CHAPTER 25

0 0 0
                                    

☽︎ STILL YOU :: CHAP ER 25
ELAYJHA


“Xandreos” Tawag ko.

Nagmulat ito ng kaniyang mata at tinignan ako, napuno ng saya ang kaniyang mukha, tinignan ko ang kaniyang kasuotan, nakasuot ito ng suot ng pang kawal. Hindi ko alam pero nakaramdam ng paninikip ang aking dibdib.

“Empeyatris, gising kana.” Wika nito tinignan ko naman siya ng may pagtataka.
Bakit tinatawag niya akong Empeyatris?
Bumangon ako sa aking pagkakahiga, inalalayan niya naman akong bumangon,
“Nasaan ako?” tanong ko rito
Nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mga mata

“Mahal na Empeyatris, hindi niyo po ba naalala? Nasa kaharain po kayo” sagot nito na mas lalong kina kunot ng aking noo.

“Empeyatris? Kaharian?” tanong ko hindi na ito sumagot pa bagkus ay iniwan ako nito na maraming tanong sa’king isipan.
Tinignan ko muli ang paligid, maraming palamuti na ka’y gandang pagmasdan. Ngunit naagaw ng aking pansin ng mahagip ng aking mata ang aking repleksiyon sa salamin. May suot akong magarang kasuotan na kulay pula at isang korona at maraming palawit. Nakamake-up din ako na siyang bumagay sa’king mukha.

Napatingin ako sa pito ng bigla itong bumukas at iniluwa roon ang isang lalaking nakasout ng magarang kasuotan at may roon rin itong sout na parang korona.

“Mahal ko, sa wakas at gising kana” bakas ang galak sa mga mata at boses nito ngunit kung titignan ang kaniyang mukha ay wala itong expresyon.

“Sino ka?” mapanuring tanong ko, nakita kong bahagya siyang natigilan ngunit agad din siyang makabawi at tinignan ako deretso saking mga mata.

Ang mga matang iyon, ang mga titig niya, parang kilalang-kilala ko. isa siyang taong malapit sakin.

Ng titigan ko pa ng mabuti ang kaniyang mukha ay doon ko lang nakumpirma na siya si Killian ang kaibigan ko. ngunit mayroong tanong sa isip ko na hindi pa rin nasasagot.

“Baki—

“Gising Elayjha” napamulat ako ng maramdaman ko ang marahang pagyugyug

Napamulat ako ng aking mga mata at bumungad sakin ang mukha ng aking mahal. Si Xandreos.

Bakas sa mukha ng pag-aalala nito sakin, hindi ba’t dapat akong matuwa dahil nag-aalala siya sakin pero wala, wala akong naramdaman na kahit ano.

“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito

“Oo ayos lang ako, ano baa ng maging dahilan para hindi ako maging okay?” sagot ko

Hindi ko alam pero ngayon ko lang napansin kung gano kalamig ang aking boses pagdating sa kaniya.

“Ayos ka lang ba talaga?” tanong ng isang lalaking katabi ni Xandreos. Si Ranjace.

“Ayos lang ako” sagot ko at tinignan ang paligid, ngunit ng mapansin kong wala ang hinahanap ko ay tumingin ako sa bintana.

“Kailan ako lalabas?” tanong ko

Naramdaman ko ang pagtigil nila. “Gusto mo na bang umuwi?” tinignan ko ang nagsalita at si Xandreos ang nakita ko.

“Magtatanong ba ako kung hindi?” hindi ko alam pero naiinis ako. Dahil ba wala siyang ginagawa para malaman kung sino may gawa non sakin o sadyang wala siyang pakialam.

Nagpresinta naman si Xerxes na siya ang mag-aayus ng papeles sumunod naman kay Xerxes si Xanderly, at iniwan naman kami ni Ranjace para bumili ng makakain namin, kaya ito naiwan kami ni Xandreos.
Napuno ng katahimikan ang buong kwarto, walang balak magsalita. Hanggang sa siya na mismo ang pumutol ng katahimikang iyon.

“Tell me, si Valerie baa ng may gawa nito sa’yo?” tanong nito sakin na siyang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Sasabihin ko ba sakanya na siya nga? Pero ano naman magagawa niya? Baka sabihin pa niyang nagsisinungaling ako at ipagtatanggol pa niya ang babaeng ‘yon kaysa sakin. Pag hindi ko naman sinabi edi ako din ang masisi kasi hindi ko sinabi. Tsk saan kaya ako lulugar.

“Hindi siya ang may gawa” ako ay nagulat saking sinabi pero hindi ko na kailangan pang bawiin iyon.

Bumukas ang pinto, kaya parehas kaming napatingin doon ni Xandreos. Akala ko’y si Ranjace na ang papasok ngunit nagkakamali pala ako.

“Hi sweetie” nakangiting bati nito kay Xandreos, ng humarap ito sakin ay agad na sumama ang mukha nito at inirapan ako. “Hi Elayjha” pekeng bati nito sakin.
Eh kung dukutin ko kaya yang mata mo? Ng matigil ka sa kakairap.

Ngumiti naman ako sa kaniya ng pilit. “Hello Higad este Valerie” wika ko, nakita ko naman ang pagsama ng aura niya narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Xandreos.

“What did you call me?” naiinis na wika nito

“I call you higad” paghahamon ko

“What is higad?” nagtatakang tanong nito, umangat naman ang sulok ng aking labi ng marinig kong hindi niya alam kung ano ang higad.

“Hindi mo talaga alam kung ano ang higad?” nakita ko naman ang pag-iling nito, “Higad is like you, makapit sa isang taong ayaw sayo.” Kalmadong wika ko akmang susugirin niya ako ng biglang pumagitna si Xandreos.

“Ano baa ng pinunta mo rito?” tanong nito
Nabaling ang tingin nito kay Xandreos.
“Pinuntahan kita syempre” nakangiting wika nito dahilan para makaramdam ako ng inis.

“Siya pala ang punta mo, edi sana sa bahay ka nila nanligaw hindi sa ospital” sabat ko, tumingin ito sakin ng subrang sama na parang pinapatay ako sa pamamagitan ng mga titig niya ngunit inirapan ko lang ito.

“Kung puwede Valerie umalis kana” rinig kong wika ni Xandreos

“Hindi ako aalis ng hindi kita kasama” pagmamatigas nito ngunit ramdam ko ang matalim na titig nito

“Isa mo pang titig sakin ng matalim Valerie, pagsisihan mo ‘yan” pagbabanta ko at tinignan siya.

Nakita ko ang bigla nitong pagkagulat at pamumulta sa hindi ko malaman ang dahilan.


Valerie


Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa tingin ng babaeng ito. Tinging kahit sino ay napapa-atras. Tinging subrang pamilyar sa ‘kin ngunit hindi ko malaman kung saan ko ito nakita. Walang emosyon ang mga mata nito, ngunit bakas sa mukha nito ang pagka disgusto na nakikita niya ako, na para ba isa akong pinakamababaw na taong nakilala niya. Madaling patayin ng walang nakaka-alam.

“Lumabas kana” nabalik lang ako sa ulit ng marinig akong boses, tinignan ko kung saan ito ng mula at nakita ko ang isang lalaki na ayaw ko makita. “Kung ayaw mong mahimlay.” Dagdag pa nito dahilan para agad akong umalis sa lugar na ito.

Hindi dahil takot ako sa sinabi niyang mahimlay ako, kundi hindi ko pa kayang makita siya, makita ang taong minahal ko ng subra noon. Na siya ring kinalugmok ko ng noon.

Still You Season 1 Where stories live. Discover now