ako na Dito." Kinuha Niya Ang mug sa kamay ko at umupo Ako sa Upuan. Nakatingin lang Ako sa Ginagawa niya.

I could never hurt him enough to make betrayal stop hurting. And it hurts in every single part of my body.

Pasado mag Alas otso Niya at inaayos ko Ang mga mesa at upuan bago pinatay ang Ilaw at sinara ko Ang Coffe shop.

Sakto Nakita ko si Kaiser at mukha inaabangan Niya Ako. Gusto ko umiwas sa Presensiya Niya pero paano? Kung patuloy na sinusuyo Niya Ako Ng Paulit-ulit para ibalik ko Ang tiwala ko sa kaniya at maging okay kami dalawa.

"Selena can we talk. I miss you" Bakit ganun sa Tuwing sinusuyo Niya Ako ay lumalabas Ang luha sa Mata ko.

Mahal mo kaya umiiyak ka at kaya nasaktan ka Selena.

"Umalis kana Kaiser at huwag Muna pahirapan Ang sarili mo sa'kin huh! Ano ba nakita mo sa'kin at habol ka Ng habol."

"Dahil mahal na mahal kita. I google myself but i never cheated on you, Never. Alam mo ba noon umalis Ako sa Pilipinas halos na homesick Ako. Ayaw ko umalis Dito sa Pilipinas. Ayaw ko lumayo Sayo. Ayaw ko! Alam mo ba Nasa States Ako Hindi Ako nag enjoy sa Bakasyon ko Doon, kàhit kasama ko si Dad, si mom, mga kapatid ko at pinsan ko. May kulang talaga at ikaw iyon dahil Wala ka sa tabi ko. Oo mainitin Ang ulo ko. Matigas Ang ulo ko. Basag-ulo Ako minsan pero Hindi ko magawa lokohin ka.alam mo ba Simula Ng makasama kita sa Rancho naging Masaya Ako. Ngayon ko lang Naramdaman ito sa Buong buhay ko. Pagkagising ko sa umaga ikaw Ang Nakikita ko. Ikaw ang nakakausap ko.
Gusto ko palagi ka nalang sa Tabi ko, gagawa Tayo Ng Maganda memories na magkasama tayo. Ni Respeto kita at ayaw ko galawin ka dahil mahal kita. Gusto ko iharap Muna Kita sa Altar bago ko gawin iyon Sayo." Saad niya.

AS #1 Heartless Man Inlove [R-18]✔️ CompleteWhere stories live. Discover now