CHAPTER 2

9 0 0
                                    

Chapter 2...

ANDREA's POV

NGAYON ANG unang araw ng meeting ng mga organizers para sa Christmas Party ng School kaya naman inagahan ko na ang pagpunta sa SSG room dahil dun daw yun gaganapin sabi ni Ma'am Sheina. Yung mga barkada ko naman at si Kurt dumiretso na munang canteen dahil dun nalang daw nila ako hihintayin.

"ARAY!" Putek! Ang sakit. Huhu!
Napaupo lang naman ako sa hallway. Kasi naman eh. Binangga ako. :'(
Ang sakit sa pwet.

"Oh my gosh. I'm sorry Ms. Halaaa!" Sheeet! Sino ba 'to? Ang ganda niya. Mukha siyang siopao na cute. Walangya! Ang bastos ko naman magdescribe. Pero ang ganda talaga niya. Bilugan ang mukha. Nakakainsecure. Huhu! "Are you okay? Hmmp! Pasensya kana. Nagmamadali kasi ako."

"It's okay." Shunga mo Andeng.
Ang sakit kaya. Anong okay ka jan.

"Really? I'm so sorry talaga."

"Okay lang ano ka ba. Hindi mo naman sinadya eh."

"You sure okay ka lang? By the way I'm Ashley." pakilala niya sabay lahad ng kamay.

"Andrea." pakilala ko naman.

"Oww. Nice name. Anyway, I have to go. Hinihintay na kasi ako sa Principals office. Inaayos ko kasi papers ko since magtransfer ako dito.

"Ah ganun ba? O sige."

"I'm really sorry girl. Babawi ako if I saw you again. Hehe! See you around." tapos niyakap niya ako bago umalis.

Wow ah!

Ang ganda niya talaga. Mukhang siyang barbie...

Huhu! Sana all.

"Oy Andrea, pasok kana." Sigaw ni Kyla from STEM ng makita akong nasa labas ng SSG room.

Agad naman akong pumasok. Madami na rin pala sila, akala ko kasi ako mauuna eh.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na rin ang meeting. Nagpakilala rin pala muna kaming lahat. Bale may representative din bawat strand sa senior high at sinama na rin nila yung mga representative ng junior high para isahang meeting nalang daw.

Nakakatuwa lang dahil ang dali nilang kausap lahat. Ang smooth lang. Tingin ko naman magkakasundo kaming lahat.

Bale ako ang binoto nilang president dahil daw ako yung inaasahan nilang valedictiorian ng batch namin.
Hay nako! Candidate palang kaya ako. Pero huwag kayo, pati ang prinsipe ko candidate rin for valedictorian.

6:30pm na nang matapos ang meeting namin. Hayst!

Agad naman akong dumiretso ng canteen dahil nga nandun ang barkada. Pagpasok ko palang ng canteen rinig na rinig ko na yung tawanan nila.

Tawanan na may asaran at tensyon sa pagitan nina Angelica at Marco. Ano pa nga ba? As always.

"Lakas mo mang asar eh ikaw nga jan 'tong natameme sa babaeng dumaan kanina." inis na ani Angelica. Ang bestfriend ko talagang pinaglihi sa aso at ang pinsan ni Kurt na pinaglihi sa pusa. Naku! Naku!

"Eh ano naman sayo?"

Bago pa man matuloy ang intense na away nung dalawa ay lumapit na ako.

"O Andeng, kamusta ang meeting?" bungad ni Bryan na lumalafang ng chichirya.

"Ayos naman. Hehe!" umupo ako sa tabi ni love. Niyakap niya naman ako saka isinubsob ang mukha sa leeg ko. Pagod siguro 'to. Halos 2 hours kasi yung practice nila ng basketball kanina eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Got My HeartWhere stories live. Discover now