CHAPTER 20

0 0 0
                                    

☽︎ STILL YOU :: CHAPTER 20
Xandreos


Ng makita kong magkasabay na pumasok si Killian at Elayjha ay nakaramdam ako ng pananakit ng aking puso at inis kay Killian. Nong una ay kay Xerxes, ngayon naman ay si Killian baka sa susunod si Xanderly ang pagselosan ko. ng maka-upo na si Elayjha sa harap ko ay akmang kakala-bitin ko na sana siya ng unahan ako ni Xerxes.
Kahit kailan talaga ay nauunahan niyo’ko palagi. Kaya hindi ko masolo ‘yang si Elayjha e!

Hindi nagtagal an gaming aralin ng biglang anunsyon an gaming principal na may meeting an gaming mga professor kaya napaaga an gaming uwian. Napansin ko ang agad na pagligpit ni Elayjha ng gamit nito at agad na umalis, nagtataka man ako nong una ay binaliwala ko na lamang ito nong huli.

Habang pababa ako ay biglang nag-vibrate ang akong cellphone kaya agad koi tong kinuha sa aking bulsa at tinignan kung ano ito. nagtext sa sa’kin si Xerxes kaya agad koi tong binasa.

[Xerxes
Xandreos, hanapin mo nga si Elayjha. Nauna kasi siyang lumabas. hanapin mo na agad siya habang ini-entertain ko pa ang ex mong halimaw sa text.

Agad na bumilis ang tibok ng aking puso ng mabasa ko ito, binalot agad ako ng pag-aalala ang lama ko, agad akong bumaba at hinanap siya, nilibot ko din ang buong building namin ngunit wala akong nakitang Elayjha. Kaya nagdesisyon akong maupo muna sa hagdan dahil sa pagod. Kinuha ko ang inumin kong tubig sa bag at ininom habang nililibot ko ang aking paningin. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayo, at iyon ay ‘Saan ka Elayjha.’ Ng matapos na akong uminom ay muli akong tumayo at nag-unat ng paa saglit. Tyaka muling naglakad, napansin ko na lang na nasa likod na ako ng aming paaralana, tuloy lang ang aking paglalakad. Natigil lang ako sa aking paglalakad ng may maaniang akong nakahig, naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko kaya nagmadali akong lumapit ritp. At ganoon na lang ang pagkadurog ng puso ko ng makilala kung sino ito mula sa malayo.

“ELAYJHA!” tawag ko at agad na lumapt sa kaniya at tyaka hiniga sa hita ko. nakita ko namang pilit nitong imulat ang kaniyang mga mata.

“Xandreos…” wika nito bago siya tuluyang mawalan ng malay

Agad ko siyang binuhat at dali-daling pumunta sa parking lot, inihiga ko ito sa baxkseat at pumasok sa driver seat at mabilis na nagmaneho papunta sa malapit na ospital. Hindi din nagtagal ay nakarating din ako, agad ko siyang binuhat palabas sa kotse ko, at malalaki ang hakbang ang aking ginawa papasok sa ospital, agad naman kaming inasikaso ng nurse ng nakakita samin. Inihiga ito sa isang kama at mabilis na tinakbo nakasunod lang ako rito mula sa likod, Nguni ng makarating kami sa harap ng emergency room ay pinigilan na akong pumasok. Kaya naupo na lang ako sa waiting area.

Wala pa ding humpay ang pagtibok ng puso ko ng mabilis, huminga ako ng malaim upang pakalmahin koi to ngunit nabigo ako. maya-maya ay may lumapit sa’king nurse.

“Ano po pangalan niya?” tanong ng nurse
“Elayjha Kim lee.”

“Ano pong nangyari sa kaniya?”

“Hindi ko alam, nakita ko lang siya sa likod ng campus namit at walang malay.

“Salamat po” wika nito at umalis na ito sa harapan ko

Kinuha ko ang aking cellphone at agad na tinawagan si Xerxes, nakailang ring palang ay agad niya itong sinagot.

“Asan siya?” bungad nito humugot muna ako ng malalim na hininga.

Still You Season 1 Where stories live. Discover now