PROLOGUE

16 0 0
                                    

Prologue... 

🍀

Meeting unexpected people is one of the best feeling ever. Hindi dahil sa gusto mong mapalitan yung mga toxic na tao sa paligid mo, kundi dahil gusto mong mag explore.

Sabi nga nila, may mga tao daw na darating sa buhay natin and it's either blessing or lesson.

Pero para sa akin, maging blessing man yan o lesson, thankful pa rin ako kasi naging part ako ng buhay nila at naging part sila ng buhay ko.

Although masakit, kasi kahit naman siguro sino masasaktan pag-iniwan ka sa ere diba?

Ang mahirap pa dun, kapag may umalis, oo nga't may darating na panibago. Pero kasi.... Ang hirap. Knowing sa panahon ngayon na usong-uso ang tinatawag nilang ghosting.

Masakit, OO. Yung iwan ka ng mga taong hindi mo inakalang iiwan ka sa dulo.

Yung laban na hinarap niyo ng magkasama pero sa huli, pipiliin niyang iwan ka dahil yun yung sa tingin niyang tama.

Nakakapagod...

Yung pakiramdam na gusto mong siya na yung last. Pero dahil nga iniwan ka, malamang hindi siya yung last. Panibagong tao, panibagong oras ng pagkukwento ng buhay mo.

Pero paano kung yung dumating eh pareho kayo ng pananaw.

Hahayaan mo ba siyang makapasok sa buhay mo o hahayaan mo nalang siyang mawala dahil natatakot kang maiwan ulit?

🍀

Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit na meron ako. I wanna scream and let the pain go when the time that I close my eyes.

But how?

Pag gising ko siya pa rin naman eh.

MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SIYA.

Why the world seems so UNFAIR?!

Bakit kung kailan masaya kana laging kasunod nito yung lungkot, yung sakit, yung pait at galit.

:'(

You Got My HeartWhere stories live. Discover now