Chapter 24

2K 40 3
                                    

Niyugyog ni mama ang Balikat ko at nakabaluktot ako sa kama dahil malamig Ang Umaga ko.

Kinusot ko Ang Mata ko."Selena Gumising kana diyan, mag linis ka Ng Bahay at pupunta Ako sa Palengke para Bumili Ng mga Lulutuin ko mamaya dahil Dito sa Bahay mag hapunan Ang Magulang ni Kaiser galing America kaya bumangon kana diyan at mag ayos." Saad niya.

Napabalikwas Ako. Bumangon Ako sa agad sa kama.

Nakamata Ako Kay mama."Seriously mama? Pupunta dito sa Bahay Ang Magulang ni Kaiser?" Paninigurado ko kung totoo talaga pupunta mamaya sa Bahay Ang Magulang ni Kaiser.

Nakakahiya!

"Oo anak, nakausap ko Ang mommy ni Kaiser sa cellphone. Mabait Ang mommy at mukha excited Makilala Ang papakasalan Ng anak niya. Alam mo Selena Mapalad ka sa magulang ni Kaiser dahil Hindi Sila katulad Ng ibang Magulang na tutol sa pagmamahalan Ng anak. Ang Isa pa kagandahan diyan ay Hindi matapubre Ang Magulang Ng Boyfriend mo anak kaya Masaya Ako makilala ang Magulang ni Kaiser." Masaya saad ni mama.

"Ganun ba Mama." Niligpit ko Ang higaan ko bago bumaba sa Sala para mag ayos at mag linis Ng Bahay.

"Oh Sister long time no see" Saad ni Kuya Dennis sabay Akbay sa Balikat ko.

"Kuya kailan Kapa umuwi galing Ng Manila?"

"Kanina madaling Araw sis. Maaga Ako umalis sa manila para Hindi Ako Maabutan Ng traffic sa Daan. Ang balita ko papasyal Ang magulang Ng boyfriend mo kaya mag ayos ka mamaya." Saad niya.

Kinamot ko Ang ulo ko."Oo kuya mag aayos Ako mamaya." Saad ko.

"Oh s'ya sige aalis na Ako Selena at ikaw na bahala dito sa Bahay. Dennis samahan mo Ako sa Palengke." Maawtoridad na sabi ni mama Kay Kuya.

"Okay mama" lumabas Sila dalawa sa kwarto ko.

Bumaba Ako sa Sala at nag simula mag-linis Ng kabuuan Ng Bahay. Nagwalis Muna Ako sa taas,pababa sa Hagdanan bago sa sala at kusina. Pinalitan ko ang mga Kurtina at Sofa cover. Nag mop Ako para matanggal ang Alikabok.

Nakakapagod Mag linis Ng Buong Bahay at butil-butil Ang pawis na pumapatak sa mukha ko.

"Sis tulungan mo Ako ayusin ito mesa." Utos ni Kuya.

"Okay." Inayos ko ito at bago inayos Ang mga Plato at Kubyertos. Done!

Malapit na mag six o'clock Ng hapon kaya nag ayos na Ako Ng Susuotin ko para presentable naman makipag-harap sa parents ni Kaiser.

Si Kuya Dennis ang nag asikaso sa mesa at nag arrange Ng mga pagkain. Ako Naman Ang nag asikaso sa Dessert.

"Naku mahal ko mukha marami yata Ang Niluto mo?" Saad ni papa.

"Naku mahal kailangan ko Damihan Ang Lulutuin ko dahil nakakahiya sa bisita natin." Saad ni mama Kay Papa.

"Selena anong Ibig sabihin nito mamanhikan na Sayo si Kaiser?" Kumunot Ang noo ni papa.

"Papa parang ganun na nga iyon. Hayaan Muna at parehas na sila Adult. Tignan mo masaya Ang kapatid ko dahil nakita na Niya Ang lalaki para sa kaniya. Kaya dapat maging Masaya Tayo dahil Seryoso Ang lalaki Kay Selena." Saad ni Kuya Dennis.

"Tama Ang sinasabi Ng anak mo." Saad ni mama Kay Papa.

Ngayon ko lang Makikita ang Parents ni Kaiser, Hindi kasi sumipot Ang mga ito noon Araw Ng kasal ni Kuya Jacob dahil busy sa mga negosyo nila sa Ibang bansa.

Parang Nahiya Ako bigla dahil mayaman ang Parents ni Kaiser at Hindi Basta-basta Ang mga tao ito.

Business man and woman ang Parents ni Kaiser. Napabuga Ako Ng Hangin. Sana Hindi Ako kabahan Ngayon na kaharap ko sa Sila ng harap-harapan.

AS #1 Heartless Man Inlove [R-18]✔️ CompleteDove le storie prendono vita. Scoprilo ora